Third Person’s POV:
Narating nina Ethan at Grei ang nasabing daan papasok sa silid ni Anger sa loob ng kweba. Sa may pintuan palang ay may malulumanay na tinig na silang napapakinggan. Maslumakas pa ito nang buksan nila dahan-dahan yung kahoy na pintuan.
Bumungad sa kanilang harapan ang isang pabilog na silid na kung saan ay may malaking kama sa gitna na napapalibutan ng tubig paikot. Ang tubig na nakapalibot ay nanggagaling sa isang butas na nasa pader. Nakaupo sa ibaba ng kama ni Anger ang mga naggagandahang mga serena na kumakanta habang naka pikit ang kanilang mga mata. Their lower body is submerged in the water, samantalang yung kalahati naman ay nasa labas ng tubig.
Samantala…
“Sa tingin ko’y kelangan nating magmadali. Baka nga naron na sila sa dulo ng kweba dahil mas nauna sila satin.” Sabi ni Jiena.
Naka-alalay naman si Ivan kay Axelle dahil medyo nakakaramdam na ito ng panghihina. Unlike them, hindi naman sya ganon kalakas para tumagal sa loob ng kwebang puno ng dark energy.
“Axelle kaya mo pa ba?” tanong sa kaniya ni Ivan.
Tumango si Axelle. “Oo, kaya ko pa.” bulong nito.
Kung pwede sanang siya nalang ang pumasok sa kweba nang hindi na kasama si Axelle ay masmagiging kampante pa sya. He knew that Axelle is not as strong as them, at maaaring hindi na nya makayanan ang mga susunod pang alon ng dark energy, but they don’t have a choice. Ayaw sa kanila sumama nung music box, kaya wala din silang choice.
Ivan carried Axelle in his arms na ikinasurpresa nito, but she let him. Para maka tipid naman sya ng lakas nya.
“Ano ba ‘yan! Ang bagal nyo naman!” reklamo ni Jiena na medyo malayo na sa kanila.
Napasinghap nalang si Ivan sa inaasal ni Jiena dahil hindi nya ito magawang patulan. Bumulong naman si Axelle sa kaniya. “Hayaan mo na, baka nag-aalala lang sya. Magiging siste-in-law mo naman sya, kaya pagpasensyahan mo nalang sa mga inaasal nya.”
“Hindi ko nga alam kung anong nakita sa kaniya ng mga magulang naming at sya pa ang pinili.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ang mga magulang namin ang nagdesisyong maging magkasintahan sila. Sila ang pasimuno sa arrange marriage.”
Tila ba natigilan si Axelle sa narinig. ”H-hindi si Grei?”
“Hindi. It was both of our parents plan to have them engage. Jiena’s from a wealty family. Ang pamilya nya ay kaibigan ng dad ko at ng tunay na dad ni Grei. Matagal na ding magkaibigan sina Raze at Jiena. Parehong nakita ng mga magulang namin kung gano sila ka-close sa isa’t isa, kaya siguro pinagkasundo sila at isa pa… kailangan muna ni Grei magpakasal bago sya maging kwalipikado bilang isang pinuno.”
“Teka? Hindi ba pwedeng isa lang ang mamuno? Kahit na walang asawa.”
Umiling si Ivan. “Nakasaad sa batas na kailangang sundin ng mga next in line sa kontinente man o sa trono ng Zyteria, na kailangang may katuwang sila sa pamumuno. Kung walang asawa ang isang heir bago ang itinakdang araw ng pagpapalit ng pwesto ay hindi nya makukuha ang korona. Magmumula ang susunod na mamumuno mula sa kaniyang mga kapatid na may asawa, o di kaya ay sa pinakamalapit nyang kamag-anak na may asawa.”
Hindi na sumagot si Axelle at nanatiling tahimik.
“Kung gusto mo matulog ka muna para may lakas ka pa mamaya pagdating natin don.”
“H-ha? Aayos lang ako. Umm… Pwede na ba ‘kong bumaba?”
“Matulog ka muna.”
“Hindi naman ako inaantok, kaya ko nang maglakad ulit Ivan. Tsaka baka nangangalay kanang kargahin ako, bababa na ‘ko.”
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)