Third Person’s POV:
Isang malakas na dagungdong ang nagmula sa may parteng hilaga ng kagubatan, kasunod nito ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga punong-kahoy. Isang kidlat ang humiwa mula sa kalangitan at bumagsak sa lupa kasunod ng pagliyab ng naglalaganap na apoy paikot. Mula sa isang mataas na lambak malapit sa eksena, nakatanaw ang isang babaeng nakasuot ng purong itim.
“Sige lang… Mag-away pa kayo. Gantihan nyo ang isa’t isa dulot ng inggit.” Sabay tawa nito ng mahina nang makarinig muli ng isang tunog ng kulog. “Matagal-tagal na rin akong naghahanap ng libangan.” Sabay lumingon ito sa kabilang banda ng kagubatan. “Kamusta na kaya yung iba? Sana naman buhay pa sila. Nagsisimula pa lang akong magsaya.” Sabay naglaho ito sa ere na parang usok at biglang lumitaw sa kinaroroonan nina Axelle.
Nagtago ito ng mabuti sa isang malaking punong kahoy ramdam nya ang inggit na namamayani sa dalawang nag-eespadahan na nagsisilbii ring pambalik-lakas nya sa sarili.
Nakaiwas ng mabilis si Axelle nang siya’y hagisan ng mga maliliit na kutsilyo ni Jiena at gumanti ng isang mabilis na pag-atake mula sa likod. Matagumpay nyang napadaplisan ang kanang bewang ni Jiena. Ngunit kahit na ganon at mukhang parehong hingal na hingal silang dalawa ay hindi man lang makaramdam ng pagod ang kanilang mga katawan. Dahil sa nasa ilalim pa rin sila ng pagkontrol ni Envy.
“Sige lang… umatake lang kayo hanggang sa mamatay kayong pareho.” Nagagalak na bulong ni Envy.
Ilang saglit pa’y may napansin syang kakaibang enerhiya na nagmumula kay Axelle. Hindi sya sigurado kung ano iyon, ngunit sinantabi muna nya ang mga iniisip at nagpatuloy sa panonood ng labanan ng dalawa.
Axelle’s POV:
Anong nangyayari sakin?! Bakit ayaw huminto ng katawan ko?!
Muli akong umiwas nang bigla siyang umatake mula sa likuran ko. Kusang gumagalaw ang katawan ko ng kaniya kahit na nararamdaman ko na pagod na ‘ko kakakilos. Ni walang pahinga din kung atakihin ako ni Jiena, mukha pati syang nasa ilalim din ng kung sino man ang kumokontrol samin. I want to voice out my thoughts pero may pumipigil sakin. How can I end this? Hindi ko kontrolado ang bawat kilos ko.
‘Sige lang… Lamunin kayo ng inggit!’ isang boses ang biglang bumulong sa hangin na mistulang ako lang ang nakakarinig. Pero sa kabila non, tanging ang diwa ko lang ang nasa tamang pag-iisip ngayon. My body didn’t stop attacking Jiena. Kung hindi ako titigil mapapagod ang katawan ko at baka matuluyan na ako nitong babaeng ‘to dahil Malabo namang sya yung unang umurong, sanay na kaya sila sa mga ganitong scenario.
Pero naalala ko muli yung sinabi nung boses na bumulong. Inggit? Lalamunin kami ng inggit kapag di kami tumigil. Nasa teretoryo pala kami ng pangatlong sin, Envy.
Kung gayon, para makawala kami sa pagkokontrol nya, kelangan naming tanggapin ang bagay na syang meron samin, at maging masaya don. Mukhang alam ko na kung ano ang gagawin ko.
Pinakalma ko ang diwa ko at pinakiramdaman ko ang buong katawan kong pagod na pagod na. Inisip ko yung mga bagay na meron ako.
“Kuntento na ako sa kung anong meron ako, at hindi na ako magnanais na maghangad pa ng iba.” Bulong ko sa isip ko.
Makalipas ang ilang sandal ay tila walang nagbabago. Nasasailalim pa rin ako ng pagkontrol ni Envy.
Isang surprise attack ang gumulat sakin nang tumalon si Jiena mula sa isang sanga ng puno para dambahan ako ng espada nya. Mabuti nalang ay nakaiwas agad ang katawan ko pero nadaplisan ako sa may kaliwang balikat. I can feel the pain, but my body just kept on moving on its own.
Gusto ko nang ihinto ‘to! Pero pano? Pano?!
Mistulang nagging slow motion bigla ang paglalaban naming dalawa ni Jiena. Nagrereflect ang iilang sinag ng liwanag saming mga espada na nakakatagos sa makapal na fog. I can hear metal clashing against another metal. Then may isang pigura akong naaninag. Habang palapit ito ng palapit ay lumilinaw ang pagkakakita ko dito. Isang kalapati… hula ko ito yung kalapating laging sumusunod sakin. Pero pano naman ‘to nakapasok sa mundo ng ilusyon? Ano ba talaga itong ibong ito? O baka… SINO?

BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystère / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...