Chapter 3: Welcome to Japan!

1.4K 52 2
                                        

AN:

Namatay pala yung router kagabi, hehe di ko namalayan. Pero heto na ang next chapie!




Axelle’s POV:

Para bang sinabuyan ako ng napakalamig na tubig mula pa sa antartika. Nagising ako sa mga nalaman ko kanina.

Flashback…

Hindi ako makaimik sa pinakita sakin ng salamin. Is this even real?

“Maaaring konektado ka sa mga mangyayari sa hinaharap Axelle. Mag-ingat ka lalo na’t isang malaking hamon ang makakaharap mo, maaaring ang kapalaran ay may ibang plano para sayo.” huling paalala sakin ni Madam Bertha.

End of Flashback

Sumasakit lang ang ulo ko kapag pinoproblema ko agad ito. Pero pano nga kung magsimula na ang paglihis ng kapalaran ko mamaya? Bukas? Sa isang araw? Teka? Bakit ako pa talaga? Out of all the people in the world... Haayyy…

“Mukhang malalim ata ang iniisip nyo Madam ah.” biglang singit ni Rich mula sa may likuran ko. “Hindi ba naging maayos ang lakad nyo kanina?” tanong niya.

Yeah right… Hindi nya kasi alam na may paranormal powers ako. Kahit na dalawang taon na syang nagtratrabaho bilang butler ko, wala akong balak na ipaalam sa kaniya, kay Chelsie o kay dad man. They don’t know the powers that I have.

“Humihinga lang ako ng sariwang hangin.” nasa may gazebo kasi ako sa may hardin. “Aalis tayo alastres ng madaling araw, naka reserve ka na ba ng tickets?”

“Opo mam.”

“Good.”

“At pinapasabi nga po pala ng head maid na, handa na ang hapunan.”

TIME SKIP…

Third Person’s POV:

Saktong alastres ng madaling araw ay nakaalis na papuntang airport si Axelle at ang kaniyang butler. Nanatiling tahimik sa may backseat si Axelle habang nakikinig sa music na kaniyang pinapatugtog, pero imbis na sa lyrics ng kanta naka focus ay sa ibang bagay tumatakbo ang isip niya. ‘Yong ibang bagay na kailangan niyang paghandaan ng maigi.

Ilang oras lang ay narating na nila ang airport, at hindi pa man tumatagalmng isang oras ng paghihintay ay naka sakay na sila at handa nang lumipad ang kanilang eroplanong sinakyan.

TIME SKIP…

Matapos ang ilang oras na byahe na dinaan nalang ni Axelle sa pagtulog ay lumapag na ang kanilang eroplano sa airport sa Japan. Nagagalak silang sinalubong ni Chelsie na may kasamang ilang mga alalay.

“Hi Sis! Kamusta ang flight?” tanong niya kay Axelle.

“It was fast. Walang delay kaya mabilis.” sagot ni Axelle.

“Ipadala mo na sa mga alalay ko ‘yang mga gamit mo. At kung game ka pa pwedeng dumiretso tayo sa saglit na pamamasyal? May ilang mall akong nagustuhan dito. And I want to take you there too!”

“Grabe ha. Kararating ko lang gala agad?”

“Edi, kung gusto mo magpahinga ka muna, tapos tsaka nalang tayo mag mall. Hindi naman kita pipilitin kung pagod ka.”

“Sus! Ang drama neto! Naka tulog naman ako ng maayos kanina sa flight kayaayos lang na mag-explore muna tayo noh!”

“That’s great!” excited na sagot ni Chelsie sabay hawak sa braso ni Axelle. “Let’s ride my car. Tamang-tama at mamimili na rin tayo ng susuotin natin bukas ng gabi sa party!”

“Argh! Dress nanaman!”

“’Wag ka ngang mag-inarte! You’re a girl, so you should dress like one paminsan-minsan.”

“I guess that can’t be helped.”

“Let’s go!!!”

Axelle’s POV:

Unang stop namin dito sa Tokyo… edi mall. Shopping agad ang pinunterya ni Chelsie, kahit na mukhang kahapon pa sya panay ang shopping dito. Hindi ba nauubos ang ‘got-to-buy’ list nya?

Pumasok kami sa isang malaking mall at sa tindahan agad ng mga damit ako unang dinala ni Chelsie, pagkatapos non ay pinasukat ng sandamakmak na mga dresses at heels na sapatos. Suki na nga ata ako sa changing room kasi halos ilang oras din ang ginugol namin sa pagpili pa lang ng damit. Chelsie ended up buying five, na pamimilian nalang daw nya, ako naman isa lang sana kung hindi lang niya dinagdag yung dalawa pang dress na nakita niyang nababagay din sakin nung sinukat ko kanina. Hayy… kanino kaya pwedeng maidonate itong mga ito pagkatapos?

Nang matapos sa mall, bumili ng mga damit, sapatos at mga bagong pang-ayos ng mukha at kung ano-ano pang mga koloreteng alahas ay dumiretso naman kami ni Chelsie sa isang sikat na restaurant. Patanghali na rin naman at medyo nagugutom na rin ako sa pagod ko sa pagsusukat ng mga damit at kalalakad sa loob ng mall. Tiningnan ko yung menu at pagkabuklat na pagkabuklat ko pa lang ay ready to order na agad si Chelsie. Huh? Masgutom pa ata sya sakin. Oh well… at least kakain na rin kami.

“May papasyalan tayong shrine mamaya! Naku siguradong magugustohan mo don!” nagagalak niyang anunsyo.

Ako naman ay napainom nalang muna ng isang basong tubig habang hinihintay yung mga inorder namin. Kailangan kong maging handa, baka pati yong pagkain namin ay di ko pa malasap sa dami ng nasa ‘must-see-places’ list nitong kasama ko. Pagminsan nagtataka nga ako kung di ba sya napapagod kakagala?

TIME SKIP…

The next day…

Ang bilis ng araw di ba?

Latang-lata na ako kagagala tapos parang nakagising ako nang malaman kong magaalastres na pala ng hapon. Kung di lang paulit-ulit na kumakatok sa pintuan itong si Chelsie, siguradong dirediretso ang tulog ko magdamag. Pero nga pala… may party ngayon kaming dapat puntahan at don din naghihintay samin si dad.

Hindi pa sya tumigil ng kakakatok kaya pinagbuksan ko na sya ng pinto. Hayyyy… Miss ko na kaagad yung malambot na higaan. “OMG! Look at you! Para kang galing sa World War! Kailangan mo ng Chelsie’s Girl Power!”

Nagising ako sa reality. “Ah! ‘wag nalang! Kaya ko namang ayusan ang sarili ko!” sabay pilit na tinutulak sya palabas ng kwarto ko ng pasimple, pero mukhang di nagwork.

“Anong ‘wag na? No way sis! This is a big event at maraming dadalo dong magaganda at mga gwapo! Dapat di rin tayo magpahuli noh! At isa pa, baka makahanap ka na rin ng forever mo! Ayiieee!”

“Ano?! Yuck! No way! Kung ganyan din lang ang plano mong set up para sakin mamayang gabi, maiiwan nalang ako! Hmp!”

“Hehe. Joke lang naman sis! O di hindi kita iseset up pramis, just come to the party at hayaan mong ayusan kita. Pleassseee…”

“Psh! What ever. Ayoko ng masyadong makapal ha.”

“Noted! Let’s make it simple.”

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon