Chapter 53: Relation

563 32 3
                                        

AN:

Sinamantala ko na yung signal this day. Nawawala-wala kasi eh... enjoy...


Third Person’s POV:

“Welcome to Pride Land…” bulong ni Axelle sa hangin.

Dahilan nang mapalingon papunta sa itaas ng mga puno ang dalawang lalaking liyon na parehong nagngangalit nang makita sila sa itaas.

“This is not good!” sigaw ni Arden nang sinusubukang patumbahin ng isang babaeng liyon ang kaniyang punong tinutungtungan.

“Bilis! Lumipat ka ng pwesto!” sabi ni Grei sabay turo sa kabilang sanga ng isa puno na malapit kay Arden, pero yung ibang mga babaeng liyon ay nagsimula na ring ugain ang dalawa pang puno na kinatutungtungan nina Grei, Jiena, Axelle at Ivan.

Lahat sila’y nababahala, pero di mo kakikitaan ng pagkabahala ang mukha ni Ivan. They cannot use their powers for an unknown reason while they’re in the forest, which seemed to be those lions’ territory. Suddenly a loud ROAR! Shook them and the forest trees causing the fall of some big trees that were hit by the lion’s mighty roar, kasama don ang mga punong kanilang kinatatayuan. They were thrown out of balance as they fall along with the other trees.

“Axelle!” sabi ni Ivan nang makabitaw si Axelle sa kaniyang pagkapit sabay tumalon pababa para sagipin ito.

Dust and debris covered the area, at nung humawan ang makapal na alikabok ay makikita ang pinsalang dinulot ng malakas na roar nung isang liyon. At sa di kalayuan makikitang halos matabunan na sila Axelle ng nagtumbahang mga puno.

Axelle’s POV:

This is bad!

Hindi nila magamit ang mga kapangyarihan nila! At sa tingin ko’y hindi lang basta-bastang liyon ang mga halimaw na nagpatumba ng puno sa mahigit isang ektarya nitong napakalawak na kagubatan. They are no ordinary beasts.

“Ayos ka lang ba?” natauhan ako bigla sa boses na nagsalita, ngayon na-realize ko na kung nasa anong posisyon ako. Ivan is on top of me covering me mula sa mga debris na pwedeng tumama sakin, natatabunan din kami bahagya ng isang putol na sanga at mga dahon ng punong nagsitumba. Naalala kong nauna akong mahulog sa kaniya kanina, ‘tas tumalon sya bigla para sagipin ako. “Tsk. Loading ata, di makasagot.”

“Ano?!”

“Wala - Aish!”

Napatingin ako sa may bandang abdomen ni Ivan at nakita kong may sugat siya roon! At mukhang masakit iyon mula sa ekspresyong nababasa ko sa kaniyang mukha.

“Kailangan mo ng tulong.” Mabilis kong sabi, ngunit di ko alam kung anong gagawin. Baka sina Arden may dalang first aid, I need to find them.

“’wag kang gagalaw.” pakinig kong sabi ni Ivan nang subukan kong gumalaw para maka-alis sa pwesto namin, hindi kasi sya kumikibo, malamang masakit magalaw yung sugat nya. Tsk! Ang careless din pala nitong lalaking ito pag minsan.

“Nasagi ko ba yung sugat m-”

“Shh…” laking gulat ko nang tabunan nya ang bibig ko sabay nilapit pa nya ang mukha nya sa mukha ko. “’wag kang malikot, padating na sila.” Bulong niya sakin. Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa braso, hindi dahil sa kilabot ng paparating na kalaban kundi sa ginagawa ng kasama ko ngayon. Hindi pa rin nya inaalis yung kamay niyang naka taklob sa bibig ko… in fairness, ang lambot ng palad nya, at yung mga mata niyang golden brown nakakaginhawang titigan…

What?! Stop your crazy mind Axelle! Argh!

Binaling ko nalang sa iba ang mga mata ko, at saktong nahagip ko ang mga liyon na hinahanap kami.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon