Chapter 5: Unwanted Visitor

1.2K 42 1
                                        

Axelle’s POV:

Pagkauwing-pagkauwi namin sa hotel ni Chelsie nagpaalam na muna akong magpapahinga na sa kwarto ko. She kept on questioning me kung ano ba talaga ang ginagawa ko don sa empty room na ‘yon. Hindi ko naman pwedeng sabihin na may mga multong nagbabalak pumatay sakin, kaya pinili ko nalang magsinungaling ulit, like what II usually do to cover up paranormal incidents like that. Ayoko na dahil sa may nalalaman sila ay baka madamay pa ulit sila dito, ayoko nang maulit ang dating mga insidente. I told her na naligaw lang ako kaya napadpad ako sa room na ‘yon.

Madali akong nagpalit ng pantulog na suot at naglinis ng katawan bago ibagsak ang buo kong katawan sa malambot na kama. Kaharap ko ang kisame ng kwarto habang nasa malalim na pag-iisip, in addition to that, ay ang mga flashback ng mga nangyari kani-kanina lang.

Why would some Japanese ghosts want to kill me?’

Di kaya ito na nga yung simula ng sinasabi ni Madam Bertha na pagbabago sa direksyon ng kapalaran ko? At teka? Bakit naman nila ako gustong patayin? At kung may nag-utos ba sa kanila o wala? Nananahimik na nga ako di ba?

This is very interesting, serious but dangerous… Maaaring unang trial palang ito. Who knows how many paranormal beings are out there who’s going to try and kill me.

*Phone Rings.*

May nag-text. Kaagad akong tumayo at kinuha yung cellphone kong nasa bag ko pang ginamit kanina sabay tiningnan yung message.

( Form UNKNOWN:     38º28’12”N 138º37’11”E )

Huh? Ano naman ‘tong mga number na ‘to? Baka may na wrong send lang? Tawagan ko kaya yung number.

(Dialing…)

*toot…*

Argh… di makontak.

Ano kaya ang ibig sabihin nito? Threat in a form of code? Wait! Parang di naman sya mukhang codes eh. Mukha syang-

“Ah-!”

Napapikit ako ng bigla sa aking naramdamang kirot mula sa aking dibdib. Heck! Masmasakit pa ‘to ngayon! Medyo nahihilo din ako at nagha- hyperventilate ng konti, pero kaya ko pa namang makatayo ulit. Ginamit ko ang lakas ko para makalakad papunta sa isang drawer malapit sa pinaglalagyan ng travelling bag ko sabay kinuha ‘yong isang maliit na supot na tela at binuksan. Sa loob non ay may lamang mga gamot na binigay sakin ni Madam Bertha para mawala ang ganitong sakit na aking nararamdaman whenever na inaatake ako.

My illness is showing up again, matapos ang mahabang panahon nitong pananahimik. Paliwanag sakin dati ni Madam Bertha, maaaring sa sobrang daming presence ng souls sa paligid ko kaya nagre-react ang uncontrollable powers ko.

Teka? Pano ko nga ba ito maipapaliwanag?

The ability or powers that I have get its energy source from other paranormal beings, especially soul energies. Kaya kapagmasyado nang marami o malakas ang presence ng souls sa paligid ko para rin akong isang battery na nago-over charge o isang pressure cooker na sumobra na sa pressure at kailangan nang mabuksan o mag-release ng energy sa labas. The only difference is that hindi ko alam kung pano utay-utay na magrelease ng energy na bigla kong naipon palabas ng dahan-dahan, kasi kapag binigla, who knows what could happen to me, pero ang sabi ni Madam Bertha, it could be bad, and for the worst case… I could die.

