Chapter 13: First Day

800 37 5
                                    

Third Person's POV:

Nong gabing iyon, nanatili nalang si Axelle sa kanilang kwarto at nagbasa ng student manual na binigay sa kaniya, kesa maghintay ng isa pang kamalasan.

Manipis nga yung libro pero gulping dami naman ng content na kailangang mabasa at matandaan nya. Every single detail seemed new to her. Nang makarating sya sa pagbabasa sa huling pahina nakita niya ang schedule nya.

Mastery nya yung Weaponology Class, Technology and Innovation Class at Health Class. Sa tatlong Mastery Class nya na iyon ay may tig dalawang oras maliban nalang sa Health Class na isang oras lang.

Ayon sa kaniyang nabasa kani-kanina lang din ay ang Mastery Classes ay ang area of study kung saan ka magaling, o kadalasan kang nakakakuha ng matataas na marka.

Bukod sa tatlong iyon, may pito pang classes, minor at major, ang nakalista sa ibabang bahagi. According sa manual, pwede syang mamili ng maximum na apat na minor o di kaya ay major class na papasukan niya sa nalalabing apat na oras.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

SCEDULE OF CLASSES

6:00-7:00 -> Breakfast and Preparation
7:00-9:00 -> Technology and Innovation Class
9:00-10:00 -> Break Time/Leisure Hour
10:00-12:00 -> Weaponology Class

1:00-2:00 -> Health Class
2:00-6:00 -> Choice of Class/es

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Kung titingnan konti lang, pero magkakaalaman na rin siguro kung madali lang ang mga klase nila dito, lalo na yung Weaponology Class.

"Ano kayang ginagawa don?" bulong niya sa sarili. Pero ang tanging paraan para malaman ay dapat syang pumasok sa unang araw ng pasukan. At mula sa ilang mga murmurs na naririnig nya, bukas daw ang start non. Totoo ngang kay bilis ng araw.

Sinara niya ang manual na binabasa tsaka nilagay sa drawer at nag-linis ng sarili bago mahiga sa kaniyang kama. May mga damit na extra ding nakahalo sa kaniyang closet at mukhang all in one pack pa. Nagtataka namna sya kung bakit ang daming bitbit na mga bagahe kanina ng mga ka roommate nya.

Huminga siya ng malalim bago mariing tumitig sa kisame ng kwarto habang nasa malalim na pag-iisip, tungkol sa kaniyang misyon.

Naguguluhan pa rin sya kung tama ba ang kaniyang gagawin o hindi. Her family's life depends on the line at the same time, maaaring magdulot ng masama ang kaniyang gagawin sa mundong ito. That Elexus seemed to be pretty important kaya siguro gusto syang ipasira ni Satan. Pero bakit naman kaya?

"We'll see..." bulong niya sa hangin sabay pinikit ang kaniyang mga mata at mahimbing na nakatulog.

TIME SKIP...

Axelle's POV:

Nang sumapit ang umaga, maga-alasais pa lang ay patapos na akong mgahanda ng sarili ko sa unang araw ng pasukan. Medyo kinakabahan ako at the same time nababahala din, baka kasi maka face to face ko nanaman ang mga nakilala ko sa nakaraan. Pero hindi ko maiwasang maramdaman na parang may kulang? At may kakaiba sa kanila.

They way Ivan stared at me nung natalisod ako sa may corridor, mukhang may bakas ng unfamiliarity sa mukha nya. Or maybe he's just too shocked to see me... again... in this world. Pero kung ganon nga, di ba dapat hindi na ako matigilang kwestyunin nina Tory? O di kaya ay sila mismo ang nag-approach sakin nung makita nila ako?

"Pst! Hey, tapos ka na ba Axelle?" lumingon ako dun sa boses na tumawag sakin, si Marry.

"Um-Yeah... Tara na." yaya ko naman. Kasabay ko kasi silang mag-agahan, ayokong ma-loner sa first day ng breakfast.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon