Chapter 54: Den

639 30 0
                                        

Third Person’s POV:

“Find your own prey! I found them first!” singhal ng isang galit na lalaking liyon sa kausap nyang liyon na kaniyang kapatid.

“I was the one who caught them!” sagot naman nung isa.

Mainit ang ulo ng dalawang alpha male na liyon patungkol sa isyu kung sino ang karapatdapat na magpataw ng parusa sa kanilang mga nahuling bihag. Konting sagutan pa nilang dalawa ay tiyak na magsusunggaban ito, pero bago pa man lumala ang kanilang pagtatalo dumating ang isang babaeng liyon na ang pangalan ay Lena.

“Your majesties…” sabay yumuko sya. “We caught more intruders trespassing, they’re in the dungeon now. What do you wanna do about ‘em?” tanong nito sabay naupo.

Kumalma ang dalawang liyon at hinarap nila si Lena.

“How many intruders were caught?” tanong ni Iloama, the eldest.

“Ten.” Maiksing sagot ni Lena.

“I’m the eldest alpha male in this pride, I’ll take seven prisoners.” Saad ni Ilohama.

“Eldest? Ha! I’m the most powerful alpha male in this land, I should be the one to take them all!” sabi naman ni Nygama, the youngest.

Ilohama snapped his jaw at his younger brother. “Maybe you must’ve forgotten… You’re stepping on my side of the border.”

“I can conquer your land anytime I want, because I’m more powerful than you!” Nygama snapped back. Lena just rolled her eyes at the two siblings fighting.

“Are you challenging me again, Nygama?”

“Why? Are you afraid to loose a land, Ilohama?”

“That’s because you cheated!”

“Same goes for you! Cheater!”

Matagal silang nagtinginan ng masama bago unang nagsalita si Ilohama. “Let’s settle this on the sunken field at dawn. The one who will win, will take charge over all the prisoners, plus will get a land.”

“Deal.” Maiksing saad ng kaniyang kapatid sabay naglakad paalis.

Nang maka-alis na si Nygama, nagpaalam na ring aalis na si Lena para magmatyag. Sa huli, naiwang mag-isa si Ilohama. Napagdesisyunan nyang bisitahin sa kulungan ang kanilang mga bihag, at ang kaniya kamong ‘future feast’.

Axelle’s POV:

Mabilis akong napabalikwas ng upo. Teka? Anong nangyari? Nasan ako? Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, nasa isang selda ako. Aish… bihag nanaman. Ang masaklap pa’y kaming dalawa pa ni Jiena ang pinagsama sa isang selda, mainit pa naman ang dugo nitong babaeng ito sakin. Di ko naman alam kung bakit… Sa pagkakatanda ko’y di na nila ako kilala. Kung sino talaga ako at kung saan ako nagmula. Baka literal lang talagang ganyan ang ugali ni Jiena, base ko rin kase kina KC, mukhang di rin nila kasundo si Jiena dahil mataray ito.

Napansin kong nagkakamalay na rin si Jiena.

“My head… Nasan na tayo?” tanong niya habang hinihilot-hilot ang sentido nya. Bago tumingin sa paligid.

“Nasa kulungan.” Simple kong sagot sabay tumayo at pinagpagan ang aking sarili.

“What?! Sina Grei?!” nag-aalala at gulat nitong tanong sakin bago mabilis na napabalikwas ng tayo.

“How am I supposed to know? Pareho lang tayong walang malay kanina.” Sagot ko naman in ‘as-a-matter-of-fact’ tone…

“Tsk. You’re useless.” Maarte nyang sambit na may halong inis. “Pano nalang ako nito? It’s creepy in here, it’s dark, it’s stinky, it’s ugly…” tumalikod ako sa kaniya at nag-mock habang sinasabayan ng bibig ko ang mga salitang sinasabi nya.  Ang daming reklamo ng babaeng ‘to, di nalang magpasalamat dahil di sya tinuluyan nung mga liyon kanina. Tsk. “… and worse of all, wala sa tabi ko si Love!” Napairap nalang ako sa huli nyang sinabi, di naman nya pansin kasi nakatalikod ako sa kaniya. Naglakad ako para sumilip sa may pintuan, titingnan ko kung ilan ang nagbabantay samin. Pero itong kasama ko, di pa pala natatapos ang dada. “Gusto ko nang maka-labas dito! I’m not comfortable here!” daing pa nya.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon