Axelle’s POV:
Gabi ang oras nang ma depart kami sa unang bahagi ng illusionary world. Ang una naming ginawa pagkarating ay ang maghanap ng ligtas na lugar na pwede naming pagkampingan. Nagsama-sama ang bawat tropa ng knights pero minabuti naming ‘wag lumayo sa isa’t isa.
Kasalukuyan akong nakaupo ng komportable habang naka sandal sa itaas ng isang punong nakatayo malapit sa camp site ng tropa namin. Tahimik akong nakikinig sa mga kwentuhan nila habang iniihaw ni Vanessa at Echa yung mga isdang nahuli naming kanina sa may malapit na ilog. Kung ano-anong kalokohan ang pinag-uusapan nila, at ako naman ay paminsan-minsang natatawa sa mga sinasabi nila. Hindi paako inaantok o di kaya’y gutom. Parang feeling ko lang ay gusto ko lang ng konting peaceful time with myself.
Ilang saglit pa habang nagmamasid-masid ang mata ko sa paligid ay dumapo ito sa isang putting ibon na nakahapon sa sanga. Heto nanaman yung kalapating sumusunod yata sakin. Saglit lang itong namalagi sa kalapit na puno bago lumipad paalis. Sa paglipad namang iyon ng kalapati, natanaw ko si Ethan papasok sa kagubatan. Hindi na ako naghintay pa ng ilang sandal at madaling bumaba sa puno.
“San ka pupunta Axelle?” tanong sakin ni Vane.
“Ah, magpapahangin lang.” sabi ko naman.
“Sige, pero ‘wag kang lalayo. Di natin kabisado itong gubat na ito.” Paalala naman niya.
Tumango ako bago mabilis na nagtungo sa direksyon kung saan ko nakita si Eethan na pumasok. Ilang saglit pa’y nakita ko syang kaharap ang isang Malaki ngunit patay na puno. Wala na itong dahon kahit isa, at ang katawan nito ay kulay itim. Nakita kong hinawakan niya yung puno bago dumistansya dito.
“Anong nagyrai dyan?” tanong ko sa kaniya.
“Maaaring namatay dahil sa masamang enerhiya.” Sagot niya habang pinapagpagan ang kaniyang kamay.
Lumingon-lingon ako sa paligid. Ang ibang mga nakapalibot na puno naman ay malulusog. Bakit bukod tanging ito lang yung naapektuhan ng dark aura?
“Bakit nag-iisa lang syang naapektuhan?” tanong ko sa kaniya.
“Bawat demon kayang kontrolin ang kanilang mga kapangyarihan gaya natin. Maaaring may isang demon na nagkaron ng interes na patayin ang punong ito.” Paliwanag nya.
“Alam mo ba kung ano ang punong ‘yan?” tanong ko muli habang humahakbang papalapit sa kaniya.
“Base sa itsura ng katawan, mansanas.” Sagot nito.
Magsasalita pa sana ako nang may mapakinggan kaming kaluskos sa tabi-tabi. Nilabas ko kaagad yung espada ko at yung isang kamay naman ay nakahawak sab aril na sukbit ko sa ‘king tagiliran, habagn si Ethan naman ay nagabas din ng kaniyang sandata.
Nanatili kaming tahimik at alisto. Wala akong maramdamang dark energy sa paligid at sa tingin ko ganon din si Ethan, pero kahit na hayop lang ito sa kagubatang ito na napadaan, we just recently discovered that the demons are now capable of hiding their aura, malay naming, ganon din pala dito.
Palakas ng palakas ang kaluskos, senyales na lumalapit ito sa aming kinatatayuan. Ilang saglit pa…
May lumabas na isang chubby na batang lalaki mula sa damuhan. At mukhang kanina pa itong umiiyak dahil sa pugto nitong mga mata. Nagulat, at the same time, natakot ito nang makita kami kaya minabuti naming itabi ang aming mga sandata.
“S-sasaktan nyo p-po ba ‘ko?” tanong nito samin habang makikita mo ang takot sa kaniyang mga mata.
“Hindi. Nagulat lang kami.” Sabi ko naman. “Bata, anong ginagawa mo dito sa gubat dis oras ng gabi? At bakit ka mag-isa?” tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Misterio / Suspenso"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)