AN: Heto na! Heto na! Malapit na po tayo sa pagtatapos ng book 2!
·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·
Grei's POV:
Minulat ko ang mga mata ko at sumalubong sakin ang liwanag na nagmumula sa bintana. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko sa isang kama. Teka? Ito yung kama ko sa dorm ko sa Academy ah? We're back? Anong nangyari sa mission namin?
Then I heard a knock on the door. Seconds later napakinggan ko na yung boses ni Ella. Sya kasi lagi ang taga gising samin kung di man kami makagising ng maaga.
Inalis ko yung kumot na bumabalot sa katawan ko at binuksan yung pinto. Bumungad sakin ang masaya nyang mukha.
"Congradulations Mr. Grei!" masigla nyang bati sakin.
Ilang saglit din ay napadaan sina Jessica at Tory na nag-aagawan pa sa isang pack ng chocolate biscuits. Katulad ni Ella binate din nila ako ng congrats.
"Bakit? Anong meron?" takang tanong ko.
Napatawa sina Jess. "Ikaw talaga insan mapag-biro!" sabi ni Jess.
"Di ba mamamahagi kayo ngayon ni Jiena ng invitation sa nalalapit nyong kasal sa susunod na araw?"
Ha? Kasal?
"Kamusta nga pala yung naging mission natin?" tanong ko naman.
"Hindi ka pa rin bam aka move-on dun. Nong nakaraang lingo pa yun ah?" sabi ni Ella.
Nakaraang lingo?
"'Wag kang mag-alala. Nakuha natin ang Elexus at kasalukyan na itong nasa mabuting kalagayan." Sabi naman ni Tory. "Utay-utay na ring umuunti yung mga pagala-galang demons sa Zyteria, pinapasaid nalang ng hari." Sabi nito.
"Mabuti pa'y mag-ayos ka na Grei. Baka maya-maya ay dumating na si Jiena at hanapin ka. Congrats ulit ha!" sabi nita at sabay-sabay nila akong nilisan.
Ako naman ay naiwang nakatayo sa kawalan sa may pinto ng silid ko. Isang lingo na ang lumipas? Pero bakit wala akong maalala? Hindi kaya may sakit akong amnesia?
Pumasok ulit ako sa silid ko at nag-ayos ng sarili. Baka pagod lang siguro 'to.
TIME SKIP...
Magkasama kaming naglalakad ni Jiena papunta sa Quarters ng Emerald Ox kasunod non ay don sa office ng headmaster para mamigay ng opisyal na imbitasyon para sa kasal namin. Pero hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Parang may kulang eh...
"Ayos ka lang?" taking tanong sakin ni Jiena.
"Ah, oo may iniisip lang."
"Ano ka ba. Hanggang ngayon stressed ka pa rin. Don't be. Dapat nga excited ka eh, malapit na kaya tayong ikasal!" sabay kapit nya sa braso ko.
"Sabagay."
Nang marating naming ang quarters ng Emerald Ox ay naabutan naming ang ilang myembro na nag-iimpake. Kanina ko lang din pala nalamang Semester'sl Break na nga pala at halos lahat ng estudyante ay umuwi sa kani-kanilang tirahan para makasama ang mga mahal nila sa buhay, ang iba naman ay may mahalagang aasikasuhin.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)