Axelle’s POV:
Kelan ba ako titigilan ni kamatayan? Pero laking pasasalamat ko nalang na nararamdaman kong buhay pa ako kahit na masakit at pagod na pagod pa ang katawan ko.
Minulat ko ang mga mata ko at unang nakita ang isang nakasinding lampara sa gilid ng bintana kung saan ay may isang lamesang may nakapatong na basket ng prutas.
Nakahiga pala ako sa isang katre na may manipis na kutson. Nang tangkain kong bumagon agad namang sumalubong sakin ang pagsakit ng natamo kong sugat sa may balikat ko. But I let it slide…
“Nasan si Gray Head? At nasan ako?” bulong ko.
Utay-utay ay tumayo ako sa katre at naglakad palabas nitong maliit na kubong pinagdalhan sakin. Unang sumalubong sakin ang isang babae, mukhang masmatanda lang ng ilang taon sakin, nakasuot sya ng luma at kulay kupas na mga damit at may dala syang mga tinapay. Nagulat sya ng makita ako sabay agad na yumuko.
“Um… pwede po bang magtanong?” tanong ko sa kaniya, pero hindi rin nagtagal ay may ibang boses ang sumagot sakin.
“Hindi nya masasagot ang mga katanungan mo.” Isang tinig ng lalaki ang nakaagaw ng aking pansin. Nilingon ko ang pinagmulan ng boses at nakita ang isang lalaking masmatanda lang din sakin ng ilang taon habang naglalakad paakyat sa kubong kinatatayuan ko. Masmaayos ang pananamit nya kesa don sa sumalubong saking babae. “Ako nga pala si Lenero binibini, at nandito ka sa tribo namin.” Pagpapakilala nya. Nang makalapit pa ito ay inutusan nya yung babae na iwan kami. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong masamang balak mula sa lalaking ito, pero kahit na mukhang inosente sya, hindi rin mawawala ang suspetsa kong baka kasabwat sya nung kalaban namin o di kaya sya mismo ang kalaban namin na nagbabalat-kayo lang.
“Ah… ganon po ba.” Just then naalala ko… “May kasama po akong lalaki, baka po nakita nyo rin sya?” tanong ko.
“Ah. Oo, nagpapahinga sya ngayon sa kasunod na kubo.” Sabay turo nya sa kubong katabi ng kubong pinagdalhan sakin. “Mukhang pinagbalakan kayong biktimahin ng halimaw sa ilog.”
“Po? Halimaw?”
“Ang malaking ilog na iyon ay kilala bilang tirahan ng isang halimaw na syang kayang lumikha ng bagyo at nagtataasang mga alon na nakapagpapalunod sa sino mang nais nyang biktimahin o kahit sinong magtangkang tumawid. Maswerte kayo’t nakaligtas kayo.”
Kung ganon, baka yung halimaw din ang may kagagawan kaya nakaririnig ako ng mga bulong sa hangin bago maganap ang insidente. “Malubha po ba ang lagay ng kasama ko?”
“Hm... hindi naman. Nakatulong ang maagang paggamot sa kaniya kaya maayos na sya, kelangan lang nyang magpahinga. Ikaw, baka nagugutom ka na. papadalhan kita ng hapunan dito.”
“Ah… kung pwede po na sa kubo nalang nya. Bibisitahin ko muna po ang kasama ko.” Sabi ko.
“Hm…? Kung ganon, sige. Don ko kayo papadalhan ng hapunan.” Sabay umalis ito ng walang kaimik-imik.
Pinagmasdan ko syang naglakad patungo sa pinakamalaking kubo dito. Mukhang sya ang pinuno ng tribong ito. Habang pababa ako ng hagdanan mula sa kubo ay palingon-lingon ako sa paligid. Halos kalalakihan ang nakikita kong pagala-gala sa labas, may iilan din namang mga babae na syang abala sa kani-kanilang mga gawain.
Sa aking pagmamasid ay napadakuan ng mata ko ang ilang mga matang nakatingin sakin, tila inoobserbahan ako, hanggang sa dumako ang paningin ko sa tatlong babaeng magkakasama at may dalang mga basket, yung isa ay may dalang isang maliit na banga. Nang makita nilang tinitingnan ko sila’y agad silang umiwas ng tingin sakin. Napara bang natatakot. Hm. Baka guni-guni ko lang ‘yon.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)