Third Person’s POV:
Mag-isang nakaupo sa may balkonahe ng kaniyang kwarto sa kanilang mansion si Grei habang iniinom ang kaniyang pinatimplang kape at nasa malayo ang tingin. Ilang saglit pa’y pumasok sa kaniyang silid ang kaniyang ina na may dalang mga sweets at diretsong tinahak ang daan papunta sa may balkonahe.
“Bakit bumangon ka kaagad ‘nak?” nag-aalalang tanong niya sa kaniya sabay nilapag ang kaniyang dalang pagkain sa mesang katapat nito.
“Maayos na po ang pakiramdam ko ma, "‘wag na po kayong mag-alala.” paninigurado ni Grei. Binaba niya ang kaniyang iniinom at kumuha ng dalang pagkain ng kaniyang ina. “Hmm. Na-miss ko po ‘tong luto nyo.” sabi pa niya.
Naupo katapat nya ang kaniyang ina. “Sigurado ka bang ayos ka na talaga? Hindi rin biro yung lasong napunta dyan sa katawan mo. Kadadala mo lang dito kahapon, nagulat nga kami eh, pinag-alala mo ‘ko ng sobra.”
“Ayos na po talaga ako ma.” paninigurado nya. “Sa loob ng ilang taong sinasagawa namin ‘yong training, ngayon lang nagkaron ng ganitong disgrasya. May balita na po ba kayo ma ulit sa academy?” tanong niya. Wala pa kasing nakapagsasabi sa kaniya kung anong nangyari magmula nung nilisan nya ang academy, kagigising lang din nya ilang oras na ang nakalilipas.
“Sabi sakin ni Ivan, may iniimbistigahan daw silang kaso na patungkol sa isang demon na pumasok sa academy, bukod don wala na, isa pa’y Rest Day nyo daw mga estudyante ngayon, hanggang bukas, kaya samantalahin mo muna ang pagkakataong ito para makapagpahinga ng ayos.” huminga ng malalim ang kaniyang ina. “Naaalangan na ako sa school na pinapasukan mo ‘nak.” lumingon sa kaniya si Grei. “Kahit na noong nag-aaral pa din ako don, ni minsan wala pang nakakalusot na demon sa barriers. Nangangamba na ‘ko para sa kaligtasan nyo don, pati na ng ibang estudyante.”
“May ginagawa nanamang hakbang ang mga taong incharge sa academy ma, don’t worry, safe pa rin kami don, siguradong may mga taong pinadala na rin ang hari para tumulong. Pero imbis na krisis ang pag-usapan natin,… kamusta na kayo dito ma?”
“Kung ano ang nakasanayan, ganon pa rin, Medyo may nagbago lang kasi lumalaki na si Jay Ro. Naku! ‘yong kapatid mo na ‘yon, maslalong kumukulit.” hindi maiwasang mapatawa ng konti ni Grei habang ini-emagine ang kapatid nyang lalaki na nakaka-bata. “’yong papa mo naman, trabaho pa rin.” natigilan sandali si Grei nang mabanggit nito ang tungkol sa tatay nya. “Nagkausap na ba kayo ulit?” tanong nito sa kaniya, umiling naman sya ng madahan bago binalik sa malayo ang tingin. “Alam kong may tampuhan kayo ng papa mo, pero sa tingin ko’y dapat nag-uusap pa rin kayo hindi ‘yang iniiwasan mo sya.” mababakas sa mukha ni Grei ang medyo pagkainis sa topic na ayaw nyang tinatalakay.
“Hindi naman nya ako talaga nakikita, bakit pa ako mag-aaksaya ng panahon. Don na sya sa ‘magaling’ nyang anak.” singhal nito habang nakayukom ang isang kamay na nakapatong sa bubog na mesa.
“Raze!-”
“Bakit ma? Don naman sya lagi pumapabor di ba?” inis ulit niyang sabi.
Hindi maitatagong may samaan ng loob sa pagitan nila, ng tatay ni Grei at sya. Kaya minabuti nalang muna ng kaniyang ina na ‘wag na munang ituloy ang topic na iyon. Huminga sya ulit ng malalim tsaka tumingin din sa malayo katulad ng ginagawa ni Grei bago nagsalita. “Nasa bayan nga pala kasalukuyan si Jiena kasama ni Kyle. Baka daw kasi ma-boring dito sa mansion kaya niyaya ng kapatid mo.” tumango si Grei. “Maya-maya babalik na rin sila.” sabay tumayo ang kaniyang ina at nag-paalam na bababa na muna.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)