Chapter 55: Ilohama

540 27 0
                                    

Arden’s POV:

I know that I’ve tried several times kung gagana ulit ang kapangyarihan ko, pero kahit na anong pokus pa ang gawin ko ay wala talagang nangyayari. May kutob din ako na baka 24 hours na kaming nasa kulungang ito. At kung tama nga ang pagbibilang ko’y possible nang magpakita ang susunod na portal para sa susunod na dimension. And the first thing that we need to do, is to get out of here.

“Any plan guys?” tanong ko sa mga kasama ko na kanina pang nananahimik sa magkabilang parte ng seldang ito. Buti nalang at naawat ko silang dalawa. Tsk. Bakit ba ang init-init ng ulo nila sa isa’t isa?

Ivan is not a talkative type of person kahit na pigain mo pa sya eh hinding-hindi magkukwento ‘yan ng tungkol sa personal life nya, si Grei naman ganon din, pero mas masaya syang pakisamahan kesa kay Ivan, pero hindi ko man sinasabing boring si Ivan. Haayyy… ano ba ang nangyari sa dalawang ito? Hindi ba nila alam na kapag may sama ng loob ang tulad naming spirits na kinikimkim ay mababawasan ang lifespan namin? Yep! Katumbas nito ang hindi mo pag-aalaga ng maayos sa sarili mong katawan. Pero kahit na ganon sila, eh ang lalakas pa rin ng mga kapangyarihan nila. Maybe it runs in the family bloodline.

“May dalawang liyong bantay sa labas ng pinto, mukhang mahihirapan tayong i-avert ang atensyon nila sa ibang bagay. Wala pa tayong kapangyarihang magagamit.” Mahinang sabi ni Grei.

Napapalibutan kami ng batong pader na kahit isang bintana ay wala kang makikita, baka nasa underground ‘tong dungeon na ‘to, at ang nag-iisang bakal na pintuan lang ang ticket naming palabas, tapos gwardyado pa.

Magsasalita pa sana ulit ako nang mapakinggan kong may kumalansing sa may pintuan, kasabay ang pagbukas nito, revealing a huge female lion with violet-red eyes. Sa likuran nya’y may naka posisyon din dalawang liyon.

“Take them out.” Mariing utos nung babaeng liyon sa mga nasa likuran nya sabay pumasok ang dalawang liyon sa kulungan naming at kami’y tinulak palabas. Paglabas naming ay napaliligiran pa kami ng tatlo pang liyon, kasama na don ang naging bantay namin.

Nagsimulang maglakad yung nag-utos sa kanila at kami naman ay agad na tinulak ng mga bantay na nasa likod namin. Wala kaming handcuffs o tali sa kamay pero sobrang gwardyado naman kami, there’s no point of escaping.

“Where are you taking us?” seryosong tanong ni Ivan sa nangungunang liyon.

“Is this the part where we’re going to die?” singit naman ni Grei. Agad kaming napa tingin sa kaniya, kitang-kita ko pa ang pagtaas ng kilay ni Ivan, but he showed no emotion.

Napaisip tuloy ako. Kakainin na yata nila kami! Pano nalang sina Axelle?

“Not yet.” Maiksing sagot nung babaeng liyon sabay huminto sa harap ng isang malaking double doors at hinarap kami. “It’s just the beginning.” Huling wika niya bago kami pwersahang tinulak papasok ng pintuan ng mga nasa likuran.

“Grei!”

“Ivan!”

“Arden!”

“Yow guys!”

Standing before us ay sina Alie, Jess, Tory, Joyce at Ethan. Mukhang nagulat sila nang makita kami, at gayon din naman kami sa kanila. Wait?... nahuli din sila? Eh yung ibang knights? Sana naman hindi pa nila kami iniiwan. Maybe the rest are formulating a plan on how to rescue us. Sana nga…

“Pano kayo napunta dito?” I was the first to speak.

“We were captured.” Sagot ni Ethan.

“Kayo lang ba?” tanong naman ni Jess.

“No. Kasama namin sina Axelle at Jiena, pero mukhang sa ibang selda sila kinulong.” Paliwanag ni Ivan.

“What is it with all that food?” nagtatakang tanong naman ni Grei habang naka tingin sa isang mahabang mesa na naglalaman ng iba’t ibang putahe ng pagkain. Hindi ko agad ‘yon napansin kanina ah...

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon