Third Person’s POV:
Spirit Realm…
Isang palasyong gawa sa bato ang nakatayo sa tuktok ng mga naglalakihan at nakalutang na mga matutulis na bato. Napapapalibutan ang bawat sulok nito ng mga nakakalasong tinik ng mga vines na pumupulupot sa bawat sulok ng bato, pati sa ibabang gilid ng palasyo. Nagbabaga at sumusiklab ang apoy na nasa ilalim ng mga nakalutang na bato, kasama rito ang mainit na magma na marahang umaagos mula sa itaas patungong ibaba na mistula bang isang falls. Naliligiran ang malaking palasyo ng nagkalat pang mga nakalutang na bato na may magkakaibang taas. Bawat isa ay konektado ng isang luma ngunit matibay na bakal na tulay, at lubhang nakamamatay ang isang maling hakbang.
Iilang mga nilalang lang ang makikitang gumagala sa delikadong paligid, halos lahat sa kanila ay may taglay na nakakapangilabot na itsura, kasama na dito ang mga matang kulay dugo at ang malalamig nilang mga balat na halos kulay tinta. Kapag nanahimik ang paligid ay maririnig ang sigaw ng mga nagmamakaawang mga kaluluwang nakabilanggo sa malawak at walang hanggang mga kulungan patungo sa ibaba na walang sino man ang nakararating at nakaaalam kung gaano kalalim.
Sa loob ng palasyong bato, nakangiting naglalakad sa mahabang hallway ang isang Grim Reaper patungo sa isang silid kung nasan ang nilalang na kaniyang ibig makausap. Pagdating sa dulo ay lumiko siya pakanan at natanaw ang isang malaking batong double door na binabantayan ng dalawang nakakatakot na kawal.
“Anong pakay mo?” estriktong tanong ng isa sa mga ito na humarang sa kaniya.
“Ibig kong makausap ang hari, may balita akong dala.” mariing sagot nito sabay makahulugang nagtinginan ang dalawang kawal bago nila tinulak pabukas ang malaking pinto at pinapasok ang Grim Reaper sa loob. Kaswal siyang humakbang papasok, kasunod nito ang pagsasara ng pinto sa kaniyang likuran.
Sa isang altar nakaupo sa kaniyang trono ang hari. Seryoso siyang pinagmasdan nito hanggang sa marating ng Grim Reaper ang ibabang bahagi ng baitang, lumuhod ito at nagbigay galang sa taong nasa harapan niya.
Hindi na nagsayang ng panahon ang mainiping hari at diretsahan na siyang tinanong. “Anong kailangan mo Qin?” tanong nito sa bagong dating.
“Kamahalan, may dala akong magandang balita sa inyo.” panimula niya sabay bumalik sa pagkakatayo at tumingin sa hari. “She’s dead.”
“Magaling... gusto ko syang makita at makausap.” utos nito.
“Masusunod.” maiksing sagot nito sabay may nilabas siyang isang maliit na sphere ball na kulay dark purple na lumulutang pa sa palad niya. Hinagis niya ito sa may bandang kaliwa sabay isang makapal na itim na usok ang nagsimulang umikot sa sphere, nag crack ito at nabasag sabay lumabas ang isang kulay green na usok at utay-utay na nagkaron ito ng mga anyo.
Dalawanng smoke demon ang nakapagitna at nakasuporta sa kanilang bihag na nasa gitna. Ilang saglit pa ay parang nahimasmasan na ang kanilang bihag at unti-unting nagkaron ng malay sa bago nitong paligid. Nanlaki ang kaniyang mga mata at nagulat sa bumulagang senaryo sa harapan niya.
“What the heck?! Sino kayo ha! Nasan ako?! Bitawan nyo nga ako!” pagpupumiglas niya, pero kahit ano pang gawin nya ay di sya makawala sa mga kapit nitong parang kadena.
“Axelle.” tawag ng hari sa kaniya. Agad siyang tumahimik at napalingon sa may altar sa unahan nila.
Isang anyong taong nilalang na may malaking sungay sa magkabilang bahagi ng itaas ng kaniyang ulo, maputla at medyo abo ang kulay ng balat, nakasuot ng makapal nakapa na may pinaghalong kulay tinta, abo at pulang maladugo. Ang mga matatalas na matang kulay itim na sa kaniya’y nakatuon ang atensyon at ang nakakatakot na kukong mahahaba’t paulit-ulit na tumatapik sa marmol na gilid ng kaniyang inuupuan, habang ang isang kamay naman ay nakatuon sa ilalim ng kaniyang baba.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)