AN:
Ang mababasa nyo po ay hango saking opinyon, sariling pananaw at imahinasyon. Hehehe...
Axelle's POV:
Kinabukasan maaga akong nakatapos sa paggagayak ng aking sarili at napag desisyonan kong magpalipas muna ng konting oras sa library na nasa ika-13th floor ng gusali. Compared kasi sa ibang Library rooms dito sa school, ito ang napagtanto kong malaki ang espasyo at higit na masmaraming libro.
Kasalukuyan akong naglalakad sa pagitan ng dalawang nagtataasang bookshelf about sa Zyterian History at nagbabakasakaling makahanap ng librong makakakuha ng interes ko. Ilang saglit pa'y may napakinggan akong mahinang lagabog mula sa may di kalayuan. Sakto namang narating ko na rin ang dulo ng shelves kaya naisipan kong puntahan ang pinagmulan nung ingay na narinig ko.
Nang makarating ako sa mismong shelves na sakop din ng History Books Area nakita kong pinapagpagan ni Master Shi Fu ang kaniyang sarili sa mga alikabok habang nagkalat sa sahig ang ilang librong nahulog ata mula sa itaas na bahagi ng shelf. Matapos magpagpag ay tumingala siya.
"Maaari mo bang kunin 'yong librong 'yon?" Tanong niya.
Napakunot ang noo ko sa pagtataka at napalinon sa paligid. Bagama't ko lang ang mag-isang malapit sa kinaroroonan nya, di kaya ako ang kinakausap nya. Nang muli akong humarap sa kaniya'y nakatingin na sya sakin.
"Sino pa bang malapit?" Puna niya. "Dali na, pakikuha naman oh... mahina na ang tuhod ko kaya't di na makaakyat ng ayos sa hagdan."
Nilapitan ko sya. As if may magagawa pa ako para tumanggi. "Nasan po ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Pangalawang shelf mula sa itaas." Sagot niya.
Nilapit ko yung hagdanan at saka nagsimulang umakyat. Nang makarating ako sa tapat nung sinabi nya dalawang librong medyo malaki at makapal ang una kong nakita. Hindi ito parehong nakapatayo kasi hindi magkakasya ang sukat nila sa shelf kaya naman ay magkapatong itong nakapahiga.
"Ito pong dalawa?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo." Maiksi nyang sagot.
Hindi ko kakayaning ibaba ng sabay pareho ang dalawang libro kaya't inuna ko muna yung isa na iabot sa kaniya bago umakyat ulit para kunin 'yong pangalawa. Pero nang makarating ako sa ibaba dala ang huling libro ay di ko na makita si Master Shi Fu. Nilayasan ako? Tsk.
Naisipan ko syang hanapin at nang makarating ako sa may malawak na reading area ay nakita ko syang nakaupo na at nagbabasa nung naunang libro. Lumapit naman ako sa kaniya at nilapag yung mabigat na librong dala ko sa mesa. Pero bago pa man ako makaalis ay nagsalita sya.
"Basahin mo 'yan."
"Huh? Akala ko po kayo ang magbabasa nyan?"
"Ikaw na muna. Tutal wala ka pa namang binabasa." Sagot niya nang di tumitingin sakin.
Sigh. Naupo ako sa tapat nya at nagsimulang buklatin yung libro. Habang nagi-skimming, napahinto ako sa isang chapter na may pamagat na "The 7 Great Cities". Nakuha nito ang interes ko at nagsimulang magbasa. Buti nalang ay sa wikang ingles nakasulat itong nilalama, maiintindihan ko ring mabuti.
'The 7 Great Cities in Zyteria namely: Efeso, Esmirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia and Laodicea holds the most important piece of Zyterian History among the 24 cities in the Seven Continents of Zyteria...
...Each continent is equally composed of 7 Cities and 1 Great City...
...The 7 Great Cities were said to be ruled by the descendants from the 7 Archangels of God. The ruler of Efeso is from Archangel Rafael, Esmirna is from Archangel Gabriel, Pergamo is from Archangel Samael, Tiatira is from Archangel Sandalphon, Sardis is from Archangel Uriel, Filadelfia is from Archangel Jophiel and Laodicea is from Archangel Michael.'
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)