Axelle’s POV:
Habang kuntento na akong pinapapak yung isdang inihaw ni Gray Head kanina’y hindi naman mapakali itong utak ko sa kakaisip kung anong nangyari minutes ago. Ang huli ko lang kasing natatandaan ay may nakita akong isang flower meadow tapos hindi ko na maalala ang sumunod hanggang sa makagising ako’t eto handa na ang agahan. Plus, kanina pa yung nakakalokong ngisi ni Gray Head sa mga labi nya. May nangyari ata, pero bakit di ko matandaan, it’s like I passed out or something???
Teka? Baka kaya siguro ganito ang pakiramdam ko, strange, ay dahil baka na hypnotize ako ng bago naming kalaban! I need to check if this was real.
Kinurot ko ang sarili ko.
Aray! Masakit! Gising nga talaga ako, pero…
Ako naman yung ngumisi ng nakakaloko kay Gray Head.
“Bakit?” buong pagtataka nyang tanong.
Dumampot ako ng isang batong kasing laki ng kamao ko na malapit sa kinauupuan ko sabay bumalik sa kaniya ang tingin. Halatang nagulat sya.
“Hoy! Anong gagawin mo dyan?” kabadong tanong nya.
Sinantabi ko muna yung isdang kinakain ko tsaka tumayo.
“I want to know if I’m hallucinating or not.”
“Kung ganon, ‘wag mong sasaktan ang sarili mo! Ibaba mo nga yang bato.”
“Sinong may sabing gagamitin ko ‘to laban sa sarili ko?”
“Mabuti naman-Teka? Ano? Hoy! Ibaba mo yan!” nagpapanik syang napatayo.
“’wag kang malikot! Saglit lang ‘to, parang kagat lang ng langgam.” Sabay sinipat sa kaniya yung bato.
“Hoy! Ano ka ba? Kumakain tayo oh tapos idu-duel fight mo pa ko.”
“Ha??? Duel fight?” binaba ko yung bato. Wrong grammar ata???
“Teka? Hindi mo naaalala?”
Nagsalubong ang kilay ko. “Ang alin?”
Ngumisi ulit sya. “Nevermind… Pero hindi ako ang kalaban, kaya pakibaba nan yang batong hawak mo. Is this the face of an enemy to you?” nakuha pa nyang magpout.
“Parang gusto ko din namang ibato ‘tong bato sa pagmumukha mo kahit pa di ikaw yung kalaban.”
“Napaka-bayolente mo talaga.”
“Anong sinabi-”
Naawat yung pagsasalita ko nang may narinig akong mistulang mga tinig na bumubulong kasabay ng hangin.
“Anong sasabihin mo?” tanong nya.
“May naririnig ka bang kakaiba?”
“Ha?” tumahimik din sya at nakinig. “Wala naman ah? Baka hangover parin dahil don sa bulaklak na inamoy mo.”
“Aling bulaklak?”
“Yung beer flower sa may meadow. Nalanghap mo yung mga pollen nya kaya nalasing ka ng di mo namamalayan.”
Ah… so ganon pala ang nangyari sakin.
“Teka? Bakit ngayon mo lang ‘yan sinabi eh kanina ka pa ngumingisi dyan! Ikwento mo sakin ang buong nangyari kundi papasaan kita dyan!”
“Hayyy… ganito ksae ‘yon…”
After a few minutes of talking…
“At sinabi mong ‘Never me lashing! I’m Total Gas pine! Ma-kungpoo wars pa kita eh! Watcha!’ sabay nag-akto kang susugod sakin na parang may snake move tapos - Hoy, ba’t di ka makapagsalita dyan?...pst. hoy.”
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystère / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)