Third Person’s POV
Tuluyang pumasok sa loob ng clinic room si Jiena at pasadyang sinagi ng malakas si Axelle patabi bago dumiretso sa harapan ni Grei, with her arms crossed.
“Jiena, you don’t have to do that. Wala naman kaming ginagawang masama.” depensang sagot ni Grei sa kaniya.
“Tss. Wala? Eh kakikita ko lang sayo kanina na katatapos mo lang mag-ayos ng damit mo, tapos ngayon gusto mong isipin kong walang nangyari between the two of you?!” naiinis niyang bulyaw.
“Kasi wala naman talaga…” he sigh. “Look, ayokong makipag-away sayo, I can’t stand the sight of you being mad at me, but please believe me… Nothing suspicious happened, trust me.” sagot ni Grei sabay hinawakan ang parehong kamay ni Jiena para pakalmahin sya. In return, Jiena pouted like a puppy sabay yinakap si Grei, Grei also hugged her back. His head bowed slightly while his eyes are closed and a small smile plastered on his lips.
Hindi namalayan ni Axelle na kanina pa pala syang nakatayo sa kabilang tabi ng pinto habang nanonood sa eksenang ‘lovers quarrel’. Her hands and teeth clenched at mukhang gustong sabunutan si Jiena at kaladkarin palabas ng clinic. ‘Di dahil sa sampal o pagsagi nito ng malakas sa kaniya kanina, kundi dahil sa hindi nya masikmura ang mga nakikita nya.
‘I should have left.’ bulong nya sa isip nya. But her feet refused to move. ‘Sh*t! Why am I even watching this?’
Something inside her aches seeing the both of them in that position. There’s a side of her na gustong umalis at magpakalayo, and there’s also that other side na gustong paghiwalayin yung dalawa. But she choose none of those two options. She just stood there… eyes focused on the present scenario.
Sa mga sandaling iyon isa lang ang nararamdaman nya na maihahalintulad sa isang bagay na sobrang mahalaga sa kaniya sabay nawala nya. Isang mahalagang bahagi ng buhay nya, pero binitawan nya. Parang isang nawawalang pyesa ng buhay nya na kelan man ay ‘di nya mahahanap. Bakit ganon? She was fine with her life before she met him, well… almost fine… and she was also doing well since he left… almost well.
‘What did he do to me?’ hindi nya maiwasang kwestyunin ang kaniyang sarili. He took a piece of her, and she let him get away with it, kaya ngayon sya rin ang nahihirapan. ‘So this is how one-sided feels like…’
Ilang saglit pa ay may naramdaman syang basa sa gilid ng kaliwang mata nya.
“Sh*t!” mahinang bulong niya at bago tumulo ang nagbabantang luha sa mata nya ay mabilis niyang nilisan ang klinika.
Habang binabaybay niya ang daan pabalik sa main hallway ng palapag na iyon ng gusali ay bigla namang sumulpot si Alie sa isang tabi.
“Sumunod ka sakin.” utos nito sa kaniya.
“May isa pa akong klase ngayon.” sagot niya.
“Late ka na ng halos kalahating oras mahigit, bukas ka nalang pumasok.” sabi nito sabay naglakad papasok sa isang walang lamang silid. Sumunod naman sa kaniya si Axelle matapos ang sandaling pag-iisip.
Mula sa pinakadulo ng isang bakanteng classroom ay may nilapag si Alie sa isang lamesang kahoy na isang papel. Lumapit rito si Axelle sabay tiningnan kung ano yung bagay na iyon. Isang mapa, mapa ng pasikot-sikot sa buong paaralan.
“Masyado ka nang naging kampante nitong mga nagdaang araw. Baka nakakalimutan mo kung ano ang tunay mong sadya kung bakit ka naririto? Hindi magaling sa hintayan ang ama ko, kaya maaga pa lang ay dapat kumikilos ka na. Magpasalamat ka at tinutulungan pa kita.” sabi ni Alie sabay naupo sa isang bakanteng bangko.
![](https://img.wattpad.com/cover/171801386-288-k964488.jpg)
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Tajemnica / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...