Chapter 37: Underground Chaos

647 34 0
                                        

AN:

Another loonngg chaper guys, pagtiyagaan nyo na, may effort din ‘to. Hehehe…

Axelle’s POV:

Hindi na ako nakipagtalo pa sa sarili ko sa kunga ano nga ba ang nararapat kong aksyon ngayon at madali akong sumunod sa kung saan man sila patungo. Sinasabi na nga ba’t masama ang kutob kong dito mamalagi eh…

Nanatili akong alerto sa bawat hallway na nililikuan ko at matahimik na binubuntutan sila. Napasiksik ako sa isang sulok nang may dumaang dalawang katulong na mistulang naging zombie na din ang mga itsura. At nang makalagpas sila ng di ako napapasin ay nagpatuloy ako sa pagsunod sa kanila.

Nakita kong huminto sila sa isang sulok na pader kung saan ay may nakasabit na malaking litrato ng isang nakakatakot na halimaw. Mukha syang isang ogre na may sanga-sangang sungay sa itaas ng kaniyang ulo. May kung anong pinindot yung demonyong nagpatuloy samin at bigla nalang gumalaw yung nasa painting na ogre at tumabi kasunod nito ang pagslide ng pader pakanan, revealing a secret passageway na nakakatakot.

Pumasok yung demon at sumunod naman sa kaniya sila Ella. Nang medyo makalayo sila at bago magsara yung lagusan ay mabilis akong tumakbo papasok sa loob nung pinasukan nila.

Oh sh*t! wala nga pala akong pansindi ng gasera!

Halos parang bulag akong kakapa-kapa sa medyo madilim na paligid. Ang tanging ilaw ko lang na maaasahan ay yung konting glow na nagmumula sa may di kalayuan, yung ilaw na ginagamit nung demon.

Nag-ingat akong walang magawang kahit anong ingay. I still don’t know what this demon is capable of. At isa pa bukod don, may pakiramdam akong may mahalaga akong matatagpuan sa dulo ng tunnel na ito.

May kalayuan din ako sa kanila at sapat lang ang distansya ko para kapag lumingon ang kalaban ay makakapag tago ako sa dilim. Pansin kong bumibilis ang paglalakad nila. Nakatunog kaya ito sakin? Pero hindi naman nito ako nililingon.

Gusto ko nang batuhin ng sapatos ko itong si Gray Head para magising sa panganib na kinabibilangan nya. Damn! Sa pagkaka-alam ko’y isa sya sa pinakamahusay na Spirit Knights, eh bakit mabilis syang napasunod nung demon. Tss. Ngayon ko lang din napagtanto na pareho palang Knight Apprentice sina Ella at Vanessa, baka hinahanap na rin sila ng mga Superior Commanders nila. Ayon sa patakaran ng training, kailangang magkasama ang dalawang pares na makarating sa Glass Bridge, kung hindi mababawasan ang points nila, ng malaki.

Ilang saglit pa’y lumiko sila sa isang lagusan, lumiko din ako sa parehong daan na tinahak nila, pero laking gulat kong may bumulaga sakin na limang tunnels. Heck! Alin naman kaya dito ang dinaanan nila? Hahakbang na sana ako muli pauna nang maramdaman kong bumaba yung tinutungtungan ng kaliwang paa ko. Damn! A trap! Bigla nalang nahulog sa itaas ng entrance ng bawat tunnels ang rehas ng makapal na bakal kasunod ng isang brick wall sa likuran nito, pati sa nilabasan ko kanina. Great! I’m trapped! Lahat ng tunnels ay may harang na bakal.

Ilang saglit pa’y nakita kong may isang estatwa ng nakangangang nakakatakot na bear ang biglang lumitaw sa gitna at bigla itong nagpakawala ng tubig and the underground place is starting to get filled up with cold water! Kailangan kong makalabas dito bago pa man mapuno ng tubig ang paligid ko! Humakbang ako pabalik sa nilabasan ko kanina at sinubukang iangat yung bakal na rehas. Takte! Ang bigat! Hindi ko kayang iangat. Anong gagawin ko?! may chance ba na pwede kang mamatay sa training ta ‘to? Double dead, pwede ba ‘yon? Sh*t!

Third Person’s POV:

Samantala…

“Sigurado ka bang ito yung tinutukoy nung nabihag natin?” tanong ni Vane kay Tim Harnes ng Diamond Eagle.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon