Chapter 33: A Thing About the Past

722 40 0
                                        

Grei’s POV:

Pinagmasdan ko sya, at gayon din sya sakin. We stayed like that for about a minute, her nor I didn’t move. I studied her… Every move she made habang naglalakad sa hallway o maging sa mga klase na kami’y magkasama, every bit of her face at maging ang boses nya… Bakit ganon? Wala akong maalala? Hindi ko pa sya nakakasalamuha dati, pero ang larawang nakita ko ay iba ang sinasabi. Sino ba sya sa ‘kin? Anong naging papel nya? Teka, meron nga ba?

Merong isang babae lang akong pinapangarap na makasama habam-buhay, pero nang dumating sya mistulang nag-iba ang ikot ng nararamdaman ko. Why did I yearn for her the moment I saw her? Bakit kahit na alam kong may mahal na ako, pilit pa rin syang pumapasok sa sistema ko? And the worst part is that, I can’t even stop it, I don’t want to stop it. It feels right, somehow, but why?

Ilang saglit pa’y mabilis siyang umiwas ng tingin at madaling umalis. Nanatili ako sa pwesto ko, at niyuko ko ang ulo ko upang tingnan muli ang isang puting stuff toy na hawak ko at nang iangat ko yung isa kong kamay, tiningnan ko ulit yung larawan namin.

Akala ko walang kulang, pero ngayon nalaman kong there’s a puzzle piece missing, and I think I found a clue. Baka meron akong nakaligtaang memorya ng aking nakaraan. I need to find the answer.

“Sino ka ba talaga, Axelle Bliz Gutierrez?" bulong ko sa hangin.

TIME SKIP…

Kinabukasan…

Axelle’s POV:

Naghihintay kami ni KC ngayon ng teacher sa Potion Class level 2. Konti pa lang ang tao kaya naman hindi pa din ganon kaingay sa room namin.

Nagbabasa sya ng isang librong hiniram nya kay Vanessa, ganon din ang ginagawa ko kanina pero hindi rin ako nakatagal dahil sa may bumabagabag sa isip ko. Malayo ang tanaw ko sa labas ng bintana at wala akong paki-alam sa paligid ko while thinking about what I saw last night.

Medyo malayo ako sa kaniya, pero kahit na ang kaunting ilaw na syang nagbibigay liwanag sa depository ay hindi magawang itago ang puting stuff toy na hawak nya. He saw me at medyo matagal din kaming nagtitigan. Nabasa ko mula sa ekspresyon ng kaniyang mukha na mukhang may pinagtataka sya.

Buti hindi nya ako nilapitan o kinausap, ako rin ang mabilis na umiwas sa kaniya. At magmula nga non hindi na naalis sa isip ko kung may naaalala ba sya, o may nalalaman sya. Posible kayang bumalik na ang ala-ala nya? Pero imposible din naman ‘yon ng ganon lang kadali?

Tila nakagising ako nang may humila ng isang upuan na nasa unahan ko palapit sakin sabay may naupo.

Sa pag-angat ng aking tingin ay hindi ko inaasahang nakakaharap ko ang mga matang nakatitig sakin ng malalim kagabi.

“Mornin’ Ladies!” as usual, masigla syang bumati samin, pero pakiramdam kong masmatagal nanaman syang tumitig sakin. I looked away.

“Morning Kuya Grei.” bati sa kaniya ni KC sabay bumalik sa pagbabasa na mukhang dalang-dala don sa kwento.

“Zup?” tanong nito sakin.

“Kung pumasok ka sa klaseng ito para asarin ako, lumipat ka nalang ng upuan o di kaya’y ako ang gagawa non.” as usual na masungit kong sagot sa kaniya. Kung may naaalala man sya kahit konti, hindi ko dapat ipahalatang affected ako di ba? As usual, susungitan ko sya.

Wala akong alam, wala akong alam…’

“Ang sungit mo naman. Bakit ka bad mood? Na miss mo ‘ko noh?…”

“Hoy, kung manlalandi ka lang din, puntahan mo yung sytota mo at ‘yon ang landiin mo. Leche ‘to, nangangabit.” sagot ko ulit.

“Uy selos sya…”

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon