Chapter 44: Field Combat 2

717 32 9
                                    

AN:

Pasyensya na po... natagalan. May inasikaso lang po akong importanteng mahalaga. Hehehe...

Third Person's POV:

Nasa isang malawak na open square field sila na-transport nung portal na kanilang pinasukan. Sinalubong sila ng sunod-sunod na malalakas na hiyawan ng mga manonood na dumalo.  Napaliligiran ang field ng nagtataasang mga puno at magmumukhang nasa gitna sila ng kagubatan. Ang mga manonood ay kanya-kanyang naka upo sa bleachers na gawa sa mga patong-patong na mga batong nasa magkabilang side ng field.

Nagkatipon-tipon muna ang apat na tropa ng SK sa kani-kanilang spots sa ilalim ng isang open tent na may simbolo ng kani-kanilang troop.

Sky blue open tent na may simbolo ng agilang lumilipad na gawa sa diamond and gold sa unahan ang sa Diamond Eagle. Lime green open tent naman na may Ox symbol na gawa sa emerald at gold ang sa Emerald Ox. Ocean blue color naman na may naka-infinity na serpent at gawa sa round dark blue gem stones ang sa Gem Serpent. Royal blue na may simbolo ng lumilipad na dragong gawa sa sapphire stones naman ang sa Sapphire Dragon.

Katapat ng kanilang designated tents ay may isang malaking watch tower na nakatayo. Sa paikot na balkonahe nito naka pwesto para manood ang ilang matataas na guro sa academy, kasama nila ang Headmaster at ang kanang-kamay ng hari, kasama din si Ethan.

Nilibot ni Axelle ng tingin ang napakalawak na damuhang field.

"Ano ba talagang meron dito sa field combat na 'to?" Tanong nya sa katabi nyang si Vanessa na katulad nya'y pinagmamasdan din ang buong field.

"Ito ang tinatawag na Fire Hole Arena." Panimula ni Vanessa.

"Ha? Eh wala namang Hole?"

"Makikita mo nalang mamaya kapagnagsimula na ang agawan." Huling sagot nito bago sya tawagin ni Arden sa may kabilang side ng tent, at naiwan si Axelle na mag-isang nakatayo.

Muli nyang nilibot ang kaniyang tingin sa paligid hanggang sa dumako ito sa kalapit na tent ng Gem Serpent. Ilang saglit pa'y napansin niyang nanggaling don si Lyn na kasalukyang pabalik na sa mga bleachers. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makarating ito sa pang-anim na helera ng mga upuan at naupo katabi ni Jiena.

'Friends pala sila?'

"Ladies and Gentlemen! The moment you've all been waiting for!-" malakas na anunsyo ng emcee. "The Spirit Knights Field Combat here in Fire Hole Arena!... and without no further ado - Spirit Knights step-in to your places..." pagkasabi non ay may tig-iisang glowing circle of light ang lumitaw sa labas lang ng kanilang tent area. Each knight stepped inside the circle. Sabay isang myembro ng bawat tropa ang mistulang nagteleport.

Ilang saglit pa'y utay-utay na nagtransform ang square field. Nawala ang grassy field at napalitan ito ng isang malaking butas na may mainit na magma sa ilalim at mga nagkalat na mga naglalakihang batong lumulutang sa ere, going 40 ft. Above ground level at 25 ft. Below,  na konektado ng mga series of metal chains. Habang pailalim ng pailalim ay paunti ng paunti ang batong pwedeng matungtungan. At sa pinaka ibaba ay may apat na glow stones na kung saan nakatungtong ang apat na natransport na SK na may hawak na iba't ibang kulay na glass spheres.

KC - Emerald Ox - Dark Blue sphere

Ella - Sapphire Dragon - White sphere

Jonathan - Diamond Eagle - Light Blue sphere

Alice - Gem Serpent - Green sphere

Muling nagsalita ang emcee. "The rule is still the same, no powers allowed or else the whole troop will be disqualified... Knights ready!-"

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon