Chapter 77: Memories 2

556 35 12
                                        

Alie’s POV:

Kaagad akong nakipagsiksikan sa iba para makapalit sa kinararatayan ni Axelle. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga kasamahan namin. Huminto ako nang makita ko na ang kabuuan nya.

Patay na nga ba sya?

May naramdaman akong kakaiba sakin. Nakakaramdam ako ng awa at pag-aalala sa babaeng ‘to. Hindi ko alam kung bakit pero kahit na siguro I was trained not to easily let my guard down when it comes to emotion ay hindi ko rin maiwasang makaramdam ng pagkaawa. This feeling is not new to me, pero kaylangan wala akong maramdamang awa. Demons don’t have pity or mercy, paamak talaga ‘tong dugong mortal na nananalaytay sakin.

“Ano pang hinihintay nyo dyan guys?! I-CPR nyo na sya dali!!!” medyo nagpapanik na bulalas ni Jessica.

(AN: Pareho kayo ng sigaw ah. Hehe. Maxine_Meow)

Out of all the knights here na na-shock sa nangyari ay hindi makapagsalita, tanging sya lang ang bumasag ng katahimikan.

Madaling pumosisyon si Ivan sa pwesto nya para mag perform ng CPR. Hindi ko alam kung gagana pa ‘yan sa katawan ni Axelle. She stayed submerged in the water longer than any of us, dahil yung selda nya ang pinaka huli.

Kung hindi man sya mabubuhay ay nasayang lang ang mga pinaghirapan nya. She will fail this mission… Siguro mabuti na rin ‘yon. Ako ang tatapos sa misyon nya para mapatunayan k okay ama na isa akong tunay na demonyo. I’ll make him proud.

Third Person’s POV:

Akmang sisimulan na sana ni Ivan ang CPR nang biglang magmulat ng mata si Axelle na kinagulat nilang lahat. Uubo-ubo si Axelle na napaupo upang alisin yung mga pumasok na tubig sa baga nya. Inalalayan sya ni Ivan at Ethan. Nakahinga sila ng maluwag dahil sa nasaksihan nila.

“Axelle, ayos ka na ba?” tanong ni Ethan sa kaniya.

“O-oo, m-medyo nahihilo lang ako.” Sagot niya habang minamasahe ang sintido ng kaniyang ulo.

“May iba pa bang masakit sayo?” tanong ni Ivan na kinagulat ng halos lahat ng nakarinig sa kaniya.

Ngayon lang kasi nila nakitang nag-aalala at curious ng ganito si Ivan sa kalagayan ng isang tao (o spirit). Ang attitude nya kasi palagi ay cold hearted. Kadalasan kasi, kaw na nga yung nasaktan, pangangaral o sermon pa ang aabutin mo sa kanya. This other side of him is new to them. Pero hindi nalang nila naisipang magkumento tungkol don, baka mabulilyaso pa.

“W-wala naman.” Sagot ni Axelle at nagtama ang paningin nila ni Grei na nasa bandang likuran ni Ivan, hindi sya nagsasalita pero masaya nang makitang ayos lang sya. Grei immediately averted his gaze elsewhere at tinulungan sya ni Jiena at Nick para muling makatayo.

Ilang saglit pa’y napansin ni Arden ang pagbukas ng isang portal malapit sa kinatatayuan nila. Agad niyang tinawag ang atensyon ng mga kasamahan nya na agad ding napansin yung lagusan.

“Kaya mo bang tumayo Axelle?” tanong ni Jess sa kaniya habang ang iba nilang kasamahan ay nanguna na papunta sa portal.

“Hindi na kaylangan.” Sabi ni Ivan sabay mabilis ang kaniyang sumunod na paggalaw at binuhat si Axelle sa kaniyang mga bisig. “Tara na.” sabi pa niya sa iba pang natitira bago naglakad papasok sa portal. Hindi maiwasang mapaubo ni Jessica sa nasaksihan.

“Nakainom ka rin ban g tubig?” pabirong tanong sa kaniya ni Arden na sumabay sa paglalakad nya.

“Loko! Iba meaning non. Palibhasa ‘Girls Stuff’ kasi kaya hindi ma-gets ng boys.”

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon