Axelle’s POV:
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nag-iisa dito sa loob ng kwartong pinagdalhan sakin pero ang tanging alam ko lang at nararamdaman ko’y konti nalang halos hilom na yung lahat ng sugat kong natamo sa katawan ko. Sa totoo lang talaga, during our duel wala akong maramdamang sumasakit sa katawan ko, hindi ko nga alam na may sugat din pala ako sa may likod ng hita eh… Ganon ba ako kamanhid?
Anyhow, instead of thinking all those things sinubukan ko kung kaya ko nang umayo ng ako lang. Inallis ko yung ilang unan na kanina’y yakap ko at tinabi sa may uluhan ko bago dahan-dahan kong pina-slide pababa ng higaan yung mga binti ko hanggang sa lumapat yung mga paa ko sa malamig na sahig. Huminga ako ng malalim bago tuluyang tumayo ng ako lang.
Humakbang-hakbang pa ako ng konti sabay tumalon ng mababaw… WWala na ako ng kirot na nararamdaman. It’s like I’ve never been injured and bruised before! Ano kayang healing gamot yun at mabaon lagi.
“Hindi na ba masakit?” tanong nung doktor na tumingin sakin kanina. Si dokora Helena lang pala. Bakit di ko sya naramdamang pumasok?
“Ah, Hindi na po.” sagot ko naman.
“That’s a great news… But still, magdahan-dahan ka muna at ‘wag mong biglain.” bilin niya bago nagpatuloy sa paglalakad papalapit sakin. “Maupo ka muna ulit at titingnan ko.” utos pa niya at agad naman akong sumunod at naupo ulit sa may kama. May kinuha ulit siyang isang naka boteng gamot mula sa cabinet bago naupo katabi ko at may pinahid na kung anong likido sa ibang sugat na visible pa. “This’ll help to prevent scars.” paliwanag nya.
“Salamt po doc.” sabi ko naman.
Ilang saglit pa’y nalihis ang atensyon amin sa bagong pasok sa silid. Isang babaeng nakasuot ng SK uniform at nakita kong may ‘Emerald Ox’ na nakalagay sa ilalim nung logong naka pin sa damit nya. Nang makita nya kami ay agad niya kaming binati sabay sakin nya huling tinapat ang atensyon nya. Napansin kong huminga pa sya ng malalim bago nagsimulang magsalita.
“You must be Axelle Bliz Gutierrez. I’m Lady Vanessa Rica Mirez the Captain of the Emerald Ox Troop, you can call me Vane, nagagalak akong makilala ka at maging parte ng aming tropa.” sabay nakipag kamay sya sakin.
Mukhang ang ugali lang ni Lyn ang naiiba ah… Her Troop mates seemed to be nice.
“Same here…” tanging sagot ko.
“It’s all done.” sabi ni doktora sabay tumayo. “Pwede ka nang makalabas at makabalik sa iyong klase or daily routine, basta ‘wag ka lang munang magpwersa.” sabi niya.
Hindi pa man ako nakakapagpasalamat ulit ay inunahan na ako ni Vane magsalita. “Kung ganon, pwede ka nang sumabay sakin pabalik sa headquarters.” nagagalak na sambit nito habang kaharap ako. “Kanina pa palang nailipat yung mga gamit mo sa bago mong kwarto at malamang tapos na rin ang klase nina KC at nung iba, they’ll be thrilled to meet you, except KC, I presume you and her already had your greetings.”
“Uh… Yeah. I’ll be happy to meet them.”
“That’s great! Let’s go!”
Kani-kanina lang mukha syang isang mahiyaing bata na hindi mo alam kung pano ba magpapakilala, ngayon mukha na syang batang may hawak na maraming kendi.
Sinundan ko siya sa paglalakad papunta sa portalvator na magdadala samin, express, paakyat sa 14th floor kung nasan naka destino ang mga kwarto meant for SK members, pati yung headquarters nila.
Nagkaron kami ng konting kwentuhan ni Vane patungkol sa naging laban ko kay Lyn. She didn’t question much pero sinabi nyang hanga daw sya sakin.
Nang makatungtong kami sa ika-labing apat na palapag ng gusali ay mistulang nag-iba ang atmosphere sa ere. May ilang SK kaming namataang naglalakad sa may hallway at nang makita ko sila, hindi ko maiwasang manibago.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Mystery / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...