Third Person’s POV:
“Nakita nyo na ba sila?” hinihingal na tanong ni Tory sa mga kasama nyang knights.
“Hindi namin sila mahanap. Nauubusan na tayo ng oras!” sabi naman ni Nick myembro ng Gem Serpent.
“Paparating na ulit yung mga liyon.” Anunsyo ng hinihingal na si Echa nang makalapit sa kanila.
Tila ba masyadong mabilis ang pangyayari, nang isa-isa silang napalibutan ng mga nagngangalit na liyon.
“Maybe we should fuel things up.” Suggestion ni Jonathan habang alerting nakatingin sa liyong gusto na ata syang lapain.
“No… hold your ground knights.” awat naman ni Tim, na syang Second-in-Command ng Diamond Eagle. Sya ay isang telepath, psychic at sya rin ay isa sa Top Rank Student sa Academy pagdating sa patalinuhan.
“He’s right.” Singit ng isang malalim na boses. “Ang mundong ito ay hindi stable para sa mga katulad nyo…”
Lahat sila’y napalingon sa pinagmulan nito at napansing palapit nan g palapit si Pride sa pwesto nila kasunod ang kaniyang dalawang anak. Seryoso ang tingin nito sa mga knights pero may kung anong bumabalot sa pinapakita nyang ngiti. May ilang nagtataka at kinukwesstyon sa kanilang mga isip ang ibig sabihin ng pinakawalang salita ni Pride at ang mga malapit naman kay Tim ay napapatingin sa kaniya, sa pagitan nila ni Pride. Hindi malabong wala syang alam.
Hindi nagsalita ang mga knights hanggang sa huminto si Pride sa paghakbang nang makalapit sa kanila. Liningon nito ang mga mukha ng mga knights tsaka huminto kay Tim. “… ikaw. Bakit di mo ipaliwanag sa kanila ang nalalaman mo. ” utos sa kaniya ni Pride.
Lahat ng knights ay napalingon kay Tim, halos lahat sila ay may pakiramdam ng pagdududa sa kasamahan. Why does Pride want him to explain? Pero nagsalita pa rin sya…
“Ayon sa nabasa ko… kapag ginagamit natin ang kapangyarihan natin, utay-utay tayong lalamunin ng mundong ito. Hindi man natin nararamdamang humihina tayo, may masamang epekto pa rin ito para satin.” Sagot ni Tim.
“At wala ka man lang naging balak na ipaalam yan samin?” singit ni Bane.
“Hindi sag anon… hindi lang kasi ako sigurado kung tama ba talaga yung artikulong nabasa ko, medyo matagal na rin kasi.” Depensa ni Tim.
“Ang mahalaga alam na natin.” Singit ni Jeny.
“Ngayon…” singit muli ni Pride. “Ano nang plano nyo… mga Zyterians.” Sabay pakawala ng isang nakakapangilabot na ngiti.
Nakatanaw mula sa malapit ang isang kulay abong liyon. Tila bang ang presensya niya ay walang sinuman ang nakakapansin. Pinanonood niya ng mabuti ang mga knights na kasalukuyang bihag at napapalibutan pa rin ng mga agresibong liyon.
Pero bago pa man umangat ang tensyon sa pagitan nila, kinuha na nya ang atensyon ng ibang mga bantay na liyon sa pamamagitan ng paglikha ng isang nakakasulasok na ingay gamit ang kaniyang kapangyarihan at tanging ang mga piling liyon lang ang napipinsala. Matinis ito at nakakabasag pandinig. Tila mabaliw ang ibang mga liyon sa pagpigil ng ingay na kanilang naririnig. Naalerto naman si Pride at ang kaniyang mga anak.
“There’s an outsider. Hanapin nyo!” madiing utos nito sa mga tauhan nya, maging sa mga anak nya.
Mabilis na naghiwa-hiwalay ang mga liyon upang halughugin ang paligid. Habang halos mabahala ang mga liyon, kinuha itong tyansa nung kulay abong liyon para kumunekta sa isip ng ilan sa mga knights. ‘Use your powers at tumakbo kayo sa gubat!’ sabi nito.
Napalingon pa ang limang knights na nakapakinig ng utos pero kalaunan ay napagkasunduan nilang gamitin ang kapangyarihan nila upang makatakas sila sa mga bumihag sa kanila. Sinunod nila ang sabi ng misteryosong boses kahit na mukahng di naman talaga sila dapat na maniwala sa kung ano-ano peor wala na rin naman silang ibang pagpipilian pa… nagtulungan sila hanggang sa tuluyan na nilang malayuan ang lungga ng mga nagngangalit na liyon at sumisiklab nang pagngangalit ni Pride.
![](https://img.wattpad.com/cover/171801386-288-k964488.jpg)
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Misteri / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...