Third Person’s POV:
Naunang bumangon mula sa pagkakahiga sa napakapinong buhangin si Arden, sumunod si Ivan at sina Axelle at Jess sa may di kalayuan.
“Nasan tayo?” panimula ni Arden habang lilingon-lingon sa paligid na walang ibang pwedeng makita kundi ang napakaraming buhanging bilad sa tirik na araw at naglalakihang mga sand dunes sa may di kalayuan.
“Mukhang nauna tayo sa sumunod na dimension.” Wika ni Ivan habang pinapagpagan ang sarili pagkatayo.
“Guys!” Jess exclaimed running closer to them. “Ayos lang ba kayo?” tanong nya while helping Axelle stand up on her feet.
“Ayos lang. Pero hindi ako makapaniwalang nasa mainit na kalagayan nanaman ako ngayon. Lutong-luto na ‘tong balat ko.” Sagot naman ni Axelle.
“I agree.” Sabi ni Arden. “Kailangan nating makahanap ng masisilungan mula sa init ng araw.”
“Plus, tubig. Nauuhaw na kaagad ako.” Sabi ni Jess habang pinapaypay ang kaniyang kamay sa may mukha nya. “Hindi pa naman ako sanay sa mga ganitong klema.”
“Bakit?” tanong ni Axelle.
“Lagi kasing taglamig don sa kontinente namin, at hindi rin ako mahihilig sa maiinit na mga lugar.”
“Ahh…” naisip ko ring kelangan ko na din ng desenteng pahinga. Sa mga nakalipas na mga araw puros kaguluhan lagi ang bumubulaga samin, wala na tuloy oras ang makapagpahinga.
“Let’s get movin’.” Sabi sa kanila ni Ivan na kanina’y nananahimik.
Axelle’s POV:
Naunang maglakad samin si Ivan, sumunod naman kami ni Jess at nagpahuli si Arden. Tahimik, as usual si Ivan… well ano pa bang ieexpect ko? Ang daldalin nya akok matapos ang nangyari. Kahit nga ako’y nabigla at hanggang ngayon, processing pa rin sa utak ko yung ginawa nya. Masyadong mabilis and I wasn’t able to react… well as if I had a choice back then… pero, hindi ko talaga inaasahang gagawa sya ng ganon.
Argh! Hindi talaga maalis sa isip ko yung flashback na paulit-ulit nang bumabalik sa imagination ko.
He claimed me on the lips!
Hindi ko alam kung sasama ba ang loob ko o magpapasalamat pa ako eh… Tss. Sabagay hindi na naman virgin ‘tong labi ko. Pero, still… my lips are a part of my private property.
At dahil nga medyo lutang ako ay hindi ko napansing medyo bumilis pala ang paglalakad ko. Hindi ko na kasabay si Jess, kundi almost magkapantay na kami nitong si Ivan.
Medyo binagalan ko ng konti pero nagsisimula pa lang ako bigla naman syang huminto at nilingon ako. Buti nalang wala ako sa may likuran nya kundi makaka bangga pa nya ako.
“Sorry.”
“Para san?” tanong ko kahit na obvious naman kung para saan yung paghingi nya ng tawad.
“For the thing that I did back then.” Sabay sinabayan nya ako sa paglalakad.
Funny. I feel strange. Hindi kasi ito yung usual na atmosphere nya. Lagi kasi nyang gustong mapag-isa kahit na naglalakad. This is new to me.
“Ano ka ba, mabuti nga yo-” teka? Mali ata ang masasabi ko ah… “-Mabuting… gawa ang pinakita mo. Hehehe…”
*Mental face slap*
Damn! Ano ba ‘tong pinagsasasabi ko?!
“Pero gusto ko pa ring humingi ng pasyensya. I have no permission and I have no rights to do so.”
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]
Misteri / Thriller"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love... Can they remember her in time before darkness consumes her soul and loose her forever? Welcome to...
![Spirit Knights: ZESKA (Book 2) [DRAFT VERSION]](https://img.wattpad.com/cover/171801386-64-k964488.jpg)