AN:
Hello WORLD!!!
Pasyensya na sa matagal na hintayan. Naging busy po kasi ako sa aking training at acads, sobrang hirap lalo na’t maraming adjustments na kailangang ayusin at mga bagay-bagay na kelangang tapusin, kaya naman minsan lang ako maka-upo sa harap ng laptop, na ang tanging ginagawa ay ang pagtataype ng presentationss at pag-iisip kung pano mag code ng program. Haaayyyy…. Binagyo din po kami eh.... Anyway, here’s an update, enjoy!
Third Person’s POV:
Maaga pa lang ay nakagayak na si Jiena para pag-bisita nya sa kaniyang kontinente, sapagkat pinapatawag siya ng kaniyang mga magulang. Kasama nya papunta sa portal para ihatid sya ay ang kaniyang fiancé na si Grei.
“’Wag kang gagawa ng kalokohan, saglit lang ako don.” Bilin ni Jiena sa kaniya.
“Pinagmumukha mo naman akong bata.” Sagot ni Grei.
“Basta, behave while I’m away.”
Ngumiti si Grei bago hilahin palapit si Jiena sabay hinalikan sa kaniyang noo. “I will.”
Nang mag-agwat ang kanilang mga mukha ay naka pout si Jiena. “Ako ang pinagmumukha mong bata.”
Tipid na ngumiti si Grei. “Aren’t we both still young?”
“Yes, but, sooner or later we will be doing what adults do… after we got married.” Nakangiti ring sabi ni Jiena.
Medyo matagal na di nakasagot si Grei…”Sige na, pumasok ka na sa portal para maaga ka ring makabalik mamaya. Mag-iingat ka.”
Ngumiti ulit si Jiena bago magbukas ang lagusang nasa likuran nya, pero bago siya tuluyang pumasok sa loob ninakawan nya ng isang halik sa pisngi si Grei, that caught him by surprise.
“Bye hun!” sabay pumasok na siya sa portal, after that it closed on its own.
Huminga siya ng malalim sabay tumalikod at akma na sanang aalis nang mapahinto sya.
“Kanina ka pa ba dyan?” tanong niya.
Ilang saglit pa’y sumilip mula sa may pintuan si Tory.
“Um… Yeah. May ipinapasabi nga pala si Ella. Pinapatawag ka daw ni Prof. Ariston sa office nya.”
“Bakit daw?”
“Ewan, nagmamadali kaninang umalis si Ella kasi may ihahatid pang mga papeles sa syudad ng Sardis kasama si Ivan, kaya di ko masyadong napakinggan yung mga sinasabi nya, masyadong mabilis eh…”
“Ah… sige.”
“Aaattt… Ito pa pala.” Sabay may inabot si Tory na isang envelope kay Grei, kinuha naman nya ito. “Sabi ni Jessica, paki bigay nalang daw sa Emerald Ox.”
“Bakit di nalang sya ang magbigay? O di kaya’y ikaw?” taas-kilay na tanong nito.
“Ah… kasi… busy-rin-ako-eh-kaya-bye!” sabay pandalas na tumakbo si Tory palabas ng silid.
Huminga ng malalim si Grei sabay nag teleport papuntang hallway para pigilan si Tory sa kaniyang pagtakas, ngunit sa paglitaw niya ay di inaasahang may nabunggo sa kaniya, dahilan ng matumba ito sa lakas ng impact, pero si Grei ay mistulang di man lang naapektuhan.
“Hoy! Ano ba!-“ napatulala ang nakabunggo sa kaniya.
“Sorry Axelle. Ayos ka lang ba?” sabay nilahad nya yung kamay nya para tulungan itong makatayo.
Hindi ito tinanggap ni Axelle at medaling tumayo sa sariling mga paa, pagkatapos ay pinagpagan ang kaniyang sarili, kahit na wala namang alikabook o dumi sa kaniyang kasuotan. Ilang saglit pa’y dumating na din si Tory.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Misterio / Suspenso"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)