Axelle’s POV:
Krriiinngg!
Krriiinngg!
Ugh!
*Yawns*
Umaga nanaman!
Matapos ang mga nangyari kagabi… Hindi ko alam kung pleasant pa ba ang naging tulog ko. Well… there’s only one way to find out.
Bumaba ako sa higaan at painat-inat na naglalakad papuntang banyo. Medyo inaantok pa ako ng konti kaya nakuha ko pang humikab, pero nang makita ko ang itsura ko sa salamin… Naku! Daig pang pugaran ng ibon ang buhok ko. At meron pa akong naaaninag na konting dark circles sa mga mata ko. Argh! Heck! Makapaglinis na nga muna ng sarili.
TIME SKIP…
Matapos kong maglinis ng katawan ay bumaba naman ako para kumain. Meron sila ditong dining area, pero ayoko dun kumain, gusto munang lumabas, mamamasyal na rin muna ako. Maka daan nga muna kay Chelsie.
*phone rings…*
(Chelsie calling…)
Speaking of-
“Mornin’ Chels! Gusto mo bang sumamang mamasyal? Dadaanan kita sa room mo.” tanong ko.
Mula sa kabilang linya napakinggan kong naghikab sya. ‘Pass muna ako sis… Inaantok pa ako eh… *yawns* kung gusto mo ikaw nalang muna…’
“Ay ganon? Sige, matulog ka na ulit.”
‘Yeah…’
*call ended.*
So, mag-isa lang pala akong mamamasyal ngayong umaga sa streets of Japan.
“Mam!”
Huh?
“Reporting for duty po!”
Madaling sabi nitong si Rich na mukhag kararating lang sa kung saan man yung pinuntahan nya. May makakasama din pala ako kahit papano.
“San ka naman nanggaling?” tanong ko sa humahangos na si Rich.
“May pinasuyo po kasing mga papeles ang tatay mo sakin kaya medyo na late ata ako… hehe…” sagot niya na may pagkamot pa sa ulo.
“Teka? San ka ba naka stay?” tanong ko.
“Sa 5th floor po nitong building, room 345. Bakit po?”
“Wala lang. Sa susunod magtext ka kung male-late ka o di kaya ay may pinasuyo sayo si dad. Ito namang si dad, daming-dami ng alalay eh ikaw pa talaga ang sinugo.”
“Past na po yun mam, wag na kayong mamroblema. San lakad nyo?”
“Ah… maghahanap lang ako ng makakainan dyan sa labas.”
“Ay tamang-tama po mam! May napuntahan ako dyan kaninang isang restaurant na may masasarap na pagkain!”
“Oh sige, dun mo ako dalhin.” utos ko naman.
TIME SKIP…
Matapos naming kumain ng agahan ay sinamahan nya akong maglakad-lakad, at sumunod ay nagbike naman kami para masmagandang mamasyal.
“Mam! Wag po kayo masyadong mabilis! Baka maaksidente po kayo!” saway sakin ng butler ko. Haaayyy, heto nanaman po tayo.
Binagalan ko ng konti hanggang sa maging magka pantay kami sa may bike lane. “Teka, bakit sobrang galang mo nanaman?” tanong ko sa kaniya.
“Wala lang po! Tutal masmatanda kayo ng isang taon sakin kaya dapat ay ginagalang ko rin kayo kahit na minsan.” paliwanag nya.
“Pinagmumukha mo naman akong sobrang matanda ah…”
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)