Chapter 15: Clarify

780 40 2
                                        

Axelle’s POV:

Hindi na ako naka sundo pa ng maayos na tulog kagabi kaya minabuti ko nalang na bumangon ng maaga. Tulog pa sina Hannah at wala akong balak na gisingin sila ng ganito kaaga, kaya naisipan ko nalang na mag-agahan muna sa dining hall bago dagsain nanaman ito ng mga tao. Madaling araw pa lang at siguradong walang nagbabalak pang mag-agahan ngayong umaga. Nag-ayos lang ako saglit ng sarili ko sabay lumabas ng kwarto at pumunta sa hall.

Pagkarating ko don may tao/spirits na rin palang nagbalak ng maagang agahan. Naupo ako sa usual table ko, bago ako naagawan ng bangko kagabi, at ilang saglit pa ay may lumapit na sakin isang parang service crew o di kaya ay waiter dito sa hall. Tinanong nya ako kung anong gusto kong kainin at sinabi ko namang kahit ano nalang. Umalis siya at habang hinihintay ko ang pagkain ko palingon-lingon lang ako sa buong hall.

Ngayon ko lang na realize talaga na malaki ‘ton hall at mukhang isang malaking auditorium, na elegante ang dating. Nilingon ko ang bawat table at may nakitang dalawang babaeng kumakain sa may table ng Class C at isang lalaking mukhang nerd naman sa table ng Class B. Nagpatuloy lang ang mata ko sa paglilibot hanggang sa dumako ito sa isang double door na bumubukas. Tatlo kasi ang double doors papasok dito sa dining hall, at don ako sa una dumaan.

Lumaki pa ang bukas ng pinto at pumasok ang isang pamilyar na spirit. Hindi sya lumingon-lingon at diretso lang na naglakad patugong table ng Class A. Ako naman ay nagdarasal na sana di niya ako mapansin. Gusto ko mang umalis sa dining hall na ito, kaso nagugutom na talaga ako. Kagabi pa akong di kumakain, at kailangan ko ng lakas ngayong araw.

Medyo natigilan ako nang nagsimula na siyang magmasid sa paligid pagkaupo nya. Agad akong umiwas ng tingin at lumingon sa kabilang dako, sakto namang dumating yung waiter na dala yung agahan ko at naharangan nya saglit yung view nung matang naglilibot.

Nilapag niya sa table ko ang agahan ko sabay umalis. Napalingon naman ako pabalik sa table ng Class A. Nakita kong nilapitan na rin sya ng isang waiter.

“Good morning Grei!” tiling bati nung dalawang babae from Class C.

Umiwas naman ako ng tingin at hinarang nalang ang buhok ko at pandalas na kinain ang agahan ko. Naka-ilang subo na rin agad ako nang-

*tok, tok, tok.*

May kumatok sa table na kung saan ako naka pwesto. Ayoko sanang iangat ang paningin ko pero alam kong kailangan.

Sana di sya.

Sana di sya.

Sana di sya.

Sana di sya.

Pulit-ulit kong bulong sa isipan ko hanggang sa makasalubong ko ang pares ng dalawang asul na mata ng isang babae.

“May nagpapatawag sayo sa labas, Miss.” sabi niya bago umalis at nilagpasan ako.

Huh?

Sino namang nagpapatawag sakin ng ganitong oras?

Sumubo nalang ako ng mga ilang kutsarang pagkain pa sabay tumayo sa kinauupuan at diretsong naglakad palabas, nang di tinatama ang mga mata ko pabalik sa loob ng dining hall.

Sa bungad pa lang ay nakita ko na si Imy, este, Alie na naka sandal sa pader. “Sumunod ka.” utos niya sabay nagsimulang maglakad. Sumunod naman ako.

Ano nanaman kaya ang kailangan nya sakin ngayon? May nagawa ba akong mali?

Pareho kaming tahimik na naglakad sa walang katao-taong hallway hanggang sa makarating kami sa isang silid. Pumasok siya sa loob at sabay pumasok din naman ako.

