Axelle’s POV:
Pagkabalik ko sa hotel matapos ang mahabang galaan napag-isip-isip ko na magpahinga nalang muna. Pati ba naman kasi dito sa ibang bansa dadayuhin pa rin ako ng problema kong out of this world. Pinapagulo nanaman nito ang mapayapa ko nang lifestyle.
*phone rings…*
(Chelsie calling…)
“Hello Chels? Zup?”
‘Anong ‘Zup?’? Hoy, kanina pa kaya kita tinatawagan noh. Hindi mo man lang masagot-sagot.’ Huh? Nilayo ko yung phone ko sa tenga ko sabay tiningnan yung notifications sa itaas na bahagi ng screen. Yo… Ang dami ngang missed calls ni Chelsie sakin.
“Hehe. Sorry na. Busy lang sa galaan kanina kaya di ko napansing may tumatawag pala.” sagot ko.
‘Nasan ka na ngayon? Baka naliligaw ka na ha.’
“Hindi ah. I just came back here in the hotel para magpahinga. Nakakapagod magnilakad eh.”
‘Bakit ka kasi naglalakad? Daming-daming masasakyan.’
“Well, I enjoyed walking naman kaya ayos din.”
‘Haayy… Bahala ka nga. Oh, wait. Dad wanted to ask you na kung sasabay ka samin pabalik?’
“Ha? Aalis na agad tayo?”
‘Well, may another meeting pa kasi sya sa iba nating clients at ako naman ay mag-aasikaso pa ng business ko, at ng mga papeles na isa-submit ko sa school. Buti ka! Nakapag-advance ka! Kung ganyan lang din ako katalino, siguradong matagal na rin akong naka graduate! Hmp!’
“Hahaha! Are you jealous because I’m smart?”
‘Are you planning to tease me now that you know you’re so lucky?’
“Hindi naman, hehe… Sige, mag-aral ka lang ng mabuti, balang-araw ga-graduate ka rin. At sasabay nalang ako sa inyo ni dad pag-uwi. Kelan ba?”
‘Tomorrow.’
“Ang bilis ah. Teka? Nasa galaan ka rin ba?”
‘Yup! I’m checking out the latest fashion lines here in Japan at may kasama akong isang professional designer, baka maka kuha ako ng panibagong aspiring ideas. And speaking of her, andito na sya, see ya sis.’
“Yeah. See ya.”
*call ended.*
Tomorrow… Ang bilis naman talaga ng araw. Well… Ano naman kaya ang last trip ko dito bukas bago umalis?
*phone rings.*
[From UNKNOWN: 35.47000ºN 138.61972ºE]
That Unknown number again.
Ano naman ‘to? A coordinate of an unknown location?
“Mam Axelle!”
“Oh… Ikaw nanaman Rich! Ano nanamang pang-aasar yang dadalihin mo ha?” tanong ko sa kaniya.
“Ito namang si Mam oh… Here.” sabi nya sabay abot sakin ng isang bag ng chips, o kung ano man ang aman nun sa loob. “Peace offering mam, sige na tanggapin nyo na po, ayoko pa pong masesante sa trabaho ko.” sabay mukha pa syang nagpapa-awa sa harapan ko.
Napatingin ako sa paligid at may ilang taong naka tingin samin na may knowing looks. Yung iba ay naka ngiti pa na halatang iba ang iniisip. Wait? Siguro iniisip nilang magjowa kami nitong taong ‘to?! Heck! No!
“Kainin mo nalang ‘yan, hindi na ako galit sayo.”
“Sige na mam, please…”
“Isa pa, hindi na ako magdadalawang isip na sesantehin ka!”
“Ah! Sige po! Mauuna na po ako!” sabay mabilis siyang umalis palabas ulit ng hotel.
Idiot.
TIME SKIP…
Akala ko ay makakatulog ako ng kahit konti pagkarating ko sa kwarto ko. Pero kahit na magpagulong-gulong pa ako sa kama ko eh hindi naman ako makatulog. Just then naalala ko yung text messages na natanggap ko mula sa unknown number.
Kinuha ko yung cellphone ko mula sa bulsa ko at tiningnan ulit yung message.
[From UNKNOWN: 35.47000ºN 138.61972ºE]
Tumayo ako at kinuha yung laptop sa maymaleta ko. Matingnan nga kung saan ‘to.
Binuksan ko yung laptop at madaling pumunta sa google at tinayp yung nasa message na coordinates. IIlang saglIt pa ay may lumabas na mapa. Binuksan ko yung link at saka lumabas ang isang pangalan ng lugar dito sa Japan.
Aokigahara.
Why would the unknown sender wants me to go here?
Pero kailangan kong malaman kung sino man sya at anong kailangan nya sakin. Medyo maaga pa naman at 2:00 pa lang ng hapon. Makakasaglit pa nga ako don sa kung saang lupalop ng Japan ‘yon.
Tinawagan ko si Rich at sinabi kong may pupuntahan lang ako, at ite-text ko nalang siya kapagka pabalik na ako para masundo nya. Pagkatapos non ay kinuha ko yung isang pack bag kong itim na laging dala tsaka nag-ayos ng mga gamit na dadalhin at kung sakali mang kailanganin. Pero wala akong nadalang weapons, bawal kasi sa airport. It looks like self defense nalang ang gagamitin ko kung sakalli mang may masamang balak sakin yung unknown sender. Pero kung kilala nya talaga kung sino ako kailangan kong magsuot ng disguise, sa tingin ko may mga damit ako ditong dala na pwede kong magamit.
TIME SKIP…
Bumaba ako mula sa taxi na sinakyan ko papunta sa may isang mukhang entrance. May mga tao ring naririto, pero konti lang.Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok at nilibot ko ang aking paningin sa bulubunduking paligid. Kagubatan pala itong Aokigahara.
Inayos ko ng taklob sa ulo ko yung hood at ilang saglit pa ay may nakita akong ilang mga japanese people at turista na pumapasok sa loob ng gubat na may mga dalang hiking bags at mga hawak na naka roll na tapelines. Then there’s a strange force coming out from the forest na gusto akong hilahin para pumasok sa loob ng kagubatan.
‘What are you waiting for?’ isang boses ng lalaki ang napakinggan kong bumulong sa hangin.
Teka? Kaninong boses ‘yon?
Lumingn-lingon ako sa paligid matapos tumabi ng konti baka sakaling may makitang kahinahinala sa paligid, pero wala naman.
‘Enter the forest. NOW.’ sunod na inutos nya sakin. Sino ba sya? Kung susundin ko ang mga bulong na iyon ng hangin, pwedeng mabitag ako ng sarili kong bitag. ‘Why are you hesitating?’
“Who are you?” bulong ko sa ere na tanging ako lang ang nakakarinig.
*silence…*
“Are you the one who sent me those texts?” tanong ko.
‘If you want to find out… why don’t you go see for yourself?’
Sabay napalingon ako pabalik don sa kagubatan.
Should I go, or should I not?
Sa huli ng saglit na debate sa isip ko, at nagsimula na akong maglakad papasok sa loob ng gubat. Keeping in mind na hindi naman ako masyadong magpapakalayo.
Pero nang makapasok na ako sa perimeter ng gubat nagsalita muli yung boses ng lalaki kanina sakin.
‘Welcome to Suicide Forest.’
Sabay he let out an evil laugh, na medyo nagpatindig ng mga balahibo ko sa braso.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)