Axelle’s POV:
Kahit na di nya ako maalala, para pa rin syang linta na ngayon kung makasunod sakin. Halos buong klase ko nong umaga ay panay ang buntot na parang aso. At the same time… Medyo masaya din naman ako, bakit? EWAN, ‘di ko rin alam sa sarili ko. Parang nawawalan ako ng pakialam sa mga nasapaligid ko kapag magkasama na kami, di lang dahil masyadong focus kami sa pag-aasaran sa isa’t isa kundi dahil… parang masarap din sa pakiramdam?
Huh? Ano nanaman ba ‘tong pinag-iiisip ko? Nakakainis nga rin eh kasi ang kulit nyang katabi!… Kanina pa nga ako nagpipigil.
“Pst.” nilingon ko yung katabi kong kanina pang sumusutsot sakin ngayon habang nagkaklase yung teacher namin sa Potion Class na maihahawig sa chemistry o laboratory science, except kakaiba yung mga ingredients na pinapaghalo-halo nila.
“Ano?” pabulong kong tanong sa kaniya.
“Malapit nang mag time, anong sunod mong klase?”
“Tse. Manahimik ka nalang nga dyan.” medyo naiinis kong sagot sabay bumalik sa pakikinig. Naku! Kung pwede lang lumipat pa ng upuan kanina ko pang ginawa.
“Pst.”
Axelle mag focus ka sa lesson.
“Pst… Uy…”
Wag kang magpapadala sa tukso.
“Pst…”
Aba’y ang kulit nito!
“Psssstttt…”
“ANO BA?!!!”
Bigla kong tinabunan nung kamay ko yung bibig ko sa biglang pagtaas ng boses ko. Aiisshh!
“What’s the commotion over there?” tanong nung teacher na ngayon ay naka tingin na sa direksyon namin, at huminto ang mga mata nya sakin. “Meron ka bang gustong ibahagi sa klase, Miss?” tanong niya. I can feel the majority of the stares of the whole class were on me.
Napalunok nalang ako ng laway. This is the second time! Pangalawang beses na masita ngayong araw dahil sa mokong na ito. Anong idadahilan ko?! Sh*t! Wala akong maisip.
“Stand up.” utos nung teacher na medyo strikto na ang tono ng boses. What happened to her angelic voice?
Tumayo ako… habang medyo nanginginig yung tuhod. Buti nalang tabon nung mesa. “Ah… Kasi po mam… Ah...”
“Ma’am!” nagulat ako at biglang tumaas ng kanang kamay iton si Gray Head. Ngayon may atensyon na ring nalipat sa kaniya.
“What is it Mr. Grei?” tanong nung teacher.
Tumayo itong nakakainis kong katabi na hawak ng kanang kamay nya yung kaliwang balikat nya na medyo umiika din at di maka tayo ng ayos, tapos umakting na parang nasasaktan.
What’s up with this guy? Anyare? Hindi ko pa naman sya napapatulan injured na?
“Ma’am, sobrang sakit po kasi nung kaliwang bahagi ng katawan ko dahil sa training namin kahapon, magpapasama lang po sana ako sa clinic sa kaniya.” Ha??? His acting is a piece of junk! Who would ever believe that? An idiot like him?
Napahinga ng maluwag yung teacher namin sa unahan. “’Yon lang naman paa eh…” ha? Naniwala si mam?! “Bryan, ikaw-”
“-Sya nalang po ang isasama ko mam!” mabilis na sagot ni Gray Head.
“Ano?!” tanging sagot ko sa kaniya. Sabay death glare.
“Fine.” napalingon ako pabalik don sa guro sa unahan. She’s not seriously believing this idiot’s lie, is she? “Pumunta na kayo sa clinic.” Ha???!!! No way!
![](https://img.wattpad.com/cover/171801386-288-k964488.jpg)
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...