Continuation…
Axelle’s POV:
Out of nowhere he started attacking me na ikinasurpresa ko din. I did my best to defend his attacks pero nahihirapan ako, ‘di rin ako makaatake kasi masyadong mabilis ang galaw nya. Kailangan kong magfocus sa defense, kung hindi, baka kanina pa akong may galos. At mukhang walang pake itong lalaking ito kung masugatan nya man ako.
Patuloy akong umaatras hanggang sa di ko namalayang malapit na pala ako sa dingding, my back hit the wall at napatigil ako. He also stopped, pero bigla syang umatake ulit. I tried to defend it pero in just a swift of his sword, mine was sent flying away from my grip sabay tumusok don sa kahoy na shield na naka sabit don sa pader. Then he pointed his sword straight on my throat.
Mukhang hindi man lang sya pinagpawisan o napagod?
“Nasan yung tapang mo ngayon?” tanong niya sakin.
“Spirit Knight ka lan-”
“Exactly… SK ako. Ngayon sa tingin mo ba mananalo ka?”
“Anong pinupunto mo?”
Binaba nya yung espada , sabay naglakad pabalik sa pinagkunan niya nung sandata nya at binalik don yung espada. “Back down while you still have the chance. Kung ayaw mong mapahiya at madismaya. Lyn never show any mercy against her opponent.” then he walk out the door without another word.
Binalot nanaman ulit ako ng katahimikan. I clenched my fists sabay lumapit don sa tumalsik kong espada bago binunot, eyeing the sharp blade I mutter. “No mercy? I will show her no mercy. Hindi ako aatras.”
TIME SKIP…
Third Person’s POV
Kinabukasan maagang nagising si Axelle at nagwarm up muna bago naghanda ng sarili sabay bumaba kasabay nina Marry para mag-agahan.
Sa kanilang mga daraanan ay halatang pinagtitinginan na si Axelle ng ibang mga estudyante, yung iba nagbubulungan pa pagkalagpas nya.
“She won’t even make it out of that arena in one piece.” sabi nung isang babae.
“Lyn will totally crush her.” dugsong pa nung katabi nya.
“Pustaan tayo, Trainee o SK?”
“SK ako pre. Wala syang laban don.”
“Gusto ba nyang mapahiya?”
“Ang lakas ng loob nya ha…”
Nagpatuloy lang sina Axelle sa paglalakad hanggang sa marating nila ang kanilang destinasyon nang hindi pinapakialman ang mga pinagsasasabi ng iba. Her friends believe in her at matibay na determinasyon… ‘yon sapat na for her to gain a winning confidence against her opponent.
Sa kabilang banda naman ng malawak na kainan ay natanaw sya ni Grei, pero dahil sa kasama niya si Jiena na bantay-sarado sa kaniya, hindi nya magawang lumapit kay Axelle.
These past few days, Jiena is being over-protective when it comes to Grei. Hindi rin nya alam kung bakit bigla nalang nagkaganon si Jiena, kahit na ilang beses na syang pinaliwanagan ni Grei… matapos yung nangyari sa may Clinic.
Pero hindi maitatanggi ni Grei sa kaniyang sarili na nag-aalala pa rin sya para kay Axelle. Alam nyang pagdating sa paghawak ng mga sandata, pangatlo sa pinakamagaling na estudyante ang rank ni Lyn sa buong academy. Sino naman ang nagtulak sa kaniyang kalabanin nya ang isang magaling na myembro ng SK? She must be insane.
Habang sumusubo sya nga kaniyang pagkain at habang nagkukwento sa kaniya si Jiena ng kung ano-ano, ang tumatakbo lang sa isip ni Grei ay ang kung pano sya makakalapit kay Axelle. He doesn’t know why, but there’s something about Axelle that attracts him. That feeling he was unable to explain. Why can’t he get her off his mind? Why can’t he pay attention to her like how he pays attention to everybody else? Kelan lang nong nagkakilala sila, pero iba ang nararamdaman nya, he felt like he had known her before.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)