Chapter 32: His Discovery

764 27 7
                                    

AN:

Ang masasabi ko lang... nag-enjoy ako dito sa chapter na 'to... sana kayo din.

Third Person’s POV:

Mabilis kumalat ang balita tungkol sa nangyari kanina sa isang estudyante na na corrupt ng demonic aura sa di malamang dahilan. Halos naging usap-usapan ito sa bawat klase. Maraming mga estudyante ang nangangamba na ngayon para sa seguridad ng academy, pati nila. Nagpaim bestiga kaagad ang head ng school para matukoy kung saan at pano nakapasok ang masamang enerhiyang iyon sa loob ng academy. Walang sino man din ang lumapit sa awtoridad ng academy para magpahayag ng kanilang nalalaman, maging ang mga kaibigan ng nasawing spirit ay wala ding kaalam-alam kung bakit biglang nagkaganon ang kanilang kasama.

Dahil sa naganap na insidente, kaagad na nagbaba ng utos ang head na sa oras na matapos ang hapunan ay babalik sa kani-kanilang mga silid ang bawat mag-aaral at hindi muna papayagang lumabas o gumala-gala sa hallway, habang pinagpapatuloy ang imbestigasyon sa pangunguna ng ilang mga guro.

Kasalukuyang nasa labas ng malaking bintana ang tingin ng headmaster ng paaralan nang pumasok si Lord Rey, isang master teacher at myembro ng royal council.

“Did you find any lead?” tanong nito habang papalapit sa headmaster.

Lumingon sa kaniya ang headmaster at pareho silang naupong magkatapat sa dalawang komportableng couch. “Wala pa sa ngayon.” napabuntong-hininga ito bago magpatuloy. “Nakakapagtaka lang sa isang highly protected and sealed academy na may makapasok na dangerously unwanted dark aura. Walang kahit anong bakas itong iniwan bago at matapos nitong magpakita kanina.”

“This academy may not be that safe, yet. Maaaring dahan-dahang humihina ang Elexus ng di natin namamalayan.” maiksing dugsong ni Lord Rey. “Kung ganyan ang kaso… kailangan na muna nating paigtingin ang seguridad a pagmamatyag sa bawat sulok ng academy hanggat wala tayong nahahanap na kasagutan… Pupunta ako mamaya sa royal palace para ipaalam sa nakakataas ang nangyari dito, pwede silang magpadala ng mga tauhang makakatulong satin.”

“In the meantime… magpapatawag ako ng pulong sa mga teachers at Spirit Knights in relation to this matter. Pagkatapos non ay magpapa-imbestiga din ako sa may depository.”

Tumango si Lord Rey. “I suggest that we prepare the knights early this year, hindi natin alam kung kelan pwedeng umatake ang kalaban, they are the ace of this academy, sila ang humahawak sa halos kalahating pursyento ng defense.”

SAMANTALA…

Axelle’ s POV:

Saglit lang ako nakipagkwentuhan kaninang hapunan kina Marry dahil kinailangan na naming bumalik agad ng headquarters at sila sa dorm, ayon sa iniutos ng headmaster. Nabalitaan ng halos lahat ang nagyari sa kawawang spirit na na corrupt ng isang dark aura na di pa nila alam kung saan nanggaling. Pero ako, isa lang ang alam ko… sino pa bang kontrabida sa kwentong ito? Edi yung demonyo, si Satan ang maaaring nasalikod nito at wala ako ni isang pagdududa sa sagot ko. Pero sa gustohin ko mang makatulong meron din naman akong iniingatan at kailangang protektahan, ang naiwan kong pamilya.

“Sa tingin nyo humihina yung barrier?” tanong ni Vanessa samin.

Kasalukuyan kasi kaming nagkakatipon’tipon ngayon sa sala para sa isa nanamang movie marathon habang hinihintay na antukin kami. Pero maaga pa naman.

“Kung walang mabuting pinagbago ang Elexus, malamang ganon na nga ang nangyayari.” dugsong pa ni Arden sabay subo ng isang cracker.

“Sa tingin ko kailangan din nating maghanda ng ating mga sarili.” singit ni Echa at napaling ang atensyon naming lahat sa kaniya.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon