Third Person's POV:
Naunang makarating sa kanilang klase si Axelle dahil sa power walk nito at naupo sya sa may upuan katabi ng bintana at nagreserve ng isa pang upuan para kay KC. Wala syang balak I-reserve ng upuan si Grei dahil sa inis nito. Mabilis na napuno ng estudyante ang class room na mukhang isang training room na malaki ang espasyo, luwag pa nga silang 30 sa iisang silid. Karamihan ay Class A ang kaniyang mga kaklase o di kaya ay Class B na malapit nang mag-advance.
Pumasok din ilang segundo lang sina Tory at Jessica na magkasabay at nag-aasaran, kinawayan sya nito sabat ginantihan naman nya ng simpleng ngiti at pumili na sila ng mauupuan na nasa helera ni Axelle. Gusto man sana nilang tumabi sa kaniya eh mukhang 'yong isang upuan nalang na bakante ang natirang katabi nya. Naisip din nilang mukhang naka reserve ito sa kung kanino man.
Ilang saglit pa'y dumating na din sina KC at Grei. Nakita ni Axelle si KC kaya naman ay tinuro nya yung upuang sinadya nyang i-reserve sa kaniya. Pumunta don si KC at naupo katabi ni Axelle.
"Wala na bang upuan para kay kuya Grei?" tanong nito.
"Ang bilis dumami ng estudyante eh di na ako naka reserve pa." pagsisinungaling nito habang di pinapansin si Grei.
Napalingon si KC palibot ng classroom, may isang bakanteng upuan pa sa may kabilang dulo malayo sa kanila. Nakita rin nyang pupuntahan ito ni Grei. Saglit na lumingon si Axelle at nakita syang papunta sa bakanteng upuan at kahit papano naka ramdam sya ng pagka komportable dahil malayo iyon sa kina-uupuan nila. Binalik niya ang tingin sa may bintana kung saan ay bumubuhos ang ulan.
"Bro, paisod nga." pamilyar na boses ang kaniyang napakinggan mula sa kanilang likuran kasunod ng pagbaba ng isang upuan.
Nang lingunin ito ni Axelle at KC nakita nilang nilipat ni Grei yung upuang nahanap nya sa likuran ni Axelle.
"Hey." mapang-asar nanaman nitong bati kay Axelle sabay nginitian bago maupo.
Axelle's POV:
Argh!!! hindi ba nya ako tatantanan?!
Mabilis kong ipinaling pauna ang tingin ko.
Hindi ako makakapag focus ng ayos nito, at kung makapag focus man eh naku! Ang hirap!
Bakit ba kasi gusto nya laging naka buntot sakin, pano pa kapag nalaman 'to ng syota nya, papag-initan nanaman ako non. Tsk.
*bell rings.*
Saktong isang minuto pagkatunog ng school bell ay pumasok ang isang matipunong lalaki na mukhang nasa edad trenta pataas at dumiretso sa unahan. Pansin ko sa kaniya ang maawtoridad niyang kilos at mukha rin syang estrikto.
"Magandang umaga sa inyo." bati nito sa mababang tono, pero seryoso. Bumati din naman kami sa kaniya. "Ngayong araw hindi ako magdidescuss sa inyo, kundi ay didiretso agad tayo sa isang pre-activity. Lahat ay dapat makiisa, maliwanag?" strikto nitong sinabi. Sumagot muli kaming lahat. Ginala ko ang paningin ko sa buong klase, lahat sila ay mukhang solong sa unahan lang talaga ang atensyon at wala ni isa ang pumapaling sa kung saang direksyon, pansin ko rin na yung iba ay mukhang kinakabahan. Gaano ba kaestrikto itong gurong ito?
Nabalot ng katahimikan ang ere at wala ni isa ang kumibo at nagkwestyon. Pero dinig ko ang bulong ni KC sakin.
"Maghanda ka, may weapon dyan sa ilalim ng upuan mo." sabi nya.
Ha? Bakit naman mukhang nakakakaba ang susunod na mangyayari?
*Swooossshh!*
Tila tumigil ang mundo ko nang may biglang kung anong lumipad patungo sa direksyon ko. Sa sobrang bilis nito ay hindi ko na maaninag kung ano yung bagay na 'yon, kahit katawan ko'y mistulang naparalisa at di makagalaw, kahit na kinakailangan kong umiwas. Napapikit nalang ako. May kung anong pwersa ang humila sakin para dumikit ang likod ko sa sandalan ng aking inuupuan.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)