Chapter 46 : Dare 1

637 34 1
                                    

Third Person's POV:

Kinagabihan, nagtipon-tipon ang myembro ng Emerald Ox sa kanilang meeting hall sa loob ng kanilang headquarters. Gayon din ang ginawa ng iba pang mga tropa ng knights. Ngayong gabi ay kanilang pag-uusapan ang unang tinalakay sa pulong ng mga captains ng bawat tropa. Naka pwesto sa may bandang gitna ng long table si Vane habang hawak-hawak nya sa isa niyang kamay ang isang tablet. Sa likod naman niya ay makikita ang isang tenolohiyang kapareho ng isang projector, pabilog nga lang ito.

"Simulan na natin." Panimula nya, sabay nag-on yung projector at nag-flash muli ang digital na imahe ng mapa ng World of Illusion. Sabay nag-zoom in ito sa pinaka malayong bahagi, kung saan ay maraming canyons na nababalutan ng makapal na fog. "Mula sa nagging pagpupulong namin, dito matatagpuan ang Elexus." Sabi niya. Huminto ang kanilang holographic map sa isang malalim na canyon na mistulang walang hangganan. "Sa Gehenna Valley." Pagtapos niya.

"That's located near the end of the Illusionary world." Mahinang puna ni Arden.

"That's HELL." Puna din ni Vanessa.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan kasabay ang pagtitinginan ng bawat myembro ng tropa, bago nagsalita muli si Vane. "The Illusionary world itself is Hell. Masdelikado at mapanganib nga lang sa bandang dulo. Sa bawat hakbang na gagawin natin, sa bawat galaw o desisyon, kailangan nating mag-ingat. Dahil katulad nga ng napagpulungan natin kanina, kahit na ilusyon lang ang lahat ng nasa loob ng mundong iyan, maaari pa rin tayong malagay sa panganib. It may not affect us directly, in physical form, pero yung mental state natin ang pwedeng maapektuhan nito." Paliwanag niya.

"Tama sya." Singit ni Echa. "Kaya kailangan natin ng ibayong pag-iingat."

"So... anong plano?" tanong ni KC.

"Hindi maaaring mula simula hanggang dulo ay magkakasama tayo, walang nakatitiyak ng ganon ang maaaring mangyari. Mula sa nalalaman ko, parang isang napakalaking maze ang mundong iyan at meron ding pasulyap sulyap na mga portals. Merong pitong partition ang mundong ito." Sabi muli ni Vane. Sabay bumalik ang kanilang Holographic map sa ilalim ng isang malaking willow tree na kulay gray ang mga dahon. "Dito tayo unang dadalhin ng lagusan sa unang partition, ang Gluttony, tandaan na ang bawat partition ay may kalakip na hamon para satin, lahat ng pitong partition ay pinamumunuan ng malalakas na uri ng demons na nakakulong sa mundong ito-"

Kumunot ang noo ni Axelle na kanina pang seryoso sa pakikinig nang marinig nito ang sinabi ni Vane, pero di sya nagsalita.

"-Sila ang makakalaban natin, kung sakaling di natin sila malusutan sa tahimik na paraan... Isa pa pala, may sinabing payo samin ang Kanang kamay ng Hari sa pulong naming kanina... Masmadali daw tayong makararating sa Gehenna kung papasok tayo sa kulay violet na portal."

"Ha? May iba't ibang portal dun?" tanong ni Arden.

"Hindi ko alam, pero 'yon lang ang sinabi nya. Kung sa bawat partition daw ay makapasok tayo sa violet na portal, masmabilis tayong makararating sa paroroonan natin."

"Madali lang siguro 'yon, san ba matatagpuan yung portal?" tanong ni Vanessa.

"Walang specific na lokasyon ang kinaroroonan ng portal, basta lumalabas lang ito isambeses every two days."

"OK, So... ano yung sunod na partition?" tanong ni Echa.

"Sunod ay ang Pride, then Envy, Sloth-"

"-madali naming sabihing The Seven Sins di ba?" singit ni KC.

"OK, in short, mapupunta tayo sa mga lugar na pinamumunuan ng Seven Sins." Pagpapaikli ni Vane.

"Why would the Elexus be hidden in some place kung saan lungga pala ng kalaban?" hindi mapigilang tanong ni Axelle.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon