Chapter 66: Talk

508 30 1
                                        

Axelle’s POV:

Nang makagising ako saking pagtulog ay hindi ko na makita si Gray Head sa loob ng kubo. San nanaman kaya gumala yung mokong na ‘yon? Kinukusot-kusot ko pa ang mga mata ko at humuhikab na bumangon sa kama tsaka inabot yung isang basong gawa sa pursalena at maging ang isang maliit na banga na naglalaman ng inuming tubig.

Pero laking gulat ko nalang nang matikman ang lasa nung tubig. Ang pait! Mabilis akong tumakbo sa likurang bintana tsaka niluwa yung mapait na tubig. Ang weird… kagabi lang ayos pa ang lasa nung tubig na ‘yon.

Binuhos ko nalang ang lahat ng laman ng baso sa labas ng bintana tsaka inayos ng pusod ang buhok ko. Pinatong ko ulit yung baso sa may mesa tsaka sinilip din yung laman nung sisidlan ng tubig at inamo’y. Amoy lumot. Ewww! Hindi ako makapaniwalang ito yung iniinom naming kagabi! Hala! Baka may lason yung tubig! Pero bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin ako? Teka, nananaginip lang ba ako?

Sinampal ko ang sarili ko.

“Aray!”

Mukhang hindi. Binuhos ko nalang din yung laman nung sisildan ng tubig sa labas ng bintana at nang maipatong ko ito pabalik sa mesa ay natanaw ko naman si Gray Head na kausap si Lenero. Pareho silang nakaupo sa balkonahe ng pinakamalaking kubo dito sa tribo. Anong oras ba sya nagising?

Just then, naalala ko yung napakinggan ko kagabi mula don sa kweba. Walang malisya, may masama nga silang binabalak, ang tanong lang ay kelan nila ito isasagawa.

Bumalik ang tingin ko kay Gray Head. Kelangan na talaga naming lisanin ang tribong ito. Kapagka nagkabulilyasohan na naku mahihirapan kami. Mukha namang kaya nang maglakad ni Gray Head eh… Nangangapit-bahay na nga aging-aga.

Huminga muna ako ng malalim bago binuksan yung pintuan at lumabas. Maligamgam na sikat ng araw ang sumalubong sakin pero ilang saglit pa’y umihip ang malamig na hangin kasabay ng paghuni ng mga ibong nakahapon sa nagtataasang punong kahoy.

Pagbaba ko ng kubo ay nilingon ko ang paligid. Mistulang abala ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa. Pagsisibak ng kahoy, paggawa ng mga kasangkapan sa bahay at ng mga pana at palaso, may ilang nakita kong nagtutulungan sa pagtatayo ng isang kubo sa isang banda at ang mga babae ay abala sa paglilinis ng bawat kubo. Seemed to me like a normal village, pero may alam akong totoo. They may be faking it.

Pinagmasdan ko ang dalawang babaeng abala sa pagpupunas ng mga kasangkapan nila sa pagluluto, at naalala ko yung ekspresyon nung mga babaeng nakatinginan ko kahapon.

Parang ang turi sa mga kababaihan dito ay alila. Masmaayos kasing manamit ang mga kalalakian. At saka ang nakapagtataka pa’y bakit walang mga bata? Di ba dapat sa isang komunidad present ang mga bata? Puros minordeedad hanggang sa may edad trenta ata ang mga nakatira dito wala nang masbata pa.

Dinala ako ng mga paa ko palapit sa kinaroroonan ng dalawang dalagang masmatanda lang siguro sakin ng ilang taon. “Magandang araw po.” Bati ko sa kanila. Nang makita nila ako ay nagulat sila, pero kalaunan ay naging normal din ang ekspresyon ng kanilang mga mukha.

“Ano pong maipaglilingkod naming sayo binibini?” tanong ng isa na naka tirintas ang mahabang buhok. Mukhang maamo ang mukha nya pero hindi nakaligtas saking paningin yung mistulang pahabang peklat sa kanang bahagi ng kaniyang leeg. Naano kaya ‘yon.

“Ah, may gusto lang po sana akong itanong.” Sabi ko. Hmm… ano naman kaya ang pwede kong itanong? Saan galing yung peklat nya sa leeg? Bakit walang mga bata? Bakit mukhang naiiba ang kababaihan kesa sa kalalakihan?

“Ano yon?” sabi naman nung isang nakapusod ang buhok. Katulad nung babaeng naka salapid ay may visible na peklat din ito sa kanyang kaliwang pisngi.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon