Chapter 1: Another Beginning

3.7K 71 3
                                        

2 YEARS LATER…


Third Person's POV:

Sa isang liblib na lugar na malayo sa kabihasnan at maunlad na sebilisasyon, natatago sa makapal na kagubatan ang isang bahay na gawa sa kahoy at pawid na may katamtamang laki. Mula sa kusina nito sa likod ng bahay ay abalang nagluluto ng pananghalian si Aling Bertha. Ilang saglit pa nang matapos niyang isalang ang kaniyang niluluto sa apoy ay pumasok muli sya sa loob ng kaniyang bahay.

Makikitang nakasabit sa sawaling pader ang mga antigong larawan at iba’t ibang makalumang mga paintings na halos pumupuno sa buong pader ng sala. Naka-ayos naman ng salansan ang mga makalumang banga at flower vase sa loob ng isang may bubog na cabinet. Sa ibabaw nito ay may mga kahong kahoy na naka selyado.

“Haayyy… Ano nanaman kaya ang binubulong sakin ng balanga?” bulong niyang sambit sabay pasok sa isang silid.

Pagbukas niya ng pintuan sinalubong siya ng isang hagdanan patungong ibaba at sa isang tabi ay may nakasabit na isang lamparang may sindi. Kinuha niya iyon at nagpatuloy sa paghakbang pababa ng hagdan. Nang makarating sa dulo ay may isang kahoy na pintuan ang mahigpit na naka sara. Kinuha niya ang kaniyang suot na kwintas na may nakasabit na lumang susi sabay binuksan ang pinto sabay pumasok.

Sa loob ng isang pabilog na kwarto makikitang naka palibot dito ang iba’t ibang koleksyon ng mga kakaibang mga halaman at kung ano-anong mga kasangkapan pati na sa isang tabi ay may makikitang isang bookshelf na inaagiw at maalikabok na dahil sa minsan lang mabisita. Sa gitna ng silid naka posisyon ang isang balangang may lamang malinis na tubig.

Lumapit siya sa isang kahoy na cabinet at binuksan ito sabay may kinuhang isang kwintas na bato at isang maliit na garapon na may lamang pulbos, tsaka lumapit naman sa balanga. May binigkas siyang mga salita sabay binudbodan ng kaunting pulbos ang malinaw na tubig ng balanga at pinaibabaw sa bibig nito ang kinuha niyang kwintas na bato sabay bumigkas ulit siya ng makalumang dayalekto. Ilang saglit pa ay nag-iba ang kulay ng tubig ng balanga, naging purong itim ito. At may isang pwersang nagpaatras sa kaniya na labis naman niyang ikinagulat, kasabay nito ang malakas na kabog ng kaniyang dibdib.

“Susko! A-anong ibigsabihin nito? Isang babala?” nagtataka at nag-aalala niyang sambit.

Samantala….

Axelle’s POV:

Halos mag tatatlong oras na akong bumabyahe sakay nitong kotse ko mula nang dumating kami ni Rich, yung butler ko, mula sa airport. Kararating lang muli namin dito sa bansa matapos ang isang linggong stay sa Italy.

Nakakamiss ang matamis na hangin ng probinsya! Nothing is even more better than being home!

Limang buwan na din kasi akong panay travel nang maaga kong natapos ang schooling ko. Yup! Sino ba namang di magugulat kapag sinabi kong within two years graduate na din ako! Hindi nga din ako makapaniwala eh, ultimong sarili ko din ay bilib sa sarili ko. Kapagka talagang may isang bagay kang gustong ma-achieve at pinagpursigihan mo ay siguradong unbelievable ang magiging result.

“Mukhang masayang-masaya ka ngayon ah… Na miss mo ‘tong lugar?” tanong ni Rich mula sa may driver’s seat.

Naka dungaw naman ako sa bintana mula sa may back seat katabi ng isa kong bagahe. “Limang buwan lang, parang ang pakiramdam ko’y matagal na panahon na ang lumipas.” reply ko. Ilang saglit pa ay may nadaanan kaming pamilihan, at sa isang tabi ay may nakita akong mga nagtitinda ng mga bulaklak, tsaka may naalala ako. “Ah! May dadaanan nga pala muna ako. Pwedeng pakihinto muna malapit don sa tindahan ng bulaklak?”

Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon