Axelle’s POV:
Matapos ang napakahabang oras ng paghahanda, grabe… salamat at nakuntento na rin si Chelsie sa make up at ayos ng buhok ko. Complicated din pala yung pagkaka-intinde nya sa simple. Haayyy. At least natapos naman ng sakto sa oras.
Nakasuot sya ng kulay mint green dress na may sweetheart top at simpleng pakinang sa ibaba ng layered skirt area. Naka loose bun ang kaniyang buhok na may mga design na pearl pins. Ako naman ay kulay light purple na off shoulder dress, na may silver belt at plain flowy skirt. Ang lambot kasi ng tela kaya nagustuhan kong suotin, wala na ring magawa si Chelsie nang ito ang mapili ko. Yung buhok ko naman ay kinulot lang nya ng konti at nilagyan ng konti ring mga flower pins sa isang side.
Matapos ang katakot-takot na pag-aayos, sa wakas ay nakaalis na rin kami sa hotel at kasalukuyang papunta sa venue ng party sa isang open restaurant. Driver namin si Rich na naka formal attire din.
"Isn't this exciting?!"
"Alam mo namang wala ako masyadong hilig sa mga parties, kaya as expected, hindi namna talaga ako excited, normal reaction lang." Sagot ko naman.
"Hindi mo kasi nagegets yung essence eh... Pero try to enjoy the night and try to socialize, para rin to sa future ng company."
"I'll try."
Sa katunayan nga she has a point. As future CEO of the company, hindi naman talaga maiwasan na kailangan kong dumalo sa mga gatherings at parties na related sa business.
TIME SKIP...
Nang makarating kami sa venue pinuntahan agad namin si dad habang wala pa syang kausap na maraming tao.
"Oh... Axelle. Kamusta na ang stay mo? Nabalitaan kong namasyal daw kayo ni Chelsie kahapon ah." Pangungumusta niya.
"Maayos naman po." Sagot ko naman.
"Dad this party is amazing. Ang ganda ng venue." Sabi ni Chelsie na may paghanga.
"This is one of the restaurant Mr. Takishima owned. And speaking of him... Tara at ipapakilala ko kayo sa kaniya." Yaya ni dad. Is that why we came here for?
We made our way through the other crowds of people hanggang sa may matanaw si dad na isang Japanese looking man na nakikipag-usap sa isang babaeng foreigner. Nang makalapit kaming tatlo ay napansin na kami nung japanese, and he smiled.
"Mr. Gutierrez. I'm glad you could make it!" Nagagalak nitong salubong samin, well... Kay dad pala muna, at nagkamayan sila. "And, who's this two beautiful young ladies?" Tanong niya, while looking at us.
Mukhang gustong-gusto ni Chelsie yung compliment pero ako naninirik ang mga balahibo ko sa batok, buti nalang naka lugay ako.
"Ah. Mr. Takishima, I would like you to meet my daughters. Chelsie and Axelle." Pakilala samin ni Dad.
"Nice to meet you both. So are you enjoying the party so far?" Tanong ni Mr. Takishima samin.
Ah.... Well...
"It's great! I love the venue, it's so refreshing!" Pagpuri ni Chelsie.
"I agree." Maiksi ko namang sagot. sa katunayan eh wala pa naman talagang exciting na nangyari sakin ngayon dito sa party. Pero I need to pretend na nage-enjoy agad ako.
Halos si Chelsie lang at si Mr. Takishima ang maraming napapagkwentuhan. Ako naman ay nakikitawa lang pagminsan at umagree lang ng umagree. Eto ba yung party na sinasabi nila I'm starting to get bored.
Ilang saglit pa ay nagpaalam si Chelsie na magbabanyo muna at iniwan ako ditong mag-isa sa table namin. I don't want things to become awkward, kaya naman nag-isip na ako ng topic na pwedeng pag-usapan, pero Mr. Takishima beats me.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Misteri / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)