Third Person’s POV:
Matapos ang ilang minuto, Grei and the three girls were thrown out of the tavern hitting the glass widows breaking it into a million pieces. Pero kahit na ganon, they manage to make a soft landing on the ground.
“Ang gandang surprise non ah…” kumento ni Grei habang inaayos ang kaniyang suot na jacket. Hindi naman sya nireplayan ng tatlong babae niyang kasama nan aka focus sa lalaking bartender na ngayon ay palabas na ng tavern kasunod ng ilang mga demon customers nito.
Hindi ito nagpakalapit ng husto kina Axelle at utay-utay na nagbago ito ng anyo. Mistulang hinihigop niya ang ibang enerhiya mula sa mga nakapalibot sa kaniyang mga demons to strengthen his own powers. Lumaki pa lalo ang katawan nito at imbis na madagdagan ang mga muscles niya ay nagkaron ito ng malaking bilbil at ang pisngi nito ay lumawlaw din sa sobrang katabaan na maikukumpara mo na sa isang dambuhalang sumo wrestler.
“Mukhang kelangan nya ng extreme work out.” Kumento ulit ni Grei, nab aka sakaling ma-lift-up nya ang tense mood sa atmosphere. Pero sino ba namang ‘di mate-tense di ba?
Nang marinig ito ni Axelle, ngumisi siya. “Maganda ‘yang simulan sa Zumba.” Sabi nito. Napatingin naman sa kaniya yung tatlo. Di kasi nila alam kung ano ang ibigsabihin ng zumba na isang maka-mortal na lengwahe.
“Puro ka satsat.” Sita naman ni Lyn. Sabay unang umatake sa fat demon na pinaniniwalaan nilang si Gluttony. Sinundan ito ng sunodsunod na lightning bolts ni Grei at atake rin ni Jiena. Napa-irap nalang si Axelle at nagsimulang kalabanin yung mga average size na demon na nagtatangkang sumugod sa kaniya.
Gustuhin man nyang tumulong kina Grei hindi nya magawa at masyadong mahirap. Ang kalaban nila ay hindi lang isang ordinaryong demon, at wala rin syang kapangyarihan na pwede nyang magamit para makatulong sa kanila.
Sa gitna ng kanilang labanan ay may malakas at sunod-sunod namang pagsabog ang yumanig sa kanila mula sa magkakaibang direksyon. Mula ito sa mga atake ng ibang mga knights na kinakalaban din ang mga demons.
Ilang saglit pa’y nagkatipon-tipon muli silang mga knights sa gitna ng isang kalye kung saan din nila plinanong maghiwahiwalay. Their enemies are surrounding them.
“Patibong lang pala ang lahat ng ito satin.” Kumento ni Arden na syang hingal na hingal.
“You’re just stating the obvious!” puna naman ni KC sa kaniya.
“Guys, si Gluttony yung pinaka chubby sa kanila.” Anunsyo ni Grei sabay napalingon naman ang ibang knights sa direksyon nung dambuhalang demonyo na ngayon ay pinagmamasdan sila habang naka yuko at mukhang natatakam, not to mention, tulo-laway pa.
“Yuck! Kadiri naman ‘yan!” sabi ni Maisy.
“Bakit di nalang natin tapusin sya ng mabilisan para wala na tayong problema?” Tanong ni George.
“Powerful class type of demon ito at hindi basta-basta natatalo kasi isa ito sa Seven Deadly Sins.” Sabi ni Joyce.
“Tama sya. At sa tingin mo ba ikukulong sila dito sa illusionary world kung noon pa’y kaya naman silang tapusin.” Dagdag pa ni Echa.
“Argh! Tama na ang chikahan!” sabi ni Grei sabay pinakawalan ng isang malakas na electric blast yung dambuhalang demon at nagsimula na nga ang labanan.
Mainly, ang mga troop captains at second-in-command ang humahawak sa fat demon at ang iba naman ay naka pokus sa mga alalay nitong average size demons, ngunit mistulang hindi nababawasan ang bilang ng mga ito.
“Mukhang may pinagmumulan itong mga spawn demons na ito!” puna ni Ella habang busy rin sa paglalatigo ng mga demons.
“Sinabi mo pa! Dumarami ata sila lalo!” dagdag pa ni Jessica.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
غموض / إثارة"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)