At isa pa sa aking nalalaman… yung energy na naipon ko ay syang nagpapagana sa powers ko na Nightmares. Their worst nightmare can be turned to reality against them kapagka nahawakan ko ang kahit sino man, mapa-tao o other beings man. I know their fears, and I can use it against them. At least that’s what I know so far about my powers. And the hardest thing to do is… controlling it. Hanggang ngayon kasi ay di ko pa rin kayang ibalanse ang flow ng powers ko. Hindi ko nga alam kung bakit mahirap.

Nang mawala ang sakit ay utay-utay nang gumaan muli ang pakiramdam ko hanggang sa maging normal ito. Binalik ko ulit yung gamot sa drawer tsaka naglakad patungong kama, pero di pa man ako nangangalahati ay may isang pamilyar na presence naman akong naramdaman. Sa puntong ito, alam kong may iba akong kasama sa kwarto ko, kaya nilibot ko ang aking paningin sa paligid at nag-focus sa isang energy na medyo may katagalan na rin mula nang huli ako nitong mabisita. Hinanda ko rin ang aking sarili.

“Sharp as ever, Axelle.” isang boses ng babae, similar to mine, ang nag-alis ng katahimikan sa ere. Ilang saglit lang din matapos nitong magsalita, may isang anino na lumabas sa isang bahagi ng kwarto na medyo madilim. Utay-utay itong nagkaroon ng hugis hanggang sa isang babaeng nakasuot ng all black, at may nakapulupot na kadenang bakal sa itaas na bahagi ng katawan nito na ang dalawang dulo ay dumadaloy pababa ng braso hanggang sa kamay at sa magkabiang dulo ay may matatalas na arc blade. “Nice to see you again. It’s been a long time.” pagbati niya.

“Ashier…” Ang pamilyar na mukhang nasa harapan ko ay ang dark Me, si Ashier. Sya ang other demon spirit na nagmula sakin, that’s why she sounds like me and looks like me, pero unlike me, she’s on the evil side. “Ano nanaman ba ang plano mo ngayon, at ginagambala mo nanaman ako?” tanong ko sa kaniya.

“Hindi pa ba obvious? The same reason over and over again… RELEASE ME.” utos niya sakin.

She may now have the rights to move freely out of my body, pero sya parin ang evil other half ko kaya sabi ni Madam Bertha na kaya ko syang kontrolin kapagka na master ko na ang kapangyarihan kong ito, and that’s what she feared… being controlled by others, especially me, because I am the one which is most capable of doing so. Isa pa ay hindi nya rin ako pwedeng saktan o pagtangkaang patayin, because she can’t kill me, and she won’t. She’ll also die if that happens. Para sa isang maiksing eksplenasyon… She is under my control… well… not fully, but she will be once I master my powers.

My spirit is divided into 2, the good, which is me, the inner me, and the bad, which is the evil Ashier who likes to cause trouble. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkaroon ng split spirits, baka kasama ito sa powers ko kasi may third eye ako. You know… the thing that I’d learned way back from the past.

“Kung ‘yan lang dinnaman ang pinunta mo dito, alam mo nanaman siguro ang magiging sagot ko di ba?… NEVER.” sagot ko.

Nag-iba ang ekpresyon ng mukha niya at mukhang nagalit sa naging sagot ko pero ilang saglit pa ay kumalma ulit siya at nakuha pang ngumiti, na medyo creepy.

“Kahit ilang ulit man akong sumubok, hindi ako susuko. Alam ko namang ‘yan ulit ang magiging sagot mo eh try lang, pero ngayon kasi ay may bago akong nalaman na makakatulong saking makawala sa kadenang nagtatali sakin sayo. And once I am free from your grip… I’m going to kill you and those people precious to you. Remember that, Axelle.” sabi niya sabay naglaho sa ere na parang usok na dinala ng hangin.

Ano naman kaya ang ibigsabihin non?’

Hindi ko man maitago, pero kinabahan ako sa huli niyang sinabi. She knows something... At yung something na iyon ay hindi magiging maganda kapagka nagkatotoo talaga. I need to master my powers immediately! Ashier is starting to make her move.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon