Chapter 24: Upcoming

718 29 0
                                        

AN:

Important Note at the End...

Third Person’s POV

Dumating na ang araw na inaabangan ng nakararami estudyante ng ZESKA. Ang highlight-

The Duel Match Between Axelle and Lyn…

Habang abala sa kaniyang morning warm up si Axelle naghahanda naman ng kanilang mga sarili para sa pagpasok ang iba nyang mga kasama. Just then may kumatok sa kanilang pinto.

“I’ll get it!” anunsyo ni Hannah sabay tumakbo papunta sa may pinto bago binuksan ito.

Bumungad sa kaniya ang isang blonde na babaeng nakasuot ng SK Uniform at may nakalagay na ‘Emerald Ox’ sa ilalim nung academy logo na naka pin sa kaniyang uniform. It’s rare for an SK Member to be here in the dorms meant for Classes B and below Students.

“Yes?” tanong ni Hannah sa kaniya.

“Dito ba yung room ni Axelle?” tanong nito.

“Yeah, she’s here.” sagot ni Hannah sabay tinawagan ng pansin si Axelle. Huminto si Axelle sabay lumapit sa kanila sa may pinto.

Pagkalapit ni Axelle, may kinuhang isang puting envelope yung babae mula sa bulsa ng coat nya sabay inabot kay Axelle. Kinuha ito ni Axelle.

“That includes all the information you’ll be needing for your duel with Lyn.” panimula nito. “Naka include din dyan yung agreement nyo, pakipirmahan nalang at dalhin mo sa venue. Good Luck.” maiksing paliwanag nito sabay naglakad paalis.

Pagkasara ng pinto, lumapit sina Marry at Giselle sa kinaroroonan nilang dalawa.

“Ano yan?” tanong ni Marry.

“Yung Agreement daw nila, ngayon lang dumating.” paliwanag ni Hannah.

Axelle stared questioningly at the envelope she’s holding. “Kailangan pa talaga ng ganitong echos? Duel lang naman ah?” tanong niya.

“Maka ‘lang’ ka naman dyan… Dahil legal dito sa school ang mga Duels as long as may approval mula sa member ng school admins at board may agreement letter talaga na ibibigay at ipapa-approve sa magkabilang panig, para maging official ang laban at magkaron kayo ng reservation para gamitin ang arena. Sa loob ng isang buwan, pinapahintulutan lang na maganap ang apat na official duels sa loob ng arena, yung pang lima ay sa susunod na buwan na, bla, bla, bla… at ito rin ang palaging entertainment ng mga walang klase. Once they heard a duel is about to take place, pati sila hahanap na rin ng magandang mauupuan sa loob ng arena.” paliwanag ni Marry.

“Teka?! May ibang manonood?” gulat na tanong ni Axelle.

“Anong ine-expect mo? Kayo lang dalawa ang laman ng arena? May siguradong pupuntang limang member ng board o admin para panoorin kayong maglaro and to make sure everything is in order, plus, dahil SK Member ang makakalaban mo, expected na marami-rami ang manonood.” Paliwanag ni Hannah.

“Axelle di ba ngayon ka lang ba haharap sa isang duel? O nakaranas ka na dati?” tanong ni Giselle.

“Ah… this is my first time.”

“OK, I-remind ko lang sayo na ang isang duel dito ay kailangang tumagal lang ng isang oras na may dalawang round, every 30 minutes… Kaya sa loob ng isang oras ay kailangan mong matalo si Lyn.”

“Ha?!!! May oras?!” gulat na sambit ni Axelle.

“Syempre naman noh! Alangan namang maghapon kayo don sa arena.” sabi ni Marry. “Isa pa pala… may nabalitaan din akong may duel ding naka schedule ngayon ah… Class B-1 versus Class B-3.”

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon