***
Kathryn's POV
"Oh pak! Ganders! Bagay na bagay!"
"Nice, galing mo talaga bakla ka!"
-_-
Jusko, ano na kayang itsura ko ngayon? Natatakot ako baka kung ano ano na ang ginawa nila sa akin.
Dinala nila ako sa VIP room ng parlor na 'to. Sabi nila, dito daw talaga nila dinadala ang mga customer nilang importante. Marami silang customer sa labas, marami naman silang empleyado kaya hindi na sila nagaalala para don. Sa mga VIP, sila daw talaga ang nagsisilbi, pero kapag sa mga normal na customer lang, yung mga empleyado nila. Kaya sila yung nagaayos sa akin ngayon.
Pero ang masaklap doon, ang VIP room nila ay walang salamin! Ayy, meron pala, pero tinakpan nila ng malaking kurtina! Hindi ko tuloy makita yung itsura ko ngayon! Surpresa daw yun, sabi nila. Baka sa kakasurpresa nila, matakot ako sa maging itsura ko!
"Tayo ka na bibi Kath! Yan! Oha!" sabi ni ate Mira habang pumapalakpak pa sa tuwa habang pinagmamasdan ang itsura ko ngayon. Sya kasi ang nakakota sa make-up ko. Si ate Monica naman sa buhok at si ate Maica naman sa damit. Pinaghati-hatian talaga nila ang pagsisilbi sakin. Di talaga sila nagbibiro sa mga sinabi nila eh.
"Oh, oh. Ako naman! Upo Kath! Aayusin na natin ang buhok mo." Masayang wika ni ate Monica bago simulang ayusin ang aking buhok.
May kung ano ano pa syang nilagay sa aking buhok bago simulan ang gusto nyang gawin. Hindi ko na masundan ang ginawa nya pero ang kinalabasan ay simpleng ponytail lang. Hindi ko na masyadong madescribe dahil hindi ko naman nakikita.
Muli nila akong pinatayo at pinaharap sa kanila. Malawak ang VIP room at masasabi kong kumpleto ang gamit dito. Sa isang side, doon lahat ng mga bagay na pangpaganda. Sa loob din nito ay may isa pang pintuan, kung saan nakalagay ang mga damit at sapatos. At sobrang dami non.
"Maganda kang bata ka." Ngingiting ngiting saad ni ate Monica habang nakatitig sa akin. Ganon din ang ginawa nila ate Maica at ate Mira kaya di ko maiwasang mailang.
"Oh tama na yan! Kailangan na nyang magbihis. Padating na si Daniel, maya maya lang." sabi ni ate Maica sabay hila sa akin papuntang dressing room. "Suot mo yan ha?" sabi ni ate Maica bago ako itulak ng mahina papasok sa dressing room at ibinigay sa akin ang damit na napili nya.
Wala na akong nagawa kundi ang isuot yon dahil sinirado nya agad ang pinto. Grabehan naman yung parusa ni Daniel, hindi man lang ako pahirapan? Seryoso ba syang ito yung parusa nya?
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na din ako. Naabutan ko silang masayang nagkekwentuhan ngunit napatigil din sila ng makita nila ako. Sabay sabay silang ngumiti sa akin bago ako lapitan.
"Handa ka na bang makita ang itsura mo ngayon?" Tanong ni ate Monica.
"Wag kang magaalala. Maganda ka, kahit nung hindi ka pa minimake up-an. Mas gumanda ka nga lang ngayon." Sabi ni ate Maica.
"Tama sila bibi ko, Wag kang matakot. Kung ano ang itsura ko, yun ang itsura mo ngayon." Sabi ni ate Mira.
"Matakot ka nga Mira! Naku Kath! Wag kang maniwala sa kanya." Pagaangal naman ni ate Maica kaya bumusangot ang mukha ni ate Mira. Natawa na lang ako pati na rin si ate Monica. Ang kulit nilang dalawa.
Pinaharap nila ako sa salamin na natatakpan ng kurtina. Hinawakan ni ate Mira ang kabilang dulo at sa kabila naman si ate Monica. "Handa ka na ba?" Tanong nila sa akin kaya tumango ako. Maya maya pa ay sabay nila itong hinila pababa at nakita ko na ang salamin.
BINABASA MO ANG
That Guy [KN]
FanfictionElite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys that this story is not yet edited. So expect some grammatically errors, typo's, wrong spellings, et...