Medyo madilim ang loob ng silid na hula ko’y isang dormitoryo din. Naupo siya sa isang silya katabi ng isang bakal na lamesa sa gilid ng isang gigaan sabay taas kilay na tumingin sakin.

“Wala ka bang itatanong? Samantalahin mo na hangga’t binibigyan pa kita ng panahon ko.” sabi niya.

Sa tono ng kaniyang pananalita, hindi ko na makita kung si Imy pa ba ‘to o ibang tao/nilalang na.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko naman.

“Ang slow mo…. Tungkol dito sa academy syempre.” mataray na sagot nya.

Tss.. Nakaka-irita na sya ha. “Ah, ‘yon pala.” akala ko sumablay na ako eh. “Meron.” sagot ko. “Bakit mukhang di NILA ako makilala? May nangyari ba?” Panimula ko. “Wala sa mga inaasahan ko ang magiging reaksyon nila. Magpaliwanag ka.”

Huminga siya ng malalim sabay sumandal sa upuan. “Ah.. ‘yon ba?… Wala silang memorya mula sa nakaraang dalawang taon-”

“Pano?”

“-hindi mo na kailanngang malaman kung pano o bakit. Basta tandaan mo lang na kahit anong gawin mo ay walang makakakilala sayo, at kung sino ka dito sa mundong ito… maliban samin.”

TIME SKIP…

Naglalakad na ako papasok sa una kong klase kasabay sina Marry. Nagkukwentuhan silang tatlo, samantalang ako naman ay mistulang lumulutang sa ere ang utak. Iniisip ko yung sinabi sakin kanina ni Alie.

Hindi nila ako kilala, wala silang maalala.

Kaya naman pala… Pero pano naman kaya nangyari ‘yon?

“Pst. Axelle… ayos ka lang ba?” tanong ni Hannah.Napnsin kong kanina pa pala kami napahinto sa paglalakad. Naka harap silang tatlo sakin at naghihintay ng isasagot ko. “Mukhang kanina ka pa walang imik ah, at parang may iba sa aura mo ngayong araw.” dugsong pa niya.

“Ah-eh, wala man ‘to. May iniisip lang akong isasagot sa lesson mamaya sa first subject ko kung sakaling ako ang maituro nung propesor namin.” pagdadahilan ko naman.

“Ah, ‘yon lang pala. Naku! Wag kang magpaka stress dyan. Kayang-kaya mo naman eh!” sabi ni Giselle.

“Guys, dito na stop ko, see ya!” paalam ni Marry sabay pumasok sa isang classroom kung saan ay mistula nang war zone ang loob sa magugulong estudyante.

Nang maka-ilang lakad pa kami ay narating na rin nina Hannah at Giselle ang kanilang classroom na magkatapat lang. Sabay silang nagpaalam sakin bago pumasok sa loob.

Mag-isa akong nagpatuloy sa aking paglalakad. Nasa may bandang dulo pa kasi ng hallway na ito ang classroom na pupuntahan ko. Napatingin ako sa relong naka sabit sa pader na aking nadaanan. Ten Minutes before class starts. Hindi naman ako aabot ng ganon katagal sa paglalakad.

Diniretso ko muli ang tingin ko sa aking pupuntahan at nakitang lumabas mula sa isang classroom sina Tory at Jessica. Napahinto ako ng saglit at pinagmasdan silang dalawa habang nagkukwentuhan at patungo sa direksyon ko.

Now, it’s time to see kung totoo nga ang sinabi sakin ni Alie kanina.’

Nagpatuloy ako sa paglalakad at planong salubungin silang dalawa bilang isang normal na estudyante, tingnan nalang kung may mangyari.

Ilang metro nalang ang layo ko sa kanila, pero wala pa rin.

Konting agwat nalang hanggang sa malagpasan lang nila ako ng harap-harapan… ay wala pa ring nangyari. Hindi sila huminto, tumigil o lumingon man lamang.

It really is true…

They don’t remember me at all.

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon