Axelle’s POV:
Hindi ko alam kung ilang oras na ba kaming naglalakad sa makapal na kagubatang ito, eh kasi nagsisimula nang sumakit yung paa ko. Dapat pala combat boots yung sinuot ko, tss… Alam pa ba kaya nitong ulol na ‘to yung daang tinatahak namin? O baka naliligaw na kami di lang sya nagsasabi baka matapakan yung pride nya? Tss!
“Hoy! Ito ba talaga yung tamang daan?” iritadong tanong ko sa kaniya habang hinahawi ang nagtataasang mga damo na nadaraanan namin.
“Oo naman! Ito ang tamang daan. Wala ka bang tiwala sakin?” he replied confidently.
“Nagtanong ka pa.” bakit ba kasi itong lalaking ito pa ang pumili sakin, peste ring board yun eh, bakit ba sya ginawang Superior Commander?
Nagpatuloy kami sa paglalakad sa talahiban hanggang sa makarating kami sa isang matarik na bangin, pero mababaw lang naman tapos may maliit na ilog na umaagos ng malakas sa ibaba, sa kabilang side nito at may mga bakawan.
“Masyadong matarik. Gusto mo bang kumapit sa kamay ko?” alok nitong nakakairita kong kasama habang naka extend yung isa nyang kamay.
“Tche! Hindi man ako lumaki sa bundok, marunong naman ako mag-mountain climbing noh!” singhal ko sa kaniya at mabilis na nauna sa pagbaba.
Dahan-dahan akong bumaba habang pinipili ng maigi ang aking tutungtungan at kakapitan. Isang maling hakbang lang ay siguradong dideretso ako sa ilog.
“Bakit ang sungit-sungit mo?” tanong niya sakin mula sa kabilang tabi.
“Sayo lang naman.” sagot ko sa kaniya sabay kumapit sa isang nakalitaw na ugat ng puno at inalalayan ang aking sarili pababa.
“’yon nga eh… bakit sakin lang? Mabait naman ako, gentlemen at higit sa lahat gwapo.” pagmamalaki nya.
“Kapal ng mukha ha…”
Tumingin ako sa pwede ko pang makapitan dahil malapit-lapit na rin ako sa ibaba. Masmahirap pala kapag nasa bandang ibaba ka na, konti lang ang pwedeng makapitan at matibay na makakasuportang mga bato. Medyo malambot na rin yung lupa dahil mabasa-basa. One false step and I’ll end up bathing myself.
“Baka gusto mo nang humingi ng tulong ko? Iabot mo lang ‘yang kamay mo, I will help you like a true gentlemen.” singit ulit nitong si Gray Head. Pansin nya atang napahinto ako ng saglit sa pagbaba.
“Kahit end of the world na, hinding-hindi ko ‘yon gagawin. May pa gentlemen ka pang nalalaman dyan, bakla ka naman. Tsk.” Inaadjust ko yung paa ko sa aking tinutungtungan kasi pakiramdam kong lumalambot na yung lupang nakasuporta don sa bato. Sa medyo may kalayuan may nakita akong isang nakausling sanga ng puno. Mukhang kaya akong suportahan nito. Sinubukan ko itong abutin hanggang sa aking makakaya.
“Anong bakla ka dyan! Halikan kaya-”
Dumulas yung kapit ko sa isang sanga. “Oh shnitz!”
Third Person’s POV:
Di na nagawang bumalanse ni Axelle sa kaniyang tinutungtungan dahilan nang mahulog sya diretso sa umaagos na tubig ng ilog.
“Axelle!” di na sya magawang abutin ni Grei kaya tumalon na rin sya kasunod nito sa lumalagasang tubig.
Sa ilalim naman ng tubig ay nahirapang pumadyak para lumangoy paitaas si Axelle dahil kanina pan pagod ang paa nya kalalakad. Medyo may kalaliman din yung ilog at dahil din sa malakas na pwersa ng tubig maslalo syang nahirapan.
Medyo mulat ang kaniyang mata sa ilalim ng tubig nang may nakita syang isang maliit na trosong inaanod sa ilalim ng tubig palapit sa kaniya. Agad siyang kumampay para makaiwas pero nang dumaan ito ay nahagip pa rin ng sanga-sanga nito ang kaniyang kaliwang paa at sya’y nahiwa.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)