AN:
Bago magsimula ang chapter na ito. Gusto ko lang pangunahan na alam kong medyo mabagal ang takbo ng kwentong 'to, unlike other stories. Pero this is how I write my own world. Hindi minamadali ang mga bagay-bagay, lalo na ang pag-ibig, hugot??? Hehehe. Ika nga eh...
"Timing is Everything." - Barbie
Sha! Sha! Tapos na ang commercial!
Chapter 14: Throwbacks
Axelle’s POV:
Tinapos ko ang kalahati ng araw na mukhang isang nagtatagong kriminal. Sino ba naman ang maiilang at palaging magugulat at maiilang kung sumusulpot nalang basta basta na parang kabute ang mga spirits na ayaw kong makasalamuha nang higit sa lahat ng mga naninirahan dito sa alien world, wait… afterlife pala.
“Axelle. Tara mauna na tayong mag dinner bago dagsain ng maraming tao yung dining hall.” yaya samin ni Giselle. Tumayo naman mula sa pagkakagiha si Marry na nagbabasa ng mga notes nya, si Hannah naman ay saktong labas lang ng banyo.
“Ah sige… wait lang.” sagot ko naman sabay inimis yung mga gamit kong nakakalat sa higaan ko. Nagbabasa din kasi ako ng mga notes ko like Marry.
Nang handa na kaming lahat ay dumiretso na kami sa Dining hall… So sad nga lang…
Pagdating kasi namin don ay medyo marami na ring naghahapunan ng maaga. Malas naman, okupado na halos lahat ng upuan sa table nina Marry, don sana kami tatabi ni Giselle. HHaayyy… Kaya naman tuloy watak-watak nanaman kami maghapunan.
Dumiretso ako sa table ko at naghahanap ng bakanteng mauupuan. Maraming bakante sa may bandang unahan pero di ko type na umupo don, ilang saglit lang ay may nakita akong isang bakanteng upuan sa may bandang hulihan kaya ako ay naglakad palapit don. Nang ilang hakbang nalang ang layo ko ay may isang lalaki namang biglang kumuha nung upuang nakita ko sabay nilipat sa kabilang table which is ibang Student Class na at may pinaupong isang babae.
Napatingin ako ng masama dun sa kumuha ng upuan.
‘Papansin! Gulpihin kaya kita!’ singhal ko sa loob ng isipan ko don sa walang hiyang lalaking mang-aagaw ng upuan.
Sabay dumako naman ang mga mata ko sa katapat niyang lalaki, yung nam-bully sakin nong unang araw ko dito, naka tingin sya sakin sabay naka smirk na mukhang mapanghamon pa. Gusto ata nyang patulan ko sya, pero wala akong balak pumatol sa asta’y parang bata.
Kapag binato ka ng bato, maghintay ka, at batuhin mo ng malaking tinapay. Hindi ‘yon masakit, pero mararamdaman nya ‘yon. Maghintay kang lalaki ka, may araw ka rin sakin.
Hindi ko namalayang kanina pa paa akong nakatayo sa kinaroroonan ko habang konti nalang ay papuno na ang dining hall sa mga nagdaratingang mga estudyante. Shocks! Wala pa rin akong mauupuan!
Haayyy, pano ba ‘yan… bukas pa naman ata yung engrandeng canteen nila don nalang ako bibili ng makakain. Tumalikod ako at nilisan ang dining hall, nang di nagpapaalam sa mga kasamahan ko.
TIME SKIP…
Habang kumakain ng isang weird na prutas pero matamis at masarap na binigay sakin nung tumatao don sa canteen ay nagbabasa naman ako muli sa student manual, about sa mga subjects.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mistério / Suspense"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...