Axelle’s POV:This can’t be damn happening right now?!
Please don’t look this way!
Please! Please! Please!
*clears throat*
“Mr. Grei, tatayo ka nalang ba dyan? Go find a seat. Magsisimula na ang klase.” utos ng teacher namin sa unahan.
Agad na nilibot ni Gray Head ang kaniyang paningin sa palibot ng classroom para sa vacant seat. Pero ang tanging vacant seat nalang ay yung upuang nasa harapan ko. Naalarma agad ako! This can’t be happening to me?!
“Grei! Dito ka na maupo oh.” alok nung isang purple haired girl na nakaupo sa may bandang unahan. Iimik pa sana si Gray head para mag object pero agad na nakalipat ng upuan yung babae don sa vacant na bangko sa harapan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang ibaba na niya ang bag niya sa inalok na pwesto sabay nagsimula nang magsalita yung guro namin sa unahan.
“Para sa mga freshmen at hindi pa nakakakilala sakin, I am Sir Mike Mejarez, ang inyong instructor for today para sa Combat Class level one. Bago magsimula ang ating talakayan, may ideya ba kayo kung ano ang meron sa Combat Class? Anyone?”
May tumaas ng kamay mula sa likuran sabay tinawag sya ng teacher.
“Sir Pinag-aaralan po dito sa Combat Class ang iba’t ibang uri ng self defenses o hand to hand combats at techniques in fighting na hindi gumagamit ng kahit anong armas o sandata. Mahalaga po ito sa mga Zyterian na walang elemental powers o weapon mastery para maprotektahan nila ang kanilang sarili against sa mga possible attacks na maaari nilang ikapahamak.” sagot niya. Smart kid ata ‘tong taong ‘to.
“Very good. Anymore answers?” sabay nilibot ng teacher ang kaniyang mata sa buong classroom, hanggang sa may tumaas ng kamay.
“Sir, maaari po bang manalo sa isang labanan na walang ginagamit na sandata? Para po kasing mahirap kapag ganon.” sabi niya.
“Sa labanan, hindi lang kapangyarihan o malalakas na sandata ang pwede mong maging armas. Ang pagkakaroon ng mastery sa mga fighting techniques na gamit lamang ay ang bahagi ng katawan ay pwede na ring maipangtapat sa sandata o kapangyarihan. Ang kailangan mo lang ay talino, lakas at paniniwala. Halimbawa… wala kang kahit anong sandata at ang kalaban mo ay may hawak na isang espada. Kapag may alam ka sa mga Hand Combat Techniques, kakayanin mong mapatalsik sa iyong kalaban ang espadang hawak nya. Meron ba ditong may alam sa Martial Arts o Hand Combats?” tanong niya. Half of the class raised their hands in the air, including me. May alam naman talaga ako sa Martial Arts, nagte-training pa nga ako ng iba’t ibang klase during my leisure hours kasama ang isang lisensyadong trainor. “Now, who wants to give an example scenario on front?” naghintay yung teacher na may magtaas ulit ng kamay pero walang tumataas kaya nagtawag nalang siya. “Miss na may itim na buhok, whatever your name is, can you please come on front?” Tawag niya. Huh? Sakin ba sya nakatingin?
Lumingon lingon ako sa mga nakapalibot sakin. Tanging ako lang ang may pure black na kulay ng buhok dito, so there’s no mistake na hindi ako yung tinatawag nung teacher sa unahan. May ilang Mga matang napaling sa direksyon ko habang napag-isipan kong tumayo mula sa kina-uupuan ko at nagsimulang maglakad pauna. “What’s your name miss?” tanong sakin nung teacher namin, once na makarating ako sa tabi nya. Iniiwas ko ang tingin ko sa mga spirits na mukhang ineeksamin ako, lalo na sa ‘kaniya’.
“A-Axelle po.” medyo mahina kong sagot, but enough for him to hear.
“Miss Axelle and…Mr. Grei.” tawag nya. All eyes on him as her stood up from his seat. Oh heck! “Since you’re one of the members of the Top Spirit Knights, bakit di ikaw ang magpakita ng isang scenario, kasama si Miss Axelle sa unahan.”
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Misteri / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...