AN:
Maagang UD! Kahit na madami po kaming activities na inasikaso ngayong linggo nakakapagtype pa rin po ako kahit papano, nakakapaaaaaagggooddd... anyway... sana'y mag enjoy po kayo sa kinaya ko! At kung sakaling makapag update ulit ako sa fri o sat. Gagawin ko po. ^_^ fighting!
Third Person's POV:
Nang pumatak ang dilim ay nagpatawag ulit ng pulong ang Headmaster sa ilang piling guro at Master Teachers kasama ang pinadalang kanang-kamay ng hari para talakayin ang isang isyung nakasalalay ang buong Zyteria, habang ang ibang mga natirang guro naman ay kasama ng SK sa kanilang sinasagawang pagroronda sa buong academy. Nakasama sa kanilang pulong si Ethan.
"Simulan na natin." Panimula ng Kanang-kamay ng hari nang makaupo na silang lahat, sabay sunod na nagsalita ang Headmaster.
"Ethan, maaari mo bang ilahad ang mga nalalaman mo?"
Tumango si Ethan na nakaupo sa pagitan ni Mr. Daniel at Lord Rey, bago huminga ng malalim at nagsimulang magsalaysay.
"Katulad ng dati, patuloy pa rin ang pagbuo ng malaking hukbo ni Satan sa Impyerno... Bago pa man ako madakip nang malaman nilang trinatrahidor ko sila nakatunog na ako, kaya nagpadala ako ng sulat kay Mr. Daniel na alam kong nasa mortal realm para pansamantalang putulin ang pakikipag-ugnayan ko sa inyo. Lahat ng naisulat kong nalalaman ko sa aking journal na dapat sanay ipadadala ko ay sinunog ko bago pa man dumating ang ilang kawal nya, pero ang lahat ng nakasulat don ay nakatatak na dito..." sabay turo nya sa sintido nya. "Nagtago ako sa looban ng isang taon, nakakapagtakang hindi na ako muli pang pinatugis ng hari kaya tahimik at maingat kong pinagpatuloy ang pag-iespiya... Hindi pa sa muntik na pagkakaroon ng Dark Era natatapos ang mga balak ni Satan, natunugan kong patuloy syang bumubuo ng lihim nyang hukbo, somewhere in hell. Bagama't limitado lang ang aking impormasyong nakalap tungkol don, sa tingin ko'y kasama sa plano nya ang tangkang pagsakop sa mundo ng mga mortal."
"Kung ganyan nga ang konklusyon mo, hindi kaya ginawa lang nyang distraksyon para satin yung pagpopokus ng atensyon natin sa mga nakatakas na demons at sa pinagbalakan nyang Dark Era?" Puna ng Headmaster, sabay tumango naman si Ethan.
"Ah, gusto ko lang sanang isingit..." panimula ng isang guro. "...na baka involve din si Satan sa paghina ng Elexus."
"Pano mo naman nasabi? Ang Elexus ang nagpapanatili ng barrier sa palibot ng lagusan, bago pa man ito humina, hindi maaaring pumasok o makalabas ang kahit anong may demonic energy. Imposibleng galing sa hell ang sinasabi mong dahilan?... maski si Satan ay hindi kakayaning makalusot sa lakas ng divinity ng Elexus." Sagot naman ng isa pa.
"Pano yung anim pang natitirang lagusan?" Puna ni Mr. Daniel sabay pumaling sila sa Kanang-kamay ng hari na mukhang malalim din ang iniisip.
"Walang nagalaw sa anim na lagusang natira. Silyado pa rin ito at maski ang anim na Guardian Stones na nagbabantay ay nasa normal pa ding kalagayan." Sagot ng Kanang-kamay.
"Kung ganon... bakit humihina pa din ang Elexus hanggang ngayon? Ano ang dahilan?" Tanong ng isa.
Nagkaron ng saglit na katahimikan habang nasa malalim na pag-iisip ang bawat isa.
"Ukol pala dyan..." panimula muli ng Kanang-kamay ng hari. "Ipapadala ulit ng hari dito si Mr. Ygon kasama ang dalawang hinirang nyang tauhan para sumuri sa kalagayan ng Elexus."
"Kelan?"
"Bukas... habang patuloy pa sa pag-iimbestiga ang hari... Nabalitaan kong kinausap ka rin nya tungkol dito nang sumaglit ka sa palasyo, headmaster?"
Tumango ang Headmaster. "Iminungkahi ko sa kanyang kamahalan na ang mga Spirit Knights nalang ang ipadala para sa misyon na 'yan, bilang parte din ng kanilang Annual Core Training. Sumang-ayon ang hari, kaya naman minabuti kong tapusin muna nila ang Field Combat, bago ko ihayag ang detalye ng Class B Mission na napag-usapan."
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Misterio / Suspenso"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...