Chapter 45: New Recruits

644 32 2
                                    


Axelle’s POV:

Wala akong maramdaman, pero I know that my mind’s awake; it’s just that my whole body seemed numb. Teka? Ano nga bang nangyari sakin? Anong nangyari sa may Fire Hole Arena? Ang natatandaan ko lang ay yung malaking batong bumulusok papunta sa kinatatayuan naming sabay… nawalan na ako ng malay?

I need to know what happened. Slowly I opened my eyes hanggang sa isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sakin. Pero saglit lang nag-adjust ang paningin ko at luminaw ito. I was in my room, sa Emerald Ox HQ.

“Guys! She’s conscious!” sigaw ng isang pamilyar na tinig. Ilang saglit pa’y sunod-sunod na yabag na ang aking narinig. I still can’t move my body, pero nagagalaw ko naman kahit papano yung ilang daliri ko sa kamay.

Unang sumilip sa paningin ko’y si KC.

“OMG! Thank God! Thank You!...” sabi nya.

“Tinawag ko na si Professor Fueras.”sabi naman ng isang boses ng lalaki, si Arden.

Bumalik ulit sakin ang atensyon nila.

“May nararamdaman ka ba? Masakit? Something?...” tanong ulit sakin ni KC.

Ibubuka ko sana ang bibig ko para magsalita kaso walang boses na lumabas. Great. I lost my voice too.

“Kamusta na sya?” boses yun ni Master Shi Fu ah?

“She can’t speak. And I think she can’t move too.” Sagot ni Echa.

Ilang saglit pa’y nahagip na rin ng paningin ko si Master Shi Fu. He didn’t speak… Hinawakan nya yung nook o ng isa nyang kamay sabay may kung anong binulong sa hangin.

Utay-utay akong nakakaramdam ng mainit at parang waving force of energy coming from his palm. Hindi naman masakit, parang nagpapamasahe ka lang. After that he withdrew his hand away.

“Try to speak and try to move.” Utos nya.

Una kong sinubukang igalaw ang buong braso ko, kaliwa at kanan, and Isuccessfully did that.

“Nakakapanibago ng konti.” I manage to voice out.

Ngumiti si Master Shi Fu. “Masasanay ka din.”

“Anong nangyari sa may Fire Hole Arena? Sa field combat?” tanong ko pa.

“Bumigay ang buong Fire Hole Arena. Buti konti lang ang nasaktan.” Simula ni Echa.

Hinarap sila ni Master Shi Fu. “Mamayang tanghali may meeting nga pala sa hall, all SK’s are requested to attend, bukod pa yung meeting ng mga Troop Captains na nagaganap ngayon.”

“Ah, prof. Kamusta naman daw po yung dalawang member ng Gem Serpent?” singit ni Vanessa.

“Nagde-decide pa sila kung anong mangyayari don sa dalawa.”

“Anong nagyari sa kanila?” tanong ko out of curiosity.

“They fought each other kaya… ayun… pareho silang napahamak, balita ko’y matagal na daw silang may inggitan sa isa’t isa.”sabi ni KC.

“Weehhh? Hindi naman halata ah…” sabi pa ni Vanessa.

Tumighim si Master Shi Fu sabay binalik ang atensyon sakin. “Kapag maayos ka na mamaya ay pwede ka nang umatend ng meeting, kung hindi pa naman ay ayos lang din. “ tumalikod siya sakin at humarap sa iba. “Maiwan ko na muna kayo.” Paalam niya bago umalis ng aming HQ. Sumunod naman sa kaniya si Echa na may aasikasuhin pa din daw.

Nang maiwan kami nina Arden, KC at Vanessa at tinuloy ang aming pagkukwentuhan. Specially, tungkol don sa nag-away na dalawang member ng Gem Serpent.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon