Axelle’s POV:
Nakahinga ako ng maluwag nang makalayo don sa Gray Head na ‘yon. Kahit di ko naman alam kung bakit ako nagmadaling umalis. Phew… mabuti na rin siguro ‘yon.
“Oh, anong sasabihin mo sakin at nagmamadali ka kanina?” tanong nitong si KC habang naglalakad kami papunta sa una naming classroom.
“Ah… eh, hmm… Nakalimutan ko na eh.”
“Seryoso ka? Ang bilis mo naman makalimot? Eh, bakit kelangan pang magmadali?” tanong ulit nya.
“Ah… sa pagkaka-alam ko kasi mahalaga ‘yon, pero, hayaan mo nalang! Baka mamaya maalala ko rin kung ano ‘yon.” sagot ko naman.
Habang naglalakad kami sa mataong hallway may ilang mga estudyante na ang pumapansin at bumabati samin, kasama ako don. Sa totoo lang medyo nakakapanibago nga eh… parang mas dumami ang atensyong naka tuon at nagmamanman sa bawat galaw mo.
“Nandito na tayo!” masayang sabi ni KC at sabay naming tinulak yung double doors pabukas at pumasok sa loob ng class room.
Technology and Innovation Class pa rin naman ang una kong klase katulad nong dati kong schedule, pero ngayon nasa medyo advance level na ako kaya iba na rin ang class room. Merong kapasidad na 30 students per room at dito sa pinasukan namin ay luwag na luwag pa. Maaga pa rin naman kasi kaya nasa saktong sampu palang ang nasa loob ng classroom.
May bumati ulit samin ni KC pagpasok, dalawang babae at masigla pang nakipagkwentuhan samin kahit na nahahalata kong medyo nahihiya sila sa kung anong sunod na sasabihin nila.
Habang tumatakbo ang oras ay papuno na ng papuno ang classroom. Halos maokupahan na lahat ng bakanteng upuan sa kaliwang bahagi ng classroom. Matapos din ng aming pakikipagkwentuhan don sa dalawang babae nagtanong naman ako kay KC na kung anong pwedeng I-expect ko dito sa klaseng ito. Maybe she can give me a brief idea about some topic na alam nyang posibleng matalakay habang naghihintay ng teacher.
Mistulang natahimik ng saglit ang mga nag-iingay dahil sa may kung sinong pumasok sa pinto. Nalihis din don pareho ang atensyon namin ni KC.
Don, malapit sa pinto, pumasok si Gray Head kasunod ni Jiena. Nakita kong naghanap agad sila ng mauupuan nilang bangko sa may bandang unahan. Hinila sya ni Jiena sa isang upuan na napili nya, at nagtabi sila. Pero bago maupo itong si Gray Head ay nagtama muna ang mga mata nya sakin. Umiwas naman ako ng tingin.
‘Why is he here anyway?’
Hindi ko alam kung pareho din ba kami ng unang klase o sinadya nya lang pumasok sa klaseng ito. Tss… mapag-isipan nanaman akong assuming. Malamang kung di man nya unang klase, edi sinamahan nya yung syota nyang si Jiena dito.
Pagbanggit pa lang ng pangalan ni Jiena sa utak ko hindi ko na maiwasang makaramdam ng konting pagkainis. The feeling’s mutual, ganon din naman sya sakin. Buti di na sya nag-aksaya pa ng panahong lumingon dito sa may bandang hulihan kung saan kami naka-upo, baka sabihin pa non mamaya sinusundan ko boyfriend nya.
“Pst. Ayos ka lang?” sitsit ni KC.
“Ah… Oo. Bakit?”
“Ang seryoso mo kasi makatingin kina Kuya Grei at Jiena sa unahan. Anong meron? Kakilala mo na ba sila?” usisa nya. So masmatanda pala itong si Gray Head kay KC.
“Ah! Wala man. ‘wag mo nalang pansinin ‘yon.” sagot ko, pero si pa rin talaga mawala ang pagtama ng mga mata ko sa unahang bahagi eh… bakit ba bawat sulok ng mata ko nahahagip silang dalawa sa unahan?
Ilang saglit pa’y nakita kong akbayan ni Gray Head itong si Jiena habang nagkukwentuhan sila. Dahil nga magkatabi lang din ang kanilang inuupuan ay parang sa paningin ko’y lalo pa itong nagtabi, gusto ko tuloy sila kaladkarin palabas ng classroom para don maglandian, wala sa paningin ko. Bwisit! Bakit ganito ang nararamdaman ko?!
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Misterio / Suspenso"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)