Third Person’s POV:
“How could you.” Basag ni Jess sa katahimikang namumuo sa kanilang dalawa ni Axelle sa loob ng pahabang silid.
“I-I’m sorry.” Malungkot na sabi ni Axelle. Ni hindi nya maggawang tumingin sa mga mata ni Jess sa mga oras na ‘yon dahil sa sobrang pagkadismaya din nya sa sarili.
“Pano na ngayon ‘yan? Hindi mapipigilan ng sorry mo ang mga binabalak nila, lalo nang hindi nito matatakpan ang puntong nakipagnegosasyon ka sa kanila. I’m so disappointed in you Axelle. Akala naming mapagkakatiwalaan ka. But you lied… and pinaka masama pa… pinahamak mo ang buong Zyteria at ang mundo ng mga mortal dahil sa ginawa mo.”
Tumutulo na ang luha sa parehong mata ni Axelle dahil sa labis na pagsisisi. Pero ano pa nga ba ang magagawa nya? They already left with the pin. “I…I’m sorry Jess.”
“Why did you do it?” lumingon sya kay Jess at nakitang naka tingin ito sa kaniya ng diretso at seryoso na may halong pagka dismaya ang emosyon. “Why did you work for them?”
“Wala akong ibang choice.”
“Choice?”
“Hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sayo-”
“Walang problema sakin kung magpaliwanag ka, I just don’t know if I could trust your words anymore.”
“Still, I want to try.” Huminga ng malalim si Axelle at nagsimulang ikwento ang lahat ng naranasan nya bago sya napadpad sa Zyteria. Kasama dito yung mga tagpo noong nabubuhay pa sya sa mundo ng mga mortal hanggang sa deal na ginawa nila ni Satan. She explains everything and hopefully… Jessica will believe her.
TIME SKIP…
Nang makatapos magpaliwanag si Axelle ay nanatili pa ring tahimik at walang imik si Jessica. Hindi nya alam kung naniniwala ba ito sa mga sinabi nya, pero ok na rin sa kaniya ‘yong may nakinig sa paliwanag nya kahit papano.
“If you don’t want to believe me, ayos lang sakin.” Sabi ni Axelle sabay sumandal sa pader at tumingin sa mga nagkalat na kadena sa paligid.
The souls were all sucked in by her body and Ashier’s a while ago. It drained her strength a little, pero mabilis din namang bumubuti ang pakiramdam nya.
“Ang ibig mo bang sabihin, pinatay nila ang iyong physical mortal body para madala ka sa mundo ng mga spirits?” tanong nito na syang bumasag ng matagal nyang pananahimik.
“Pinapatay nila ako. Nagpakalat sila ng mga tauhan nila at ginawaran ng isang pekeng pabuya sa kung sino man ang makakapagdala sakin kay Satan.” Paglilinaw ni Axelle.
“May alam ka ba kung bakit ka nila gustong-gustong kunin?”
“Wala. Pero sa tingin ko si Ashier meron.”
“Ashier? Yung kamukhang-kamukha mong umatake sakin? Sino ba sya?”
“Nong nabubuhay pa ako sa mundo ng mga tao ay hindi pa rin ako tumigil na maghanap ng kasagutan na magpapaliwanag sa mga kakaibang nararamdaman ko, why am I seeing souls, spirits, ghosts, and experienced other supernatural things. Hanggang sa may nakilala ako. Isa syang albularyo, and she explained to me what my rare condition is.”
“Anong sinabi nya?”
“Natural lang talaga sa ilang mga mortal ang magkaroon ng abilidad na makakita o makadama ng mga supernatural things, dahil kumpara sa isang normal na tao, mas mataas ang spiritual precence ng mga ito kesa sa iba. Merong mga mortal people na nakakakita lang ng multo, meron namang iba na nakakakita na ay may dagdag na kakayahan pa, katulad ko. But mine is different…”
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...