Third Person’s POV:
Maagang gumayak ang mga SK para sa simula ng kanilang training sa isang dimensional world. World within World ang estado ng kanilang pupuntahan. Nasa loob sila ng Academy pero nasa ibang dimension.
Halos makailang beses na nagpabalik-balik sa harap ng kaniyang body mirror si Axelle, hindi dahil nananalamin sya para tingnan nya ang suot nya pero dahil sa pinaaalalahanan nya ang sarili nya patungkol kay Grei ng paulit-ulit.
“Don’t look straight into his eyes, don’t stare, wag papatol, keep chill just for traning lang ‘to… Ashet! Ang hirap naman oh! Bakit ako pa kasi?! Argh!” halos makailang hilamos sya sa mukha nya. “Wooohh… keep you cool Axelle, keep your cool.”
“Axelle! Handa ka na ba?” tanong ni KC na nakasilip sa may pintuan ng kwarto nya.
“Ha? A-ah! Oo k-kanina pa.” medyo nangangatal nyang sagot sa kaniya habang inaayos sa pagkaka-belt yung inaglalagyan nya ng rapier nya.
Di nakaligtas kay KC na mukha itong kinakabahan kaya naman ay chineer nya agad ito baka sakaling mabawasan ang kaba, pero-
‘Kung alam mo lang KC ang tunay na dahilan… haayyy…’ sabi ni Axelle sa isip nya at pilit nalang ngumiti bago sila sabay na lumabas ng headquarters nila. Kasama din nila ang iba pang myembro ng Emerald Ox at sabay-sabay silang pumunta sa 18th floor kung saan sinasabing nandon yung portal patungo sa dimensional world.
Para kay Axelle, first time lang nyang makakatungtong sa palapag na iyon. Naalala din nya kung ano ang sinabi ni Alie tungkol don, puno daw ‘yon ng mga patibong para protektahan ang Elexus, o baka naman ay may kinalaman don yung dimensional world?
“Good Morning maganda kong apprentice!” masiglang bati sa kaniya ng isang taong higit na kinaaayawan nya sa buong Academy, at maging sa kabilang buhay, si Grei.
Axelle’s POV:
“Sabihin mo nga, san mo gustong tumama ‘tong kamao ko?” naiinis na tanong ko sa kaniya habang pinapakita ang nakayukom kong kamao.
Noong isang araw pa ‘tong lalaking ‘to ayaw magpaawat, punong-puno na talaga ako sa kaniya!
Napaatras sya habang naka salag sa may unahan nya yung mga kamay nya. “Grabe ka naman, napakabayolente mo naman! Baka hindi pa ako nakakapasok sa Portal bugbog sarado mo na ako. Kalma lang… Tandaan mo, ako ang Superior Commander mo, you’ll do everything I command you to do, sa Iayaw at sa gusto mo.”
“Tss. Hindi sa lahat ng pagkakataon Gray He- Idiot!” argh! Nakaka-inis talaga sya! Nagdahilan pa!
“Kuya Grei! Axelle!-” lumingon ako sa tumawag samin, si KC na naglalakad din kasunod ang isang babae from Gem Serpent. “Kanina pa namin kayo tinatawag hindi man lang kayo lumilingon. Malapit na daw magsimula.” anunsyo nya. “By the way, Axelle, I would like you to meet Harmony, sya yung Apprentice ko.” pakilala ni KC sa babaeng may yellow orange na buhok.
Pansin kong medyo mahiyain itong si Harmony pero ramdam kong mabait naman sya.
“Nice to meet you.” sabi ko sa kaniya habang nakikipagkamay.
“You too.” sagot niya.
“Shall we go ladies?” singit nitong si Gray Head. “Pansin kong naga-assemble na sila don.” dugsong pa nya bago kaming mga babae ang nauna sa paglalakad papunta sa may malaki at eleganteng kahoy na double doors.
Nanatili syang tahimik at mukhang huminto muna sya sa pang-aasar sakin, pero pustaan, baka mamaya ito sa loob ng dimensional world dumali. Nandon din nakatayo malapit sa entrance sina Headmaster Jubilan at dalawang teachers, yung isa ay si Mater Shi Fu, at yung isa ay si Madam Felicia.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)