Hi guys! So this is my newest story after Maling Akala! Sana suportahan niyo din 'to. Hihi. Stay tuned for the first chapter!
xoxo, SooRinn
You Are The One
Prologue
Ipinangako ko sa sarili ko. Sinumpa ko, tinaga ko pa sa bato. Sinulat ko pa sa papel na nilagay sa bote at tinapon sa dagat.
Ipinangako ko na ang taong papakasalan ko ay syempre dapat mahal ko at mahal din ako.
Magmamahalan kami habang buhay at kahil kailan ay hindi mag-iiwanan.
Bubuo kami ng masayang pamilya at titira sa isang malaking bahay.
Pero paano kung paggising mo isang araw, malalaman mo na lang na ipapakasal ka na pala sa isang taong hindi mo naman talaga kilala?
Ang korny ng fixed marriage. Akalain niyong may ganito pa pala sa panahon ngayon? Eh sa mga teleserye ko na lang napapanood yun eh.
At sa kasamaang palad.. NANGYARI SAKIN 'YON.
Paano na yung pangarap ko? Gano'n na lang?
Okay lang sana kung mabait, mapagmahal at maalaga yung mapapangasawa ko eh. PERO HINDI! Kabaliktaran siya ng lahat ng 'yon! Isa siyang halimaw! In english, monster!
Sobrang sama ng ugali niya at walang pakialam sa nararamdaman ng iba.
Kung hindi nga lang para kay Papa eh hindi ko talaga pakakasalan ang monster na yun.
Hindi na talaga ko umaasa na may mabubuo pang pagmamahalan sa pagitan naming dalawa. Eh wala talaga kaming pinagkakasunduan!
Ano nga bang patutunguhan ng magulo naming istorya? Hanggang kailan naman kayang makisama sa isa't-isa? May pag-asa bang magkasundo pa?
I am Julienne Larosa, and this is my story.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...