Third Person’s POV:
Kahit anong pilit alisin ni Axelle ang kamay nung demonyo sa kaniyang leeg ay hindi niya ito magawa. Maslalo lang sumasakit kapag nagpupumilit sya dahil pahigpit ng pahigpit ang kapit nito sa kaniya.
The demon woman snapped her fingers at may lumitaw na isang malaking blank canvas sa likuran ni Axelle.
“You’ll be one of my masterpiece.” madilim na sabi nung demonyo bago dahan-dahan nyang nilalapi si Axelle dun sa blank canvas.
Ilang saglit pa’y may isang electric shot ang biglang tumama sa tagiliran nung demon, dahilan nang pareho silang magkahiwalay sa ere with a great amount of force dahil sa lakas nung shock. Pero bago pa man bumagsak si Axelle sa kungkretong sahig ay agad siyang nasalo ni Grei at maingat silang lumapag, sumunod na tumakbo papunta sa kanilang direksyon si Ella.
Binaba ni Grei si Axelle na walang imik matapos na saglitan niya itong suriin mula ulo hanggang paa bago pinaling ang nag-aalab na mga mata sa patayong demon sa isang banda. “You piece of hell!” malutong na bulong niya bago sinugod ulit yung demon.
“Akin na ‘yang paa mo.” singit naman ni Ella at mabilis na ginawa ang kaniyang panggagamot.
Axelle’s POV:
Habang ginagamot ni Ella ang paa kong nabalian kanina, hindi ko naman maalis ang tingin ko kay Gray Head. Makikita sa mga mata at kilos nya na galit na galit sya dun sa demon na gusto akong ipahamak. Hindi ko maidedeny na malakas din yung demon dahil kaya nitong sanggahin ang mga atake ni Gray Head na para bang nakikipaglaro lang sya. But even so... I can sense that Gray Head is still holding himself back.
Nang makatapos si Ella sa ginagawa nya, nakuha ko nang tumayo at maglakad ng walang iniinda. Sakto namang may dumating na demon at umatake samin.
Napaatras ako sabay dinampot ko yung rapier ko na nahulog kanina at sinanggahan ang balak nitong pagsugod sakin gamit ang kaniyang mahahabang mga kuko, sabay umatake si Ella gamit yung latigo nya mula sa likod. Napaatras sabay napadaing yung demon pero hindi pa man tumatagal ng isang minuto ay naghilom na agad yung sugat na natamo nito.
"Shucks!" Sabi ni Ella in between her gritted teeth.
'Ang bilis nyang magregenerate!'
Sabay kaming nagmadaling umiwas nang atakihin kami nito gamit ang mala espada na nyang mga kuko. Sus ko! Tinalo pa ata niya yung sa X-Men!
Napasalampak ako sa kabilang banda at muntikan pang mabitawan yung sandata ko, pesteng batong pahara-hara 'yon!
Ilang saglit pa ay may napakinggan akong parang tunog ng isang baryang nalaglag sa simento. My ears followed the faint sound and my eyes searched for the source. Nakita kong gumugulong yung black pin na binigay sakin ni Alie. Patay! I was instructed to keep that well-hidden! Malalagot ako kapag nawala ko 'yon! O kahit may makakita mang iba sa bagay na 'yon!
Third Person's POV:
Narinig din nung ibang demon ang mahinang tunog ng pagbagsak na pin, nakuha din nito ang atensyon nung demon woman. Lumingon ito at agad nahanap ng kaniyang nanlilisik na maiitim na mata si Axelle na dinadampot yung pin.
"Hulihin nyo sya!" Bulyaw nya sa kaniyang mga tagasunod nya na kapwa demon.
Mabilis na naibulsa ni Axelle yung pin sabay madaling pumaling sa mga demons na nagngangalit sa kaniya sabay isa-isa itong nagsisuguran papunta sa kaniya.
"Oh heck!" Mabilis nyang hinanda ang kaniyang sandata sa unahan. Pinagtulungan naman ng ibang knights na pigilan ang ilang demons na nagtangka syang sugurin. Akma din sanang ang mismong lider ng mga demons ang aatake sa kaniya pero mabilis na naka kilos si Grei at naunang umatake don sa demon bago pa man ito makalayo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)