AN:
Ang masasabi ko lang... This chapter is pretty long... hehe...
Axelle’s POV:
It’s time… My time to step into the fighting grounds of the huge arena. Matapos mapanood kung gano ka delikado ang mga labanang nagaganap sa lugar a ito, inaamin kong medyo nangantog ang tuhod ko. Pero wala nang atrasan ito. I laid down my words, and that can never be taken back.
Mahigpit kong hinawakan ang dala kong rapier, sa kanan, at iron shield sa kaliwang kamay. Both my weapons are lightweight, gusto ko ng maayos na paggalaw para sa mabilis na atake at depensa sa kung ano mang nakatago nyang baraha. I can hear the crowds cheering loudly for this fight, pero masnangibabaw yung mga taga suporta ni Lyn. What can I say?… she’s been staying in this academy for ‘who-knows-how-long’? at ako naman ay bagong salta lang. May inagbago ring ilang arrangement dito sa gitna ng arena. Kung kanina ay sobrang linis ng gitna, ngayon ay may ilang mga kahoy na lamesa ang nakakalat sa iba’t ibang side ng arena, bawat isa ay may mga nakapatong na iba’t ibang klase ng sandata at shields. May ilang malalaking boulders ding nakatayo sa palibot namin.
Ilang saglit pa ay nilabas niya ang isang mataas na kalibre ng baril mula sa kaniyang coat sabay kinasa na may aksyong nagmamayabang. Tss… I wanna rip her off to shreds right now.
A Rapier against a Gun? This’ll be bloody…
Matalim kaming nagtitigan sa isa’t isa habang nagdadaldal nanaman yung maingay na announcer.
“Again folks! Ang pinakaaabangan ng lahat! Trainee versus Spirit Knight, Axelle versus Lyn!” naghiyawan ulit yung mga manonood. “’wag na tayong maghintay pa’t simulan na natin ang labanang ito!” kasunod non ang mababang tunog ng isang horn.
Alam naming nagsimula na ang oras ng labanan, pero wala ni isa samin ang kumibo mula sa aming kinatatayuan hanggang sa magsalita si Lyn.
“Pasalamat ka ‘low class’ isang baril lang ang gagamitin ko sa labang ito. Baka nga isang bala ka lang…”
“Tss! Puro ka yabang! Patunayan mong kaya mo ‘kong patumbahin ng isang bala mo, pero bago mo magawa ‘yon siguradong uunahin ko munang idarak itong espada ko sa mayabang mong bibig.” bato ko sa kaniya.
She didn’t reply at ramdam kong nainis ko sya. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang baril at dinig ko ang pagkalog ng ilang kadenang naka palamuti dito.
“Then let’s get started.” maiksing tugon niya sabay sumugod sa kinaroroonan ko at pinaulanan ako ng bala.
Simula na ang tunay na labanan.
Mabilis akong naka-iwas sa sunod-sunod niyang paulan ng bala. Damn this! Dapat baril na rin ang ginamit ko. My weapon is not made for long distance combats.
Tumabi muna ako sa isang malaking boulder habang nag-iisip ng paraan para makalapit don sa isang mesa na may nakapatong na mga armas na pwede kong magamit sa long distance fight. What can I use?
Kinapkapan ko ang suot kong coat sabay dalawang dagger ang naramdaman ko from under the fabric.
“Don’t play hide and seek with me low class, sumuko ka nalang para mas dumali.” udyok niya sakin.
Damn hell! Kahi anong sabihin nya hindi ako susuko.
Kinuha ko yung isang dagger mula sa bulsa ko sabay ginamit yung makintab kong shield para makita kung saan ang eksaktong lokasyon nya. And when I successfully saw her not from afar, I smirked. Hindi nya alam kung saang bato ako nagtago. Dumb.
Huminga ako ng malalim bago hinanda ang aking sarili sa pagtakbo. Once I leaped out from my hiding spot binato ko agad sa kaniyang direksyon yung unang dagger na nakuha ko from under my coat.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Misterio / Suspenso"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)