AN: This is an early update, kasi di ako sure kung makakapag Update ako sa Sabado o Linggo, kaya naman heto at inagahan ko. Enjoy!
TIME SKIP…
Axelle’s POV
Hindi ko maiwasang makaramdam ng hindi pagkakomportable saking kinauupuan. Para kasing may mga matang mariing nagmamasid sakin kanina pa. Hindi ko na ninais na maglibot pa ng paningin ko sa buong klase para malaman kung sino, pakiramdam ko din naman kasi na alam ko na kung sino.
Sandaling minuto pa ang lumpas ay dinismis na kami ng teacher namin kasabay ng pagtunog ng school bell. Isa nanaman ako sa naunang lumabas ng classroom.
Madali akong naglakad pabalik sa dorm. Plano talaga naming apat nina Marry na magsabay pabalik sa dorm, since this is some sort of an urgency, mamaya nalang ako magpapaliwanag sa kanila ng kahit anong palusot, basta ayaw ko na magtagal dito sa corridors na ito. I’m itching to go back.
“Hey Miss! Wait!”
Binilisan ko pa ang lakad. Pretending that I didn’t hear anything. What’s wrong with this guy?! Pwede bang isang maging normal student ako na hindi pansinin?
“Miss Axelle! Wait!”
Palapit pa ng palapit yung boses nya! Freakin’ damn! I’m going to get caught! Huminga ako ng malalim at pandalas na tumakbo. Hindi naman ako ganon kagaling sa track and field, pero kaya ko naman manghabol ng magnanakaw. Well, I did chased one noon.
Nang ramdam kong medyo nakaayo na ako sa kaniya binagalan ko ang takbo ko hanggang sa lakad nalang ang ginagawa ko. Medyo hinihingal ako ng konti at may pawis pang tumulo mula sa gilid ng noo ko, pinahid ko ito bago lumingon pabalik sa pinanggalingan ko, then-
*Blag!!!*
Napatumba ako ng biglaan sa marmol na sahig.
“Aish!” ang sakit sa may pwet ha! Utay-utay ako tumingala. Sino ba naman kasi ‘tong mokong na bumangga sa-
“I’m sorry, di ko sinasadya, ayos ka lang?”
Nakalimutan ko rin ata na kaya nyang magteleport.
Sabay inabot niya sakin yung kamay niya para tulngan akong tumayo, ako naman itong saglit na natulala, but later on I snapped out of it at bumalik sa reality.
Mabilis akong tumayo, pero bago pa man ako tuluyang makatayo sa sarili kong mga paa, nadulas yung kanang paa ko dahil sa dulas ng sahig. Sa pagkagulat ko aksidente kong nahila yung kamay niyang naka abot sakin dahilan nang pareho kaming dumagasa sa marmol na sahig. Ang sakit nanaman ng pwet ko! Bugbog na ata ‘to. Matapos indahin ang sakit napatingala naman ako only to find the shocking position we both are in… HIM ON TOP OF ME! Na nakatuon ang mga kamay sa pagkabilang side katapat ng balikat ko. And he’s freakin’ smirking!
Madali ‘kong tinulak yung sarili ko paatras, sliding my aching butt on the slippery marble floor, and out from that position sabay mabilis na tumayo. Buti ‘di na ako nadulas ulit.
Non ko lang napansin na maraming atensyon na pala ang nakukuha namin mula sa iba pang mga estudyante na katatapos lang ng kani-kanilang mga klase. Murmurs, gossips, at death glares ang mga natatanggap ko mula sa halos lahat sa kanila.
Nakita ko rin syang tumayo na matapos ‘kong ma-regain ang composure ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Ano na kaya ang mangyayari sakin ngayon?!
“I didn’t know you have the habit of always falling?”
Nalipat ng tuluyan ulit sa kaniya ang attention ko. “What?” wait, scratch that question. “What do you want?” medyo seryoso kong tanong sa kaniya.
“Wala lang.”
“Anong klaseng sagot ‘yan?… You’re chasing me a while ago.”
“Ha?”
“’wag ka nang magmaang-maangan.”
“Ah… Hinahabol kita dahil ‘di ka humihinto nung ilang beses kitang tinatawag.”
“Kung ganon, bakit mo naman ako tinatawag?” taas kilay kong tanong sa kaniya.
“Wala lang.” maiksi niyang sagot.
“I’m not convinced.” I crossed my arms below my chest.
“Well… to be honest, gusto ko lang ma meet yung ‘na fall’ kay Ivan sa hallway on the day of our arrival. Nong una, akala ko namalikmata lang ako at baka kamukha mo lang yung babae, pero kanina lang ay napatunayan kong ikaw nga ‘yon.” kaswal nyang sagot habang naka pamulsa.
“Ha???”
Tumalikod sya sakin at handa nang maglakad palayo sabay nilingon ang kaniyang ulo pa sideways with that annoying smirk again! “Na ‘fall’ ka rin kasi sakin.” sagot niya, sabay nagsimulang maglakad.
Kumulo kaagad yung dugo ko sa sinabi nya. That sentence seemed to have a different meaning ah!!!
“Hoy inutil! Para sabihin ko sayo di ka attractive noh! Feeling-ngero ka lang! And that accidental fall, ikaw din ang may kasalanan non!” tila ba nawalan ako ng pakialam sa mga matang nakatingin saming dalawa, mainly, sakin. “Pasulpot-sulpot ka kasi! Tapos ipinahihiwatig mo pang chinachansingan kita! Tche! Mabulok ka sa imahinasyon mo Gray He-Argh! Inutil!” muntikan na akong madulas don ah!
Hindi ko na say hinabol pa kasi ginamit na nya yung teleportation powers nya para makabalik sa kung saang lungga man sya nagtatago, sabay ako naman ay mukhang takure na may lamang kumukulong tubig. I stomped my way towards the portalvator na magdadala sakin sa dorm room ko. Walang sinumang humarang sakin sa daan, instead humawi lang sila at kasunod ng paglampas ko, dinig ko ang kanilang mga bulungan. Pero di ko iyon pinansin, masyadong nag-init ang dugo ko kanina. Bakit ba ganon kapag lagi kaming magkasama? Wala pa ring pinagbago.
Pumasok ako sa loob ng portalvator at nang magsasara na yung pinto ay may biglang pumasok din na babae. At hindi lang sya isang stranger, in fact, I knew her.
Hindi ako umiimik sa pwesto ko. Alam ko namang napansin niya ako nung pagpasok nya kahit wala namang eye contact at pati sya ay nanahimik din.
Nagsimulang umilaw yung tinatapakan naming sahig na may kung anong symbol bago kami binalot ng liwanag. In just a split of a second, andito na ako sa palapag kung saan located yung kwarto namin.
Lalabas na sana ako nang magsalita sya.
“Stay away from my fiance, I don’t like you.” mariin at medyo commanding niyang sabi. Hindi ako umimik at nagpatuloy sa paglabas bago sya nabalutan ng liwanag at nag teleport once more sa kung saan lungga sya papunta.
Tss. As if I really care about that Annoying Idiot.
Or… maybe I still… do care?
Argh! Erase! Pagod lang ‘to!
Kailangan ko na talagang makapagpahinga.
![](https://img.wattpad.com/cover/171801386-288-k964488.jpg)
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mistério / Suspense"